Sikreto sa likod ng mga bituin.

15.7K 173 7
                                    

Setting: Loob ng sports car ni Daniel

Nagdidrive si Daniel. Nasa tabi niya ko. Tahimik. Parang walang may gustong bumasag sa katahimikan.

"Uhm.. Kat.." mahinang sabi ni Daniel.

"Bakit daniel?" sagot ko sabay tingin sa kanya.

Inabot ng isang kamay niya ang cp niya sa kin at bumalik din agad sa pagdidrive.

"Ha?"

Tumingin sa kin si Daniel ng saglit tska bumalik sa pagdidrive. Parang may gusto syang sabihin na di ko magets.

"Ano ba yun?" tanong ko.

"Isave mo # mo dyan." matipid na sagot niya.

"# ko? Bakit?" tanong ko ulit.

"Ang dame mong tanong. Pulis ka ba? basta isave mo na dyan." sagot niya.

Sinave ko at pinatong ang cp sa upuan niya. Tumingin lang sya saglit sakin at binaling ulit ang tingin sa pagdi-drive.

"Daniel.. may tatanong sana ako." tanong ko habang nakatingin sa kanya.

"Ano yun?"

"Yung tatlong lalake sa park dati. Ano.. sino ba sila?" nauutal na tanong ko.

"Gusto nila kong gantihan kase inagaw ko daw yung babaeng pagmamay-ari daw nung bossing bossingan nila." matipid pero parang naiinis na sagot ni Daniel.

Hindi ako nagsalita. Binaling ko lang ang tingin ko sa labas ng bintana. Nagulat ako ng biglang iliko ni Daniel ang kotse at pinark sa tabi ng kalsada.

"Kat. Sila ba ang kumuha sayo?" tanong ni Daniel kasabay ng hawak sa braso ko.

"Ha? Ano.. Kase.. Oo. Sila nga." sagot ko sabay tungo. Pinipilit kong hindi tumulo ang luha ko sa harap niya.

"Anong ginawa nila sayo?! Sabihin mo." maangas at galit na tanong ni Daniel.

"Wala. Wala silang ginawa." sagot ko. Napakasinungaling ko sa puntong to. Hindi ko din alam kung bakit di ko masabi sa kanya ang totoo. Ang totoong nangyari o ang pwedeng ginawa nila sakin. Ayokong mag-alala si Daniel pero ang totoo.. mas ayoko ng balikan ang possibleng nangyare..

"Kat.. Please.. Anong ginawa nila sayo?" tanong ni Daniel habang nakatitig sa mata ko.

Ngumiti lang ako at umiling. Nagbuntong hininga lang si Daniel at sinimulan ulit magdrive.

 __

Setting: Bahay

Pinark ni Daniel ang kotse niya sa labas at pumasok kami sa loob ng bahay. Nagulat sina Mama, lola, albert, majo at lance na nandun din pala.

Niyakap ako ni mama at lola ng mahigpit.

"Kathy! Pinag-alala mo kami. Ano bang nangyari sayo? Ok ka lang ba?" tanong ni mama habang umiiyak.

"Ok lang po ako mama. lola. Wag na po nating pag-usapan." sagot ko habang pinipigilan ang luha ko.

Lumapit si Lance at majo sa kin at yumakap din. Ang hirap pigilan ng luha ko pero tinitiis ko para wala ng mag-alala sa kin.

Lumapit si Albert kay Daniel at sinuntok. Agad-agad. Ang bilis ng pangyayari. Napatingin kaming lahat. Umawat si Lance, hinawakan si Albert samantalang tinulungan ni Majo si Daniel.

 "ANONG GINAWA MO KAY KAT?! SABI KO NA E. IKAW NA NAMAN!" galit na sabi ni Albert.

Hinawakan ni Daniel ang kaliwang bibig niyang sinuntok ni Albert. Ngumiti lang siya ng bahagya pero halatang nagtitimpi sa galit.

"Bakit di mo nalang aminin p're na walang kang kwenta sa paghahanap?" maangas na sagot ni Daniel na nakatitig sa mga mata ni Albert.

"Anong sabi mo?" maangas ding sagot ni Albert.

"Tama na yan! Pwede ba?" awat ni mama.

"Ang sabi ko. WA-LA-KANG-KWENTA. Ok na?" mas maangas na sagot ni Daniel na walang pakealam sa pang-aawat ni Mama.

Susuntukin pa sana ulit ni Albert si Daniel pero umawat na ako.

"ANO BA! Si Daniel ang nagligtas sa kin. Hinanap niya ko. Nakita niya ko. Wala siyang kasalanan. Kaya pwede ba. Tama na. Albert. Daniel. TAMA NA!" sigaw ko na may kasamang luhang hindi ko na napigilan.

"Sorry Kat.." sabi ni Albert sabay lapit sakin. Lumapit din sakin si Lola at Mama para aluhin ako sa pag-iyak.

Saglit na tumingin lang samin si Daniel at umalis.

"Daniel, saglit lang." habol ni mama.

"Kung magpapasalamat po kayo tita. Walang anuman po." sagot ni Daniel sabay alis. Wala kaming nagawa.

Ilang oras pa ay umalis na din sa bahay sina Majo, Lance at Albert.

Umakyat ako sa kwarto. Tumingin sa langit. Ang daming bituin sa gitna ng malungkot na langit.

"Nakita nyo din ba ang nangyari sa kin? Kung oo. Sana manatili na lang tong sikreto natin."

45 days. (Finished)Where stories live. Discover now