Banal Na Espiritu*****
Tanggapin yaong Banal na Espiritu
Tanging patnubay sa kadimlan ng mundo
Dakilang regalo ng Panginoong Dios,
Upang bantayan tayo ng lubos.Kabigatan ma'y dumaratal sa puso,
Ikaw man ay nanghihina o nanlulumo.
Liwanag niya'y lalaganap saanmang dako
Laging nariyan na yayakap saiyo.H'wag mag-alala mga sis at bro
Tawagin lamang Panginoong Hesus
Anyayahan ang Banal na Espiritu
Na siyang gumiya, at lahat isaayos.Ika'y itutuwid sa mga daang liko;
Kanyang tutuwirin mga maling gawi mo.
Panatilihin pananampalataya mo,
Maluwag na tanggapin Banal na Espiritu.
![](https://img.wattpad.com/cover/197496508-288-k26774.jpg)
BINABASA MO ANG
POEMA || COMOP Special
PoetryHighest Rank for Poetry, 281K/#88 in poetry/03-26-2021 #16 as of Dec. 05, 2020 Salamin ng aking pagkatao, bakas ng kahapon. Kaibigan kong walang sawang makipagkuwentuhan at tunay na patunay ng aking nakaraan. Mga punit na pahina'y napag-isa sa aklat...