Chapter 19

5K 95 2
                                    

Flirting

“Bianca, anong nangyari sayo? Kanina ka pa dyan nakangiti para kang timang. At himala atang maituturing na hindi ka late kanina! May sakit ka ba?” pansin sa akin ni Alcy nung maglunch break kaming tatlo.

Totoong hindi ako late kanina. Paano ako malalate eh ang aga ko nagising o mas tamang sabihin na hindi ako nakatulog pero fresh na fresh ang aura ko dahil sa nangyari kagabi.

“Teh, ang unusual talaga eh. May sakit ka nga? Dadalhin ka na namin sa mental?” panloloko sa akin ni Kath. Nothing and no one can ruin my mood kaya nginitian ko ito.

“Ano ba kayo! Hindi na ba ako pwede dumating on time once in a while at ngumiti? Kayo ang parang timang dyan, gayahin niyo nalang ang aura ko. Blooming na blooming.” Sabi ko sa dalawa.

“Blooming? Bakit? May boylet ka na?” tanong sa akin ni Kath.

“Porke blooming ba ay may boylet kaagad dapat? Hindi ba pwedeng maganda ang gising, maganda ang simula ng araw at maganda ako?” Sagot ko sabay flip ng hair at tawa. I’m such in a good mood.

Napailing nalang ang dalawa at tumawa sa tinuran ko. Wala kasi silang palag dahil talagang blooming ako ngayon.

“Dahil ba iyan kay Max? Kagabi di ba sinundo ka niya?” Nakangising tanong sa akin ni Alcy. Korek ka dyan girl pero hindi ko sasabihin!

“Oh? Sinusundo ka ni Max? Bakit?” takang tanong naman ni Kath. Oo nga pala hindi niya alam kasi lagi siyang nauuna umuwi sa amin. Saan kaya nagpupunta ang bruha?

“Hindi. Hindi ito dahil sa pagsundo sundo sa akin ni Max no?! Bakit naman ako matutuwa dun sa unggoy na yun? Mukha pa lang nun naiimbyerna na ako.” Sagot ko kay Alcy. “At oo. Sinusundo ako ni Max. Dalawang araw na po wala kang alam kasi lagi kang nagmamadali lumayas.” Baling ko naman kay Kath.

“Bakit ka niya sinusundo? Parte ba iyan ng plano niyo?” takang tanong pa din ni Kath. Ayan kasi! Nagpapaapekto doon sa pag-alis ni Jake kaya walang alam sa mundo este sa nangyayari sa progress ng mission.

“Hindi. Bumabawi lang siya sa pang-iindian niya sa akin nung dapat ay may dinner TAYO.” Pinagdiinan ko yung tayo kasi hindi siya sumama nun dahil na naman dun kay Jake kahit na invited naman siya. “Naguilty ata ang lolo nyo kaya heto at may service ako pauwi for one week.” Nakangiti kong sabi sabay subo ng pagkain.  

“So, akala ko ba ayaw mo kay Max eh ba’t ngingiti-ngiti ka dyan?” nakataas kilay at nakangising tanong sa akin ni Alcy.

“Kayo talaga! Masama bang ngumiti dahil may service ako pauwi? Eh di siyempre libre ang pamasahe ko kaya tipid ako for one week! Mabibili ko na yung gusto kong sapatos.” Palusot ko naman.

“Loka-loka! Paano ka makakabili sa pagtitipid mo ng one week sa pamasahe pauwi eh otso pesos lang naman ang pamasahe mo sa jeep!” sabi naman sa akin ni Kath. Nako! Panira ‘to ng alibi.

The Greatest PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon