Chapter 44

5.9K 108 5
                                    

Fault In Our World

Ikinuwento  ko sa kanilang lahat kung paano ko nalaman ang tungkol kay Baby Tammy.

“B, last na. Can you please sing me a song? Sige na!” pakiusap bigla ni Carly sa akin. Natigilan ako tsaka natatawang bumaling dito.

“What? Why? Gandahan ka sa boses ko no. Aminin!” biro ko dito.

“Yeah actually and I think my baby likes it too.” Sagot nito ng nakangiti habang hinihimas ang tiyan. May konting pait akong naramdaman ng tignan ang umbok na nitong tiyan. Buti pa yung baby gusto ako, yung tatay niya hindi. Haaay! Napangiti na din ako dahil kahit anak pa nila yan at nasasaktan ako ay hindi ko pwedeng sisihin ang bata sa nararamdaman ko ngayon. Ginusto ko to.

“Sure, what song would you like me to sing?” tanong ko dito.

“Anything. You decide.”

“Okay, I’ll sing a chorus.”

When the one you love’s in love with someone else,

Don’t you know it’s torture? I mean it’s a living hell.

No matter how I try to convince myself,

This time I won’t lose control.

One look in your [brown] eyes and suddenly

My heart can’t tell you no.

 

“Parang nakakadepress naman yung kanta mo girl.” Sabi ni Alcy matapos kong kumanta. Pasensya na hindi ko mapigilan. Gusto kong kahit sa kanta man lang ay hindi ako nagpapanggap.

“Pardon me cause I’m really into Sara Evan’s songs right now.” Rason ko ng natatawa.

“I like the song. My heart can’t tell you no.” seryosong sabi ni Max. Napatingin ako sakanya kaya nagtama ang tingin namin. Nakikita ko ang bakas ng ngiti sa labi niya. Napatitig ako doon. Those lips. Lalong lumapad ang ngisi nito ng mahalata kung saan ako nakatingin. Bigla ay natauhan ako sa mga iniisip ko.

“Uhh y-yeah, I like it too.” nauutal na sagot ko dito.

“Max, let’s go. Medyo napapagod na din ako.” Pag-aaya dito ni Carly. Tumayo naman agad si Max at inalalayan si Carly sa pagtayo.

“Guys, we’ll go ahead ha.” Paalam sa amin ni Carly.

“Wait, hintayin niyo na kami. We’ll go too. Tapos na naman tayo, wala nang pagkain eh.” Pigil dito ni Yan.

“Puro ka pagkain babe, kaya ka tumataba eh.” Pagbibiro ni Hans na agad nakatanggap ng batok.

“Tumataba ako? Edi maghanap ka ng sexy! Huwag kang matutulog sa bahay ko animal ka!” mangiyak-ngiyak na sigaw dito ni Yan.

The Greatest PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon