Day 16, 17, 18 - Let the stalking begin!

17.3K 178 8
                                    

"Manong, sa tabi lang ho" bumaba ako ng jeep at binilisan ang lakad ko para mahabol si Daniel.

Nakita ko siya na pumasok sa isang coffee shop.

"Gosh. Mukhang mamahalin ang mga kape dito ah." Kinausap ko ang sarili ko sabay tingin sa laman ng wallet ko pero mas nangibabaw ang kagustuhan kong makita si daniel kaya humanap ako ng pwesto malapit sa kanya.

Nakaupo si Daniel sa may table sa bandang gilid. Parang may inaantay. maya't  maya ang pagtingin sa cellphone at pagtanaw sa pinto ng shop.

Lumapit sa kanya ang waiter na may dala-dalang dalawang coffee at dalawang slice ng cake.

"Sino kaya inaantay ni Daniel?" nagtatakang pagtatanong ko sa sarili ko.

umorder na din ako ng coffee. Actually, ang mahal niya. Yung pambili ko ng t-shirt sana e napunta dun. Nakakahinayang pero para kay Daniel, keri lang.

Dalawang oras din siguro nag-antay si Daniel ng hindi ginagalaw ang mga inorder niya bago tuluyang umalis ng mukhang dismayado. Syempre sumunod ako pero nakita kong sumakay siya sa taxi.

Bumalik ako sa coffee shop, hinanap yung waiter na nagserve kay Daniel kanina at kinapalan ang mukha sa pagtatanong,

"Uhm. excuse me, uhm. pwede ko bang malaman kung ano yung name nung customer kanina na kakaalis lang?"

Hindi siya nagtanong kung bakit ko yun natanong. Siguro kasi mukha naman akong harmless.

"Ah. Si Sir Daniel Bautista po." sagot niya.

"Thank you." sagot ko ng may kasamang ngiti.

Umalis na ko at umuwi sa bahay ng masaya. Kinabukasan....

-Sunday. 2:00 pm-

Facebook. log in. Search. "Daniel Bautista".

Nakita ko ang account niya. Ang gwapo at cool ng display pic niya. Laglag ang puso ko.

Nagjogging-jogging ako sa kwarto, pampaalis nerbyos. Umupo ulit ako at kinuha ang laptop ko. Add as a friend. Shoooocccckkkks. Sana po Lord, i-accept niya. Amen.

Nagtumblr muna ako ng biglang,

"Daniel Bautista accepted your friend request."

Oh my gosh! As in capital OH MY GOSH. Answered prayer! Thank you po Lord!

Let the stalking begin. Lalalala. ♫

Hindi visible ang relationship status niya. Konti lang ang photos niya pero jusme kagagwapo naman! Tingin tingin sa wall niya. Madaming mga babae ang nagwawallpost sa kanya pero di niya nirereplyan. YES! BUTI NAMAN! Download ng mga pictures niya at ginawa ko yung wallpaper ng laptop ko. log out.

Ang saya saya ko! Sa wakas napatunayan ko ng totoo si Daniel! ♥

-Monday. 8:00 am-

Nakatayo ako sa jeepney stop walang pakealam kung malate ako sa klase namen. Inaabangan ang lalaking akala ko e panaginip lang pero totoo pala.

8:15, 8:30, 8:40. Tik tok tik tok.

lumilipas ang oras hanggang nakita ko siyang nakatayo sa kabilang kalye.

Mabilis pa sa kidlat ang pagtawid ko pero biglang nawala sa paningin ko.

"Huh?" kinuskos ko ang mga mata ko.

"Naalimpungatan lang ba ako? San siya nagpunta?" nagtatakang pabulong na tanong ko.

"Sinong nawala? Ako ba hinahanap mo?"

Nagulat ako ng marinig ko ang boses na yun. Lumingon ako at nakaharap ko si Daniel.

"Daniel?" sinabi ko ng may halong ngiti at kilig.

"Pano mo nalaman pangalan ko? Tska ba't mo ko kilala? Kilala ba kita?" maangas na tanong niya.

Naglaho ang ngiti at kilig ko. Parang nasa kumunoy ako na unit-unti akong kinakain pababa.

"Bakit ano problema? Sinusundan mo ba ko?" nagsalita ulit siya ng may halong ngiting parang pinipigilan sabay alis.

"bakit ganon? Gusto kong itanong sa kanya kung bakit hindi niya ko makilala. Ako si Kat! Ako yung hinalikan mo. Ako yung sinabi mong favorite mong tao. Ako yun Daniel! Pero ni isang letra wala akong nasabi. Nakatingin lang ako sa kanya habang papalayo siya sakin..

45 days. (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon