COMOP#03: Ang Dapat Ipamahagi

413 6 4
                                    


Ang Dapat Ipamahagi

*****

Ano pa nga ba ang dapat na ibigay?
Yaong pag-ibig ba'y sa kapwa ialay?
Tama! Iwasan ang pakikipag-away,
Upang buhay ay manatiling makulay.

Pag-ibig nga naman ang dapat manaig,
Ipalaganap nga sa buong daigdig.
Ating iwasan ang bawat pagtatangi,
Lamang ang pag-ibig, dapat mamayani.

Sa katorse nga, sa buwan ng Pebrero,
Ipagdiwang, bantog sa isip ng tao.
Higit na malaman ng kahit na sino,
Buwa’y hindi, ang dapat basehan dito.

Hindi ba't Dios, unang nagsakripisyo?
Kanyang ibinigay yaong tanging Kristo!
Dahil sa pag-ibig, habag N’ya sa tao,
Niligtas, lumaya’t binago N’ya tayo.

Sa pag-ibig lahat ay magiging dapat,
Tunay na magmahalan tayo ng tapat.
Hindi mananalo walang kabuluhan,
Tiyak makakamtan ang kapayapaan.

Tunay, ipamahagi nga ang pag-ibig,
Sa puso at isipan, bigkas ng bibig,
Sandatang matibay diyablo'y madaig,
Pag-ibig ng Lumalang dapat manaig.

>>>

Alam mo ba?

»Sa tulang, ‘Ang Dapat Ipamahagi’ na matatagpuan sa pang-apat na saknong ay naglalahad ng kaalaman tungkol sa Pag-ibig sa atin ng ating Diyos.

‘Hindi ba't Dios unang nagsakripisyo?
Kanyang ibinigay yaong tanging Kristo!
Dahil sa pag-ibig, habag N’ya sa tao,
Niligtas, lumaya’t binago N’ya tayo.’

»Juan 3:16
Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.

»Ang tula ay may kayarian ng taludturan, maaaring uriin ito sa tatlo; ang una ay may sukat at may tugmang taludturan’, ito ang karamihan ng tula na aking naisulat dito. Ito ang tugmaan sa hulihan ng taludtod na maaaring, a-a-a-a, a-b-a-b, a-b-b-a, at a-a-b-b.

>>>

Talaan ng mga Salita

*Manaig - mangibabaw, magwagi, manatili, umiral, maghari.

POEMA || COMOP SpecialWhere stories live. Discover now