Chapter 39

5.4K 126 6
                                    

Defense Mechanism

“We need to retouch. Pahiram naman ng concealer and mascara, girl!” sabi ni Kath.

“Wait, wala akong dalang bag andun yung make-up kit ko. Ikaw ba? Ay malamang wala din kasi nanghihiram ka nga sa akin.” Napatampal kami pareho sa noo.

“Ha? Hala! Paano yan? Ang pangit ko, namamaga pa mata ko! Oh no! Hindi ako pwede makita ni Jake na ganito hitsura.” Napataas ang kilay ko sa tinuran nito at sa panic na nahimigan ko sa tinig nito. “Hehe. Heto naman! Joke lang no. Pake ko sa gagong yun! Ayoko lang talaga na pumangit kapag kaharap ko silang dalawa ng girlfriend niya, ramdam mo naman ata kung gaano kayabang yun. Nakakairita kung makapangmata eh.”

“Kaya ko nga binara kanina di ba? Ganti ko man lang para sayo. Tara na! No choice tayo girl, wala tayo dalang bag! Ang lakas ng loob nating mag-iyakan wala naman tayong make-up to cover it up.” Nagtawanan kami pareho at naglakad na palabas ng banyo.

“Oh? What took you two so long? And did you both cry? Your eyes are a bit puffy and red.” Tanong agad nila sa amin. Todo iling kami pareho.

“Uhh, kasi…ano kasi yung…” tumingin sa akin si Kath na para bang humihingi ng saklolo. Hanggang ngayon hindi pa rin siya marunong magsinungaling.

“You know, her stomach acted up. Tinulungan ko pa siya. Kadiri nga eh.” Balewalang sabi ko. “Owwww!” Kinurot ako ni Kath sa hita. Shit! Ang sakit. Tinignan ko ito at nakitang masama ang tingin nito sa akin. What? That’s the most credible lie I could think of and at least I thought of something unlike her, di ba? Inirapan ko ito at sinimangutan habang hinihimas ang parteng kinurot nito.

“Are you okay now Kath?” agad na tanong dito ni Jake. “Masyado bang masakit ang tiyan mo kaya naiyak ka?”

Oh dude, why so worried? I smell something fishy fishy! I smirked secretly as an idea popped.

“Don’t worry about her guys, it’s normal for pregnant women to feel this way. Oooops! I slipped. Sorry girl!” Umakto akong nagulat din sa nasabi ko habang nakita kong napanganga silang lahat sa akin at sabay sabay na napatingin kay Kath na ngayon ay nakanganga pa din sa akin.

“WHAAT?” sigaw ni Kath sa akin pero ang mas nagpangisi sa akin ay ang pagsigaw din ni Jake.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pagtawa. “I’m sorry, you should’ve seen your faces guys! Epic reactions especially from you Jake.” Makahulugan kong sabi.

Natahimik naman bigla si Jake at nakita kong nakasimangot na ang girlfriend nito. So, may something pa rin pala talaga. Hmmm, posible kayang magkaroon ng part two ang isang linggong pag-iibigan nila? Siniko ko si Kath at nginisihan.

“Loko ka talaga girl!” bulong nito sa akin na natatawa na. If I know kinikilig lang yan. Kung ako sa kanya, aagawin ko nalang si Jan Kenneth dyan sa babaeng yan. Pero hindi ko ipapayo sakanya ito dahil baka bumalik lang yan sa akin at sabihan din ako na agawin si Max kay Carly. Masunurin pa naman ako sa mga payo ng kaibigan. Haha! Joke lang syempre pero pwede din. Muntanga na ako dito at nagjojoke na para lang aliwin ang sarili ko.

The Greatest PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon