Paboritong lugar at tao.

17.7K 193 6
                                    

Malakas ang hangin habang nasa jeep kami ni Daniel.

Walang traffic. Nakakapagtaka. Kasi nasanay ako na laging traffic kahit san ako magpunta pero ngayon walang katraffic traffic at sobrang bilis ng jeep.

Nakaside view ako sa bintana, dinadama ang hangin at higit sa lahat dinadama ang kamay ni daniel.

Inalis niya sa pagkakaholding hands ang kamay namin. Tumingin ako sa kanya. Tumatama pala ang mahaba kong buhok sa gwapo niyang mukha. Kumuha siya ng panyo at ginawang pantali yun ng buhok ko.

Ngumiti siya ng bahagya habang nakangiti naman ako ng sobra. Kahit na alam kong ka-peg ko si Sisa dahil magulo ang pagkakatali niya sa buhok ko, masayang masaya pa din ako.

Tumigil ang jeep at bumama kami. Ngayon ko lang napansin na kami lang pala ang tao dun at hindi nag-para si Daniel pero tumigil ang jeep. Oo nga no! Bakit kaya ganun? Pero keber, basta kasama ko si Daniel wala akong pake kahit medyo weird ang nangyayari.

Umalis na ang jeep at tumingin ako sa paligid. Parang park siya, park na may sapa, madaming mga puno at malayo sa Manila.

"Wooooowww. Bakit ngayon ko lang to nakita?" namamanghang sinabi ko.

Yung totoo, ano ba yung jeep na sinakyan namin kanina? Para kasing napunta kami sa ibang lugar sa ibang bansa e. Weird pero cool.

"Eto ang paborito kong lugar. Tahimik kasi dito, malayo sa totoong buhay." sagot ni Daniel.

Umupo siya sa ilalim ng puno at syempre sumunod ako. Hinahangin ang bangs ng buhok niya habang parang kumikinang siya sa paningin ko.

"Anong paborito mong lugar kat? biglang tingin at tanong ni Daniel.

"Hmm. Jeepney stop. kasi dun kita laging nakikita." pa-cute kong sagot.

""Favorite food?" tanong niya.

"Siguro ice cream at mga hinog na manga. Ikaw daniel?"

"Graham cake." matipid na sagot niya.

"E Favorite pet?" nagtanong ulit siya.

"Hmm. Mga dogs. Ikaw?" sagot ko.

"Cat." sagot niya sabay ngiti at tungo na parang nahihiya.

Ngumiti ako. Pakiramdam ko anytime ay lalabas ang mga paru-paro sa tiyan ko. Ang weird sa pakiramdam.

"Alam mo may paborito din akong tao." nagsalita ulit si Daniel.

"Ha? Tao? Sino?"

"Parehas nung sa favorite pet ko. Kaya lang letter K ang simula." sabay tungo ulit.

Nagulat ako. Nahiya. Kinilig. Natuwa. Halo-halo ang emosyon ko.

Wala akong nasagot sa kanya, para kasing naghahalo-halo ang mga gusto kong sabihin.

"Mahal kita Daniel. Sana habambuhay na lang tayo ganito. Swear ikaw lang ang nagpapasaya sa kin ng ganito. Ano ba ang ginawa mo sa kin? Gusto ko ng pakasalan ka!" yan ang mga gusto kong sabihin sa kanya. pero walang lumabas sa bibig ko ni isa.

Niyakap ko siya. Umupo siya ng maayos mula sa pagkakatungo. Nagulat din siguro siya sa pagkayakap ko. Pero humarap siya sakin at niyakap din ako, ang paborito niyang tao.

45 days. (Finished)Where stories live. Discover now