COMOP#12: Luha Sa Mukha

224 4 2
                                    


Luha Sa Mukha

*****

Kapag natutulala, hindi ko namamalayan,
Ang pagdaloy ng luha, sa mukha ng tuluyan.
Nalulungkot isipin yaong namamasdan,
Ang mapansin sa mundo, tigib ng kasamaan!

Hindi ko inakala na ganito ang sasapitin,
Ang pagkabasag ng puso at aking damdamin.
Dagling napansin pag-agos ng mga luha,
Na sa aking mukha'y nag-uunahan pababa.

Naisin mang iwasan mga kaganapang ito,
Subalit 'di narin mababalik pa ang totoo.
Ang totoo sa pasimula ng ating mundo,
Dahil naglaho na, at malaki ang pinagbago.

Pahirin ang luha sa maamong mukha,
Linaksan ang loob, inalis ang paghihina.
Na sa susunod, matatapos ang pagbabata,
Umaasang pag-asa masisilayan sa mukha.

Pinanghahawakan ang tanging salita,
At hindi lahat ng oras, daranas ng dalita.
Mga luha ay magbabago ng diwa,
Mula sa kapighatian, magtatapos sa tuwa.

>>>

Alam Mo Ba?

»Ang tulang, ‘LUHA SA MUKHA’, ay tulang may tugma. Ang unang saknong nito ay may tugmaang a-a-a-a. Ang mga salitang, namamalayan, tuluyan, namamasdan, at kasamaan.

Kapag natutulala, hindi ko namamalayan,
Ang pagdaloy ng luha, sa mukha ng tuluyan,
Nalulungkot isipin yaong namamasdan,
Ang mapansin sa mundo tigib ng kasamaan!

»Ang pangalawa namang saknong ay tugmaang a-a-b-b. Sapagkat ang una't ikalawang taludtod ang magkatugma, sasapitin at damdamin.

Hindi ko inaakala na ganito ang sasapitin,
Ang pagkabasag ng puso at aking damdamin.

»Samantalang ang ikatlo at pang-apat na taludtod naman ang magkatugma, luha at pababa.

Dagling napansin pag-agos ng mga luha,
Na sa aking mukha'y nag-uunahan pababa.

>>>

Talaan ng mga Salita

*Pagbabata - paghihirap; pagtitiis

*Tigib - punô; batbat
*Dalita - hirap, pagdurusa; dusa
*Kapighatian - kalungkutan

POEMA || COMOP SpecialHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin