COMOP#28: Bilanggo Ng Nakaraan

107 4 0
                                    


Bilanggo Ng Nakaraan

*****

Wari ba'y 'di mo maihakbang ang paa;
Hindi makawala sa kulungang hawla.
Masidhing bigat na 'yong dala-dala;
'Sang dahilang 'di malasap ang paglaya.

Ba't ba kay hirap dumulog sa liwanag?
Katulad ay bampira sa sinag ay ninilag;
Ba't 'di mo imbitahin ang kasalukuyan
Isa kang bilanggo ng iyong nakaraan.

Ang nakaraan lumipas na ang kaarawan
Hindi maunawaan? Buksan ang isipan!
Pilit inilalayo ang maging uliran
At abang buhay sa sariling bilangguan.

H'wag mong patayin ang iyong anino;
Hindi siya makikita kung ika'y magtatago
Parehong ninyong mundo ang gugulo
Kung ikaw mismo magkulong sa sarili mo.

Gumising at bumangon, ikaw ay lumakad
Ipagaspas ang pakpak, ikaw ay lumipad.
Tipunin ang lakas upang makapagkalag
Sa lawak ng daigdig ay maglagalag.

A/N: Salamat po sa pagbabasa;)

POEMA || COMOP SpecialOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz