" Jules, kaya mo 'to." Wika ko sa aking sarili habang nakatingin sa harap ng salamin. Ang init nitong suot kong mascot ngayon.

But it's okay. I'm already prepared for everything. If this means I won't be able to have him for myself, then it's okay with me. My love for him has never been selfish. Kung saan siya sasaya, susuportahan ko.

Accepting it has never been that easy for me. Everyday, I prayed that he would look at me the way he looks at Aya but he never did. Kung sabagay naman, he wouldn't look at someone so fat. Mabilis kong pinunasan ang aking luha at ngumiti na parang tanga sa harap ng salamin.

" Okay ka lang Jules. Ngiti ka naman diyan. Dibale ng mataba ka, atleast may mataba ka namang puso. Ngiti ka na Jules. Magkakagirlfriend na si Captain America kaya dapat masaya ka" Untag ko sa aking sarili habang nakatingin sa salamin.

Lumabas na ako pagkatapos kong makapag-ayos. Naabutan ko si Miggy na hawak hawak ang kamay ni Aya. Hinawakan ko yung banner na hawak ko na may nakasulat na WILL YOU BE MY GIRLFRIEND, AYA? habang sumasayaw. Personal kong pinaghandaan ang mga steps na ginawa ko. Kahit hindi naman talaga ako marunong sumayaw.

Nakita ko na tumango si Aya habang yung kanyang mga mata ay nakatingin lamang kay Miggy. They both look so in love with each other. Kasabay non ang pagtalon ni Miggy. Ang saya ni Captain America. I smiled alone while looking at how Miggy smiled so much.

Those smiles which I myself never caused him.

Kasabay ng aking mga ngiti ay ang pagtulo ng aking mga luha.

Someday, Jules.

Someday, you won't shed tears this much. I thought to myself. I exited the place and walked back to the comfort room to change. Tinanggal ko yung mascot dahil talagang pinagpawisan ako sa loob.

" Huy Jules okay ka lang diyan? Tapos ka na bang mag-ayos. Tara na! The proposal's over. My girlfriend na iyung bestfriend mo" Wika sa akin ni Badet. I looked at myself in the mirror one last time before opening the door.

I saw how Badet looked at me. Huminga siya ng malalim bago ako tinulungan sa mga gamit na dala ko.

" Hanggang kailan Jules, hanggang kailan ang kaya mong ibigay at pagtiisan para lamang sa kaibigan mong bato ang puso pagdating sa 'yo. Aba kulang nalang kausapin ko na si tita Sabina at tito Miguel para kausapin ng masinsinan iyang si Joaquin na iyan para tumino na." Wika sa akin ni Badet. Napasimangot tuloy ako.

" Matino naman iyun. Sadyang hindi lang talaga ako ang kailangan niya." Saad ko kay Badet. Iyun naman kase ang totoo.

Napanguso siya sabay baling sa phone kong kanina pa umiilaw dahil sa tawag ni Miggy.

" Si Joaquin mo tumatawag" Wika niya sa akin na para bang hindi ko alam kung sino ang tumatawag sa akin.

Huminga ako ng malalim bago sinagot ang tawag niya.

" Miggy" Wika ko.

" Jules ko! Saan ka!" Ramdam ko ang saya sa kanyang boses.

" Dito sa CR nagpalit lang" Untag ko sa kanya.

Sabay kaming napalingon ni Badet kay Miggy na paparating sa gawi namin kasama si Aya na opisyal na niyang girlfriend.

Ang ganda ni Aya. Ang seksi at ang puti pa niya.

" Kami na Jules!" Masayang wika sa akin ni Aya sabay yakap kay Miggy. Ngumiti lamang ako. Si Badet naman ay nakangiti rin pero halatang peke ang ngiti.

Inayos ko yung sarili ko bago ko tinignan si Miggy.

" So una na kami." Wika ko sabay baling sa relo ko na para bang gusto kong sabihin na gabi na rin at gusto ko ng umuwi.

Pasensha na Miggy, hindi ko kase kaya na makita ka kasama siya. Masyadong masakit para sa akin.

" Usap nalang ulit tayo bukas Miggy." Bumaling ako kay Aya.



" Huy congrats ha. Masaya ako para sa inyo. Uy Miggy alagaan mo si Aya ha. Mahirap kaya magsuot ng mascot, ang init" Untag ko na may halong biro.

Ngumiti si Miggy at tumingin kay Aya. Halos kumislap na dahil sa pagmamahal ang mga mata ni Miggy para kay Aya.

" Uwi na ako. Sasabay nalang ako kina Lyndon. Mag-ingat kayo" Wika ko sabay baling kay Badet.

Tatalikod na sana ako ng marinig kong nagsalita si Miggy.

" Jules ko, salamat" Wika niya. Tipid akong napangiti sa kanya.

Tahimik lamang ako habang nakaupo sa likod. Si Badet naman ay nakaupo sa harap.

Nang makarating ako sa bahay ay diretso ako sa aking kuwarto. Naligo naako at nag-ayos ng sarili. Pagkatapos ay mabilis kong nilabas yung aking diary.

Binuklat ko ito sa huling pahina nung aking notebook at sinulat ang mga salitang dapat ay noon ko pa ginawa.

First day of work out : due tomorrow.

I wrote.

Ito na ang huling gabing iiyak ako ng ganito.

I cannot love the man who already loves someone. I guess this is the part where I accept defeat and move on. Siguro naman ay may karapatan akong pumayat. Gusto ko rin namang maranasan na mahalin din. Gusto ko rin na may lalaki ring magpapahalaga sa akin.

Even if that man is not Miggy, that's okay with me.

Many says love isn't based on physical features. Diyan ako bitter.

Dahil kung totoo man iyan, ako na sana mismo ang magpapatunay.

Pero hindi eh.

Kaya lintik lang ang walang ganti.

——

Unmasked Deceit (Completed) [R-18]Where stories live. Discover now