COMOP#37: Manahimik Nang Walang Masugatan

82 2 0
                                    


Manhimik Ng Walang Masugatan

*****

Sarili'y ikubli sa kapangyarihan ng dilim;
Nang hindi makita, langit at mangulimlim.
Upang maging ligtas sayo ang kapwa mo,
At hindi maging sanhi ng pagkakagulo.

Maging pipi sa lahat ng nangapapansin,
Maging bulag saanman ika'y mapatingin.
Sekretong napakinggan h'wag bibigkasin,
Kung natutukso'y tutulan ang damdamin.

Manatiling walang alam sa mga nakikita,
Takpan ang bibig, huwag magsasalita.
Naisin mong labas ka sa ano paman.
Laging manahimik kung kinakailangan.

Sa pagkukwento'y 'di dapat paramihan,
Sapagkat 'di mo batid ang kahahantungan.
Isipin kung ikabubuti o ito'y ikasasama,
Ng lumisan ang digmaa't hindi mo mapala.

Mamayani sa tuwid na pagkakatindig,
Ang gumagawa ng tama ay kaibig-ibig.
Iyo ngang sundan bawat mabuting daan,
Sarado ang bibig ng walang masugatan.

POEMA || COMOP SpecialWo Geschichten leben. Entdecke jetzt