Day 8. Masayang pagkikita.

21K 256 11
                                    

Tatlong araw din akong di gaanong masaya. Ewan ko ba. Basta ang alam ko lang, gusto ko ulit makita si Daniel. Si Mr. Dream guy.

Bago pa man tumunog ang alarm clock ko ay nagising na ko. Nag-unat. Nagkape. Nagligo. Nagbihis. Nag-ayos.

"Oh, ang aga mo ata ngayon Kat? Totoo nga ang himala." Maagang pang-aasar sakin ni mama.

"May hahanapin pa kase ako e. Alis na ko Mama, lola. San na baon ko ma?" sagot ko.

Inabot sakin ni Mama ang 250 pesos na baon ko.

"Thank Ma! Love you." Masaya kong sinabi. Nagbbye na ko sa kanila at umalis ng bahay.

Medyo madilim pa at malamig ang hangin. Naglakad ako papuntang jeepney stop. Tumingin tingin sa paligid. Automatic na ata yun. Kapag nasa jeepney stop na yun ako. Palingon lingon ako. Naghahanap. At higit sa lahat, Umaasa na makikita ko ulit si Daniel. Hayyy.

Ilang jeep din ang pinalagpas ko sa kakaantay ko sa isang taong walang kasiguraduhan kung dadating.

Sa wakas, pumara na ako ng jeep. Sumakay at nagbayad. Di tulad ng dati na tinitignan ko ang mga tao sa loob ng jeep, ngayon ay wala akong pake sa kanila. Nagside-view ako. Nadama ko ang paborito kong malamig na ihip ng hangin.

"Ahhhh." Humikab ako. Nakakaantok. Di talaga ako sanay sa maagang paggising. Unti-unti kong pinikit ang mata ko, nagdadasal na sana ay hindi ako lumagpas sa LRT station.

Tumigil ng saglit ang jeep. Alam kong may sumakay pero di ko na pinageffortang tignan antok na antok na talaga ang pakiramdam ko.

"bayad po."

Bigla kong dinilat ang mga mata ko. Baket? Simple lang. Dahil alam ng puso kong si Daniel yun. Naks. Tama nga ata si lance na maharot ako.

Tumingin ako sa nagbayad, tama nga ang hinala ko! Si Daniel nga. Pasimple akong kumaway sa kanya at nagbunga naman ang pagpapansin ko. Ngumiti sya ng bahagya. May iba sa ngiti nya, parang pigil na pigil pero yun ang isa sa pinakagusto ko sakanya. Inislide ko ang pwet ko papalapit sa upuan niya.

"Uy Daniel. Nakita ulit kita." Masaya kong pagbati sa kanya.

"Oo nga e. Lagi nalang tayo nagkakasabay." Sagot niya.

"Hindi nga e. Tatlong araw kitang di nakasabay at nakita." sabi ko.

"O? Binilang mo talaga?" sagot nya na may pigil na ngiti ulit.

"Ah e. Hindi naman. Hmm. Napansin ko lang. Hula lang." palusot ko.

Ngumiti lang siya ulit at tumingin sa labas ng jeep.

Nahihiya ako. Kinikilig. Naiilang. Pero higit sa lahat. Masayang masaya ako dahil nakita ko ulit sya.

"Kat?"

"Hmmm?"

"Pwede ko bang makuha # mo?" tanong niya.

Ano daw? Tinatanong niya ang # ko? What izz the meaning of thiz!!!! Lumulundag ang puso ko sa tuwa. Para siyang lalabas sa uniform ko. Buti nalang medyo mahigpit ang pagkakabutones.

"# ko? Ano.. bakit mo naman hihingiin?" sagot ko. Alam kong mapula na ang buong mukha ko at pagkatao sa hiya at kilig.

"Hmm. Wala lang. Gusto ko lang. Ayaw mo ba?"

"Ah e. Hindi. kase napaisip lang ako kung bakit..."

Inabot nya sa kin ang cellphone nya. Sinave ko ang # ko. Minisscall niya ko para masave na din ang # niya sa kin.

"Text na lang kita kat. Una na ko. Sige. " sinabi niya sabay nagpara at bumaba.

Tumingin ako sa labas ng jeep. tumingin din siya sa kin at ngumiti. Nagbbye ako habang papalayo ang jeep sa kanya.

45 days. (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon