COMOP#39: Naglahong Paraiso

111 3 0
                                    


Naglahong Paraiso

*****

Nang pasimula kay ganda ng mundo
Ginawa ng Lumalang na isang perpekto
Magandang pagmasdan, nakapaligid sayo
Magandang disenyo na isa ngang paraiso.

Panaho'y 'di naglaon dinagsa ng mga tao
Ang kapaligiran ay bigla nalang nagbago
Ibang-iba sa nakaraan simula likhain ito
Naglahong paraiso ang mapapansin mo.

Noo'y may bulaklak sumibol sa parang,
Kanyang halimuyak nakarating sa ilang.
Makulay niyang talulot ay mapang-akit,
Pati mga kulisap naaakit sa kanyang rikit.

Anomang panahon, tag-ulan ma't taglamig,
Hindi nalalanta abutin ng halumigmig.
Isang dalaga bumibihag sa mangingibig,
Busilak ang ganda at tunay na kaibig-ibig.

Nang ang araw ay, sa kanlura'y lumubog,
Masamang panahon ito ang sumunod.
Sumisigaw ang ilog sa tubig mayroon;
At buhangi'y umiiyak sa hampas ng alon.

Nagningas ang gubat, isang palatandaan.
Pagsapit niyaon naulila ang kapatagan;
Mga balisang ibon, walang madapuan,
Naglaho ang parang, walang masilungan.

Susunod na lahi na tila ba'y nangamatay,
Bawat may buhay ay nawalan ng malay.
Nasaan na ba ang tatawirang tulay?
Sumibol na bulaklak; nangupas, nanamlay.

Masakit isipin mga kaganapang hinaharap
Mga tao'y 'lang makain, sila'y naghihirap
Sakuna'y nananalasa kay bagsik, kay lakas
Isang paraiso'y naglaho na't nagwakas.

Kailan maibabalik ganda ng kalikasan?
Ilegal na pagtotroso ginagawang kadalasan
Pagkalbo ng bundok, pagsunog ng basura
Ilang dahilan kaya paraiso'y naparam na.

POEMA || COMOP SpecialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon