Pinaikot ko ang daliri sa ibabaw ng aking baso. Tinagilid ko ang aking ulo nang makaramdam ng init kaya pinaypayan ko ang sarili ko. Hinawakan ko ang aking cardigan at ambang tatanggalin iyon.

“Don’t remove that.” Bulong ng isang boses sa tainga ko. Nilingon ko ito at mukha ni Terrence ang sumalubong sa akin.

Natigilan ako sa lapit niya at nang mabalik sa sarili ay lumayo ako ng kaunti.

“Mainit.” Bigkas ko ng nararamdaman ko.

Lumipat ang tingin niya sa baso ko. “Are you drinking?” tanong niya na inilingan ko. Hindi pa siya naniwala at kinuha pa niya ang baso para amuyin iyon.

Wala siyang naging reaksyon ng malamang tubig lang iyon. Ngumunguso siya habang pinapalipat lipat ang tingin sa tubig at sa akin.

Tumingin ako sa kanyang likod at wala na ang babaeng may pangalan na Carmela. Nakita niya ang ginawa ko kaya lumingon siya sa likod niya.

“Kausap mo si Carmela. You know her?” Tanong niyang inilingan ko ulit.

Binalik ko ang tingin sa aking harap. Iniisip ko pa rin ang napag-usapan namin kanina sa taas. Ang sinabi kong hindi ko asawa si Ivan at hindi ko rin ginagamit ang apelyido ng aking tunay asawa.

“Anong pinag-uusapan ninyo?” Tanong niya. Nilingon ko siya at nakahilig siya sa counter. Nakatayo siya habang ako ay umupo na lang sa malapit na stool.

“Wala lang. Kasama namin kanina 'yong mga kaibigan niya. A guy asked me to join them.” Tiningnan ko ang dance floor. Nakita ko ang lalaki at tinuro iyon. “Siya.” Pagpapaalam ko sa kanya.

Hindi naman niya iyon tiningnan. “'Wag kang makikipag-usap sa mga customers.” Malamig niyang utos.

Tinaas niya ang kamay para tawagin ang waiter at humingi siya roon ng isang klase ng tequila. Dalawang baso agad ang binigay sa kanya na parang alam na alam na nito ang gusto niya. Agad niyang ininom ang dalawang iyon. Napangiwi ako dahil alam ko kung anong lasa niyon pero nanatiling diretso ang kanyang mukha. Parang hindi man lang siya natamaan sa alak.

“Bakit naman?” tanong ko sa kanya.

“Just say what I order you to do.” Utos niyang muli. “It’s in the contract.” Aniya. Lumunok siya bago ako nilingon.

“I have the right to talk to anyone. Hindi mo ako pwedeng bawalan doon.” Kunot noo kong sabi. “It’s in the contract.” Panggagaya ko sa kanya. Minsan ayokong binabara si Terrence. Ayokong sumasagot sa kanya. Pero minsan naman parang dapat na suwayin ko siya at talunin. Gusto ko ang nagiging reaksyon niya kapag ginagawa ko iyon sa kanya.

Umirap siya at hindi na nakipagtalo. Ngumisi ako dahil alam kong nanalo ako. I like it when he’s rolling his eyes.

“Just don’t get into trouble. 'Yong kausap mo kanina, si Carmela, siguradong hindi lang simple conversation ang gusto niyon sa’yo.” Salita niyang pinagtaka ko.

Hiram Na Pag-ibig (Formosa Series #2)Where stories live. Discover now