COMOP#36: Paraiso

133 3 0
                                    


Paraiso

*****

Tuluyang nagsara, siya nama'y pagbukas.
Mula sa madilim, pagliwanag ay wagas.
Sa harap ng lagusan, ang sarili'y nadatnan.
May bukal sa puso nagbigay kapayapaan.

Puting dalampasigan, asul na karagatan.
Kay lawak ng lupain, paligid ay luntian.
Mga ibon ay malaya, sila'y nagkakantahan,
Lahat ay nandoon sa paraisong natagpuan.

Ang apat na panahon doon ay pinag-isa,
Tag-init sa silangan doon ay masisilayan.
Sa kanlura'y taglagas, tag-ulan sa hilagaan
Sa timugan naman tagsibol ang makikita.

Magandang damhin kung saan naroroon,
Sa ganda ng lugar, puso ay nagumon.
Namasdang taglagas  sa bahagi ng parang,
Niyebe sa taluktok, sa init ay nadadarang.

Ilog walang humpay sa pagbuga ng tubig;
Paningi'y napako hindi na yata maibaling,
O, paraiso sa maraming bagay ay tigib.
At ang paglisan ay inalis na't 'di nanaisin.

Wala ng kalungkutan at lagit ang kapara,
Purong kagalakan, lahat ay pinagpapala.
Mahirap tanggapin paniwalaan ang sarili,
Kahit nalalasap, dalawang mata ang saksi.

Mga ligaw na hayop umamo nalang bigla,
Sumusunod sa akin saanman mapunta.
Kahit na paalis minsa'y sinulyapan ko pa,
At nagising sa umaga, panaginip lang pala.





-jackblairejackson

POEMA || COMOP SpecialМесто, где живут истории. Откройте их для себя