Chapter 28

5.1K 108 0
                                    

Durog Na Durog

Pilit kong iniiwasan si Max. Kinabukasan ay umuwi ako ng mas maaga para hindi niya ako maabutan. Hindi naman sa ayaw kong makipag-usap sa kanya kundi ayaw ko lang talaga siyang maka-usap sa ngayon. Masakit pa rin kasi yung mga sinabi niya nung gabing iyon. Ayoko din namang humingi siya ng tawad dahil alam ko namang totoo ang mga sinabi niya. It would be silly to apologize for saying the truth. At kahit balibaligtarin man ang mundo ay yun pa din ang totoo.

Ngayong araw naman ay naisipan kong maghalf-day lang. Nagpaalam akong may dadalawing kakilala na nasa hospital. Oha! Mga alibi lang.

Ang totoo niyan kaninang umaga I texted Carly para makipagkita sa akin ng lunch. I want to talk to her, just the two of us. Girl talk kumbaga! Ex-Girlfriend VS. Girlfriend, kunwari. I just want to know things and I want to hear them straight from her.

Kagabi kasi naisip kong gusto ko nang maging masaya si Max. I can feel naman na nagseselos na si Carly. Ayoko nang patagalin pa itong munting palabas namin dahil sapat na siguro ang apat na taon nilang pagdurusa at pagsasakitan. Ayoko na rin dahil baka kapag nagtagal pa ito hindi ko na magawang bumitaw pa.  

Pagkapasok ko sa tagpuan namin na isang medyo mamahalin na restaurant, nakita ko agad siya. Ngumiti siya sa akin at sinuklian ko din naman ito ng ngiti.

“Hey Bianca.” Tumayo ito at bumeso sa akin.

“Hi Carly. Buti naman at pumayag kang magkita tayo ngayon kahit na busy ka.” Bati ko din dito at naupo na.

“It’s fine. Let’s order first?” tanong nito sa akin. Tumango lang ako bilang sagot.

Lintek! Nakakaakit nga yung mga pictures nung dishes kaya nga lang nakakawalang gana naman yung price. Ang mamahal ng pagkain! Pwedeng tubig na lang? Dapat pala nagbilang muna ako ng pera kanina bago ako nagpunta dito. O di kaya ay sana pala ako nalang ang pumili ng tagpuan namin dun nalang sana sa mga fast food lang, siya na kasi ang pinagdesisyon ko kung saan kasi ako naman ang nagyaya tsaka para mas convenient para sa kanya yun nga lang ako naman ang namulubi.

Tinawag na nito yung waiter at sinabi ang order nito. “Bianca, what’s your order?” baling nito sa akin.

Patay na! Wala pa akong napipili. Wala bang a-100 lang dito o kahit 150 pesos nalang? 200+ kasi ang pinakamababa.

“Bianca?” tanong ulit nito sa akin, yung waiter naman ay nag-aabang na din ng order ko. Grabe tong dalawa maka-pressure ah!

“Uh, ano…itong roasted chicken nalang sa akin.” Sabi ko nalang sa waiter. Ito kasi ang pinakamura doon pero mapapamura ka pa rin sa presyo.

“How about your drinks, ma’m?” tanong sa akin ng waiter.

“Water nalang.” Sagot ko dito ng nakangiti. Nakangiti ako kasi natutuwa akong libre lang yun. Umalis na din yun waiter.

The Greatest PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon