Day 40. Araw at bituin.

14.9K 154 6
                                    

Setting: Hospital

Pagkaraang lumabas ni Albert ng kwarto ko ay dumerecho siya sa room 205.

*tok tok*

"Goodafternoon po." bati ni Albert.

"Iho, ikaw pala. tuloy ka. May mahalaga din akong sasabihin sa'yo." sabi ni Mrs. Delos Reyes.

*Albert POV*


Si Dianne, ang kaisa-isang anak ni Mrs. Delos Reyes, ay naaksidente sa banggaan ng sasakyan. Halos isang linggo na ding nasa ospital si Dianne at tanging oxygen tank na lang ang bumubuhay sa kanya. Aksidenteng narinig ko ang kundisyon ni Dianne sa mga nurse kung kaya't agad kong kinausap si Mrs. Delos Reyes ukol sa cornea ni Dianne. Eto na ang sagot sa bawat panalangin ko..

"Mrs. Delos Reyes, tungkol po sana sa cornea ni Dianne ang pinunta ko dito." sabi ko.

"Tungkol din dun ang sasabihin ko sa'yo Albert." sagot ni Mrs. Delos Reyes.

"Sige po. Maraming maraming maraming salamat po. Si Dianne na lang po ang tanging pagasa ni Kat na muling makakakita.. Alam ko pong napakahirap nito para sa inyo.." pagpapatuloy ko.

"Sorry Albert..." matipid na sagot ni Mrs. Delos Reyes sabay yuko.

"Po? Ahh. Para po saan yun?" tanong ko.

"I can't mercy kill my beloved daughter. Oo Albert. Alam kong napag-usapan na natin ito. Kumuha ng donor card si Dianne pero there's still hope." sagot ni Mrs. Delos Reyes habang umiiyak.

"Pero po.. Pero.. Pero sinabi na ng doctor na mahirap na ang kundisyon ni Dianne di po ba?" sagot ko habang nangingilid ang luha.

"Ayun ang sabi ng doctor. Pero hindi yun ang sinasabi ng puso ko. Ayokong ako mismo ang pumutol sa kakapiranggot na pagasang yun... Alam kong gigising at gagaling pa ang anak ko.. I'm sorry Albert.. I'm sorry.. aalisin ko na ang pagiging cornea donor ni Dianne kay Kat.. Patawarin mo ako iho.." sagot ni Mrs. Delos Reyes sabay lapit kay Albert at hawak sa kamay.

"Pero po... Si Kat...." sagot ko habang tumutulo ang luha.

Dahan-dahang akong lumuhod sa harapan ni Mrs. Delos Reyes.

"Parang-awa nyo na po... Please. Please... Si Dianne... Ang cornea... Si kat.. Parang awa niyo na po Mrs. Delos Reyes. Nagmamakaawa po ako.." sabi ko habang umiiyak at nakaluhod.

Itinayo ako ni Mrs. Delos Reyes at niyakap.

"Patawarin mo ko Albert..."

*Daniel POV*

45 days. (Finished)Where stories live. Discover now