Day 36. Muling pagkikita.

15.3K 182 5
                                    

*Kring. Kringgggggggg*

Pinatay ko ang alarm clock ko.

*hikabbbbbb* "goodmorning Lord! *unat* *unat* Woooo! Sembreak na sa wakasss!" masayang sabi ko.

Umupo ako sa kama at kinuha ang cp ko.

One message received.

From Albert.

"Goodmorning Kat. See you later. I love you."


Bigla kong nclose ang inbox ko. Ewan ko ba. Nashock ako sa pag i love you ni Albert.

"Ay oo nga pala. My usapan kame ni Albert mayang hapon. Buti naalala ko." kinakausap ko na naman ang sarili ko.

Nagtumblr. Facebook. Nood TV. Naligo. Nagbihis. Nag-ayos. Kumain. Umalis.

Setting: 2:00 pm. Jeepney Stop.

"Albert. Sorry sorry. Kanina ka pa dito nag-aantay?" tanong ko kay Albert habang pinupunasan ang pawis ko sa noo.

"Kahit naman matagal pa ko mag-antay dito e, kelan ba ko nagalit sa'yo? Ano tara na?" sagot ni Albert na may kasamang ngiti.

"Tara. San ba tayo pupunta?"  tanong ko kay Albert.

"Basta. makikita mo na lang." sagot niya.

"Saan ba kase yun? Sabihin mo na." pangungulit ko sa kanya.

"Ang kulit mo. O sige sige. Sa paborito kong lugar. Ok na? Lika na." sagot niya sabay hawak sa kamay ko. Sumakay kami sa taxi.

"Paboritong lugar... Daniel.. Tss. Kat, huwag mo na syang isipin ulit. Panaginip lang yun. Magkaiba yung daniel na yun sa daniel na kilala mo di ba? di ba?" kinausap ko ang sarili ko habang pailing iling ng ulo.

"Kat? Ok ka lang ba?" tanong ni Albert.

"Ah. oo naman! hahaha! Bakit naman ako hindi magiging okay? hahaha." sagot ko na may plastik na ngiti at tawa. Kahit na obvious na nagsisinungaling ako ngumiti pa din si Albert sa kin.

"Eto na tayo." sabi ni Albert sabay baba sa taxi at alalay sa kin.

"Ang ganda dito di ba Kat? Parke. Parkeng konti lang ang nakakaalam. Alam mo ba -" natigilan si Albert sa pagtingin niya sa kin.

*Kat POV*

Paboritong lugar. Parke. Tahimik. Konti lang ang nakakaalam. Bakit ganon? Hinahabol ako ng nakaraan kahit na pilitin ko mang umiwas.

"Kat? May nasabi ba akong mali?" tanong ni Albert.

Umiling lang ako.

"Wala. Sorry Albert. Ang weirda ko." sagot ko habang pinilipit ang sarili kong ngumiti.

Lumipas ang ilang oras ng pagkekwentuhan at pagtatawanan namen ni Albert sa parke.

"gabi na pala. Di ko namalayan. Thank you Albert sa masayang araw na to." sabi ko.

"Basta para sa'yo kat. Ano hatid na kita pauwi?" tanong ni Albert na as usual may ngiti sa labi.

"Ah. Mauna ka na Albert. May pupuntahan lang ako saglit." sagot ko.

"Sige Kat. May tiwala ako sa'yo. Basta pag may problema, tawag lang." sagot ni Albert sabay alis.

Hindi nagtanong si Albert kung saan ako pupunta at kung bakit dahil palagi niya akong sinusuportahan sa mga desisyon ko at may tiwala siya sakin.

Sa totoo lang. Wala naman talaga kong pupuntahan. Gusto ko lang magpaiwan at magiisip isip kahit saglit. Tumayo ako sa ilalim ng puno at dinama ang malamig at sariwang hangin. Pagdilat ko ay nakita ko ang isang pamilyar na lalake sa di kalayuan.

"Daniel?" tanong ko sa sarili. Kung di lang to gwapo aakalain ko multo sya.

"Daniel!" sigaw ko para tawagin siya.

Lumingon siya sakin at ngumiti ng bahagya. Tumalikod siya at lumakad papalayo habang nakataas ang kanang kamay na naka-aprub sign.

"Daniel! Saglit lang!" sigaw ko at tumigil siya.

Tumakbo ako papalapit sa kanya.

"Daniel. Bakit ka nandito?" tanong ko.

"Wala lang." matipid na sagot niya.

Sa wakas, narinig ko ulit ang boses niya. Pero bakit ganito naiiyak ako. Pakiramdam ko ang layo layo ni Daniel sa kin.

"Dan...daniel.. ano ba ang gusto mong mangyari?" nauutal na tanong ko.

"Maging isang bituin." sagot niya na hindi pa din humaharap sakin.

"Ha?"

Bahagyang humarap si Daniel at ngumiti.

"Maging masaya ka lang palagi Kat." matipid na sabi niya sabay alis.

Ang dami kong gustong sabihin sa kanya. Pero wala ni isang lumabas sa labi ko. Unti-unti na lang siyang nawala tulad ng dream guy sa bawat panaginip ko...

45 days. (Finished)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ