"Mahal ka niya Kat."

15.1K 175 8
                                    

*Kring kring*

Yna: "Yes. Hello?"

Daniel: Yna.

Yna: "Oh. Bakit bigla kang napatawag?"

Daniel: May favor sana ako sa'yo. hmm. Alam ko, parang ang kapal ng mukha ko sa ginagawa ko ngayon pero kasi si Kat..

Yna: "Ha? Si kat? Anong nangyari sa kanya?"

Daniel: Nasa ospital siya. Mas okay siguro kung personal ko sayong sasabihin.

Yna: "Ok sige. Magkita tayo sa coffee shop."

Daniel: Sige. Salamat.


Yna: "Alright. See you."


"Si Daniel tumawag sakin para humingi ng favor... para sa babae. Para kay Kat. Wow. Mukhang nakahanap na ng katapat si Daniel ah." sabi ni Yna habang nakangiti.

Setting: Coffee Shop

Nakaupo si Daniel sa lamesa sa bandang sulok. Lumapit si Yna at nakaupo.

"Hi." bati ni Yna na may ngiti.

"Ahh. Hi." sagot ni Daniel na halatang may problema.

"Si Kat... Hmm.. Sino ba siya Daniel?" tanong ni Yna.

  "Hindi ko nga pala siya personal na napakilala sa'yo. Kaibigan ko siya. At nasa ospital daw siya ngayon." sagot ni Daniel.

Dumating ang waiter para ibigay dalawang iced tea.

"Kaibigan nga lang ba Daniel?" tanong ni Yna habang iniinom ang iced tea.

"Ahh. ano." sagot ni Daniel na napatigil sa paginom ng iced tea. Hinalo halo niya ang drinks gamit ang straw.

"Ano.. ano kasi.. Hindi ko alam kung bakit, kung kelan, o kung paano nahulog ang loob ko sa kanya. Parang matagal ko na siyang kilala. Parang panaginip.. Pakiramdam ko matagal ko siyang kasama.. Ang gulo di ba? Kahit ako naguguluhan e. Parang may di ko mapaliwanag na nagkokonekta sa min kahit na saglit lang kami nagkasama." sagot ni Daniel.

"Ang swerte naman ni Kat ha. Ano ba siya para sa'yo Daniel?" tanong ni Yna habang may bahagyang ngiti.

"Bigla bigla na lang siyang dumating. Di ko mapaliwanag pero palagi ko siyang nasa isip ko. Gusto ko siyang protektahan kasi nung dumating ako sa buhay niya parang puro na lang kamalasan inabot niya. Sana nga panaginip na lang lahat to e, para isang kurot ko lang sa pisngi ko. Wala na. Tapos na lahat." sagot ni Daniel na halatang pinipigilan ang iyak.

45 days. (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon