Day 19. "Dẻ Javu"

17.1K 193 2
                                    

"The way na ginawa yun sa kin ni Daniel masakit!" kinakausap ko ang sarili ko ala PBB teens.

Sumakay ako sa jeep para umuwi na sa bahay. Nakakawalang gana. Nakakadismaya. Nakakainis. Halo-halo na naman ang nararamdaman ko.

"Tse! Akala mo kung sinong gwapo. Hmm. pero sabagay gwapo naman talaga siya pero hindi pa din tama ang ginawa niya noh! Ang yabang niya, tapos umaasta pang hindi ako kilala. Grrr. Nakakainis." kinausap ko ulit ang sarili ko.

"Bayad ho."

"La la la la. Ayan na naman ang boses ng nagpapaabot ng bayad tapos titingin na naman ako tapos ano? makikita ko na naman si Daniel." para kong baliw na kinakausap ang sarili ko na may kasama pang pagtatakip ng tenga.

"Bayad ho, makikisuyo lang miss." 

"Sige pa. Ulit ulitin mo pa Daniel ang pakikisuyo ng bayad tulad ng lagi mong ginagawa tapos maiinlove na naman ako sayo tapos ano? Pag nagkita na naman tayo, idedeny mo na kakilala mo ko? No wayyyyyy!" binulong ko sa sarili ko.

Lumipat ng upuan ang isang lalaki para iabot sa driver ang bayad niya.

Infairness, likod-genic siya pero di nga lang kasing likod-genic ni Daniel.

Tumingin siya sa kin. Hindi nga siya si Daniel pero gwapo din siya. Maamo ng mukha di tulad ng maangas look ni Daniel.

"Ok ka lang ba Miss?" tanong niya sa kin.

Infairness ulit, ang bait ng dating ng boses di tulad ng pero maangas-sexy na boses ni Daniel.

Inirapan ko siya at nagpara. Umiral na naman ang pagiging maldita ko. Pero actually di ko alam kung bakit ko ginawa yun siguro para masalba pride ko sa ginawa kong pandedeadma sa pakikisuyo niya at pagaassume na siya si Daniel.

Nakaramdaman ako ng hilo habang naglalakad pero deadma lang.

Nagulat ako ng biglang may humawak sa braso ko.

"Hayopppppp kaaaa. Bitawan mo ko. Holdaperrrrr!" sigaw ko sabay hampas sa kanya ng bag ko.

Tinakpan niya ang bibig ko. Laking gulat ko na siya yung lalaki kanina sa jeep.

"Hindi ako holdaper ano ka ba." sagot niya sabay alis ng kamay niya sa pagkakatakip sa bibig ko sabay turo sa ilong ko.

"Nagnonose-bleed ka. Napansin ko kanina sa jeep kaya sinundan kita. Eto oh kunin mo." inabot niya sakin ang isang puting panyo tulad ng binigay na panyo sa kin dati ni Daniel.

Hindi agad ako nakapagreact kaya siya mismo ang nagpunas sa dugo sa ilong ko.

"Magpahinga ka dapat. Baka dahil sa init yan ng panahon." sinabi niya.

Nakatingin lang ako sa kanya. Kinuha ang panyo, tinago sa bulsa ko at umalis na.

Lumingon ako sa kanya bago tuluyang umalis.

"Thank you." sabi ko.

Ngumiti siya sa kin. Ang lambing ng ngiti niya di tulad ng ngiti ni Daniel na parang pinipigilan.

Mabilis na kong tumalikod at lumakad na papalayo sa isang tao na parang matagal ko ng kilala...

45 days. (Finished)Where stories live. Discover now