COMOP#31: Katatakutan

86 3 0
                                    


Katatakutan

*****

A/N: Para sa lahat ng natatakot:)

Hindi malalaman ang iyong kinatatakutan,
Sa ilalim ng araw o liwanag ng buwan.
Mahilig ka ba sa nasabing Katatakutan?
Hayan na, heto na, atin ng simulan!

H'wag mong basahin sa bahaging madilim,
Hindi mo makikita ang duguang nakaitim.
Sa umaga nama'y huwag kang lilingon;
Iya'y paalala lamang, sa isip ay ibaon.

Subukang makiramdam sa samyo ng hangin,
Huwag kukurap sayo'y may nakatingin!
Ihanda ang sarili nang may lakas ng loob,
Mag-isa sa payong saglit may susukob.

Kaputol na paa sa kinaroroona'y papalapit,
Tumingala ka't may dilang sayo'y nakalawit.
Yakapin ang sarili kapag dumating na siya.
'Di ka makatakas, ni maihakbang ang paa.

Saan ka matatakot, hindi o ulong pugot?
Katabi mo na upang hininga ay malagot!
Kung mag-isa ka ngayon, kahit saan kaman
Naisin mo ma'y hindi ka parin lulubayan.

Magsimulang mangatog iyang mga tuhod,
Sa katatakbo mo ikaw ay mapapagod.
Sa tindi ng 'yong pagod ika'y makakatulog,
Paggising mo't pagmulat, siya ang dudulog.

Hindi mo maiiwasan pagdampi ng hangin,
Malamig ang paligid pagsipatin ang paningin.
Saan ka pupunta? Nais mo ng makawala?
Sige ka, lalo lang silang magpapakita!

Alalahanin 'sang killer sa ‘Chainsaw Massacre!’
Halimaw sa pelikulang, ‘The Nightmare!’
Sadyang nakakatakot lalo na sa, ‘Wrong Turn’,
Sila ang makikita kapag ika'y mag-switch on!

Kapag nag-iisa sa loob ng iyong silid,
Laging mong tatandaan ang pinto'y ipinid.
Panatilihin din naman ang ilaw ay bukas,
H'wag magbubukas kung may kumatok sa labas.

Sa takot mo'y manghihina ang iyong katawan,
Susugurin ng kalabang 'di pangkaraniwan.
Tatakutin ka lang at ika'y susunggaban,
Doo'y sasairin ang 'yong dugo't laman.

Matakot ka na kung ikaw ay nag-iisa,
Anong laban mo kung sila ang umaasta?
Wala kang panama kung ika'y makikibaka,
Kawawa ka lang kung susubukan mo pa.

Kukulungin ka nila sa madilim na kwarto,
Dudukutin ang mata, babasagin ang bungo.
Pag-aagawan nga nila laman-loob mo,
Sisipsipin dugong laman ng 'yong pulso.

Ngunit ang totoo, ito'y isang katatakutan.
Walang ganito, wala namang katuturan,
Kung sasang-ayunan, iyan ang kat'wiran.
Tiyak na darating, hinahanap ng isipan.

Kaya kung ako sayo, h'wag ng paniwalaan.
May nakapagsabi na ba ito'y nasaksihan?
Hindi totoo, isang panlilinlang!
Kababalaghang, sa imahenasyon nabibilang.




POEMA || COMOP SpecialWo Geschichten leben. Entdecke jetzt