Chapter 33

5.3K 106 3
                                    

Nakahubad

 

Hindi ko namalayan na nasa may kama na kami. Dahan-dahan niya akong hiniga nang hindi pinuputol ang halikan namin. Nagsimulang bumaba ang halik niya sa leeg ko at ang kamay niya ay kung saan-saan na nakakaabot.

Napaungol ako nang naramdaman kong kinagat niya ako sa may leeg at matapos ay sipsipin ito.

Lumayo siya sa akin upang mahubad ang shirt niya…

Nagising ako dahil naramdaman kong nangangalay ang paa ko. Umamba akong gagalawin ito para mawala ang pangangalay pero hindi ko magawa dahil sa may mabigat na bagay na nakapatong dito.

Napakunot ang noo ko nang gumalaw ang bagay na iyon. Agad akong napamulat nang mata at napakunot lalo ang noo ko nang hindi pamilyar ang kisame na bumungad sa akin. Inilibot ko ang mata ko. Napabangon ako sa gulat nang makita ang isang lalakeng hubad na mahimbing na natutulog sa tabi ko.

“Shit! Ang sakit!” daing ko.

Pinagsisihan ko ang biglaang pagbangon ko nang maramdaman ang sakit.

“Pota! Ang sakit ng ulo ko! Ano bang nangyari kagabi? Nasaan ako? Ba’t nandito ako? At, sino ito?” Naguguluhang tanong ko dahil wala akong maalala sa mga nangyari kagabi.

Wait! Nakahubad yung lalake ah! Processing…

“AAAAAAAH!” Tili ko nang ma-realize yun.

Napabalikwas naman yung lalake.

“Fuck!” sapo nito ang ulo. “Bakit ka ba sumisigaw dyan!?” inis na tanong nito sakin.

“Eh bakit ka nakahubad dyan? Anong ginawa mo sa akin? Rapist ka!!” sigaw ko dito.

“Shut up! Pwede ba? Bakit? Nakahubad ka ba, ha?” inis pa ding tanong nito.

Ay! Oo nga no? Hindi ko pala nacheck yung sarili ko. May damit naman pala ako.

“Bakit ako nandito? Bakit tayo magkatabing matulog? Bakit tayo magkasama?” sunod-sunod kong tanong dito.

“You don’t remember anything from last night?” kunot noong tanong nito sa akin tsaka unti-unting ngumisi. “You want me to remind you how we ended up here in my unit?” tanong nito nang lumalapit sa akin. Ako naman lumalayo dahilan para mahulog ako sa sahig.

Tumawa ito ng malakas. “You evil jerk!” galit na tumayo ako at pinagsasapak ito.

“Stop it you bitch!” sigaw nito nang mahawakan ang mga kamay ko.

The Greatest PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon