Nakita ko ba talaga siya?

24.8K 256 11
                                    

Pumreno ang jeep. ang lakas ng hangin. Medyo tumilapon kaming 4 na pasahero. Napadikit si Daniel sa kin. Parang akong kinuryente at yung pakiramdam na parang may maliit na bangin na mahuhulog ka. Naramdaman nyo na ba yun?

Bigla akong nahulog sa sofa. Nakatutok sa kin ang electric fan kaya mahangin. Wala na ang pakiramdam na parang kinukuryente. Basta ang alam ko masakit ang balakang ko sa pagkakahulog.

"Sige tulog pa nak! Hahaha!" pang-aasar ni mama.

"Nakatulog ako ma?"

"Ay hindi! Hindi ka tulog. Nakapikit mata ko, nanaginip at nahulog pa. Hindi ka tulog anak."

Simula ng sumikat si Vice Ganda, ganyan na ang mga tao ngayon. Alam mo yon. Di ko alam kung maiinis ako o matutuwa sa pambabara sakin.

"Pero Ma, nasa jeep ako kanina. Papasok ako ng school. Tapos bigla pa ngang pumreno yung jeep e." sumagot pa din ako kahit na alam kong di siya maniniwala.

"Natatakot na talaga ko sayo kat ha! Tulog ka. At anong pasok? Sabado kaya ngayon. At anong jeep? Nanood ka lang ng programa na may mga jeep na kasama kaya siguro pumasok sa panaginip mo." pag-eexplain ni Mama.

Ayoko maniwala na panaginip lang yon. Di pwede. Totoong totoo yun. Totoong nakita ko ulit si Daniel.

"Tita! Kat-kat!"

Binuksan ni Mama ang pinto. Sina Majo at lance pala. Ano kayang gagawin nila? Malamang sa malamang mangugulo. Ganyan ang true friends e.

"Kit-kat! Magaling ka na?" sabi ni lance saka tumabi sa kin. 

"Oo nga bakla! Kamusta ka na? Gulat kame na absent ka kahapon. Akala ko late ka lang ulit pero sabi ni Lola Carmela kahapon e may lagnat ka daw." panggagatong ni Majo.

Di ko alam kung concern ba sila o talagang nangiinis lang. Impossible ba kong magkasakit? Abnormal ba ko?

"Okay na ko. konting lagnat lang yon." sagot ko.

"Baka LOVEnate yan ha! Sino yung status mo nung isang araw na chuchu na gusto mong makita? Ayeeee." asar ni Majo.

"Ha? hindi ah! Pero pag nakita ko siya ulit papakilala ko kayo sa kanya!" kinikilig kong sagot.

"Pweh! Ang harot mo. Sino ba yon? San siya nakatira?" sumabat si Lance.

"Daniel. Basta di ko pa alam kung san siya nakatira tska kung sino talaga siya basta alam ko. May koneksyon kameng dalawa na di ko mapaliwanag."

 "Parang koreanovela lang ang peg bakla? gwapo ba siya?" biglang naging interasado lalo si Majo.

"Oo. Gwapo siya. Sobra." kinikilig kong sagot.

"Ano ba yan. Easy to get? Di mo pa pala nakikilala parang inlove na agad. Ano ba kat-kat?! Nagkita ba ulit kayo?"

"Kakakita ko lang sa kanya kanina noh!" sabay irap kay lance.

"Saan? Sa panaginip? hahahahaha." sabi ni lance.

"Pang asar ka talaga lance! Wag ka na nga! Saan mo siya nakita kat?" sagot ni Majo.

Di ko alam kung bakit ako napatigil. Wala akong masagot sa kanila. Bakit? Kase kahit ako naguguluhan. Totoo sya. Totoong nangyari yun pero sa kabilang banda bakit walang naniniwala sakin. Panaginip? De totoo talaga yun e. Ang gulo :(

45 days. (Finished)Место, где живут истории. Откройте их для себя