COMOP#23: Isang Ligaw

105 4 0
                                    

Isang Ligaw

*****

Hindi alam kung saan nagmumula
Kanilang pag-usbong ay nakamamangha
Sa isang ilang doon makikita
Halimuyak ng bulaklak ay kakaiba.

Sinasabing sa iba'y walang halaga
Palibhasa ba'y 'di pangkaraniwan?
Itinataboy yaon ng mga madla,
At walang makitang kahalagahan?

Isang ligaw, halamay tagong kariktan.
Paglaki nila ay sadyang masisilan
Laging nakahanay sa pesteng halaman
Kinaiinisan kanilang katangian.

Kanilang pagiging tulad isang ligaw
Kailan kaya malilimot 'di mapansin?
Sa paano ba nila sila masisilaw,
At maitama ang ilang paningin?

Tila walang puwang ang katulad nila
May maganda din namang naidulot sila
Kailan kaya sila dito mananatili?
Mapapalitan pa ba, kanilang dili-dili?

Isang ligaw paring nakadikit sa sanga
Sa ilang puno, sa parang makikita
Itinatakwil, at hinuhusgahan pa!
'Sang ligaw na ipinagtatabuyan nga.

Sa ibang halaman doon mangasisilayan
Na gaya'y 'sang puwang madaling matakpan
Hindi na mapansin ng karamihan
At pawang baliwala kung turingan.

Ano sa palagay, kung ika'y isang ligaw?
Nanaisin mo na lang ba, ika'y pumanaw?
Kamalayan sa mundo'y hahayaang maglaho
Ngunit kanilang pagsibol ay 'di masusugpo.

POEMA || COMOP SpecialWhere stories live. Discover now