Chapter 26

5K 88 1
                                    

Better

Kinabukasan nga ay pumasok na ako sa trabaho. I feel better. I think I have cried to my heart’s content last night and having Krizzy with me made everything lighter.

Pagkapasok ko sa locker room ay sinalubong agad ako nina Alcy at Kath.

“Girl! Anong nangyari sayo kahapon? Saan ka nagpupunta at bakit off ang phone mo?” sabi sa akin ni Alcy.

“Grabe! Nag-alala kami sayo. May sakit ka daw kahapon sabi ni Boss. Tawag kami ng tawag para kamustahin ka hindi ka namin ma-contact! Pinuntahan ka rin namin sa unit mo kagabi pero wala ka naman daw doon at umalis ka sabi nung guard!” sabi naman ni Kath.

“Oo nga! May sakit ka na nga gumagala ka pa! Ano? Kamusta ka na? Wala ka na bang sakit?” nag-aalala namang tanong sa akin ni Alcy.

“Awwwe.” Umarte ako ng parang na-touched at nagpupunas ng luha. “You two are so sweet. Nag-aalala talaga kayo sa akin. Thank you!” madamdamin ko pa ding sabi sa mga ito.

“Loka-loka! Ikaw, umamin ka nga! Wala kang sakit kahapon no? Umabsent ka lang kasi tinatamad ka!” Pinandilatan ako ng mga mata ni Kath.

Natawa ako. “Korek!”

Umirap ang dalawa at akmang hahampasin pa ako ni Kath sa gigil. “Leche ka! Pinag-alala mo kami tapos joke lang pala iyon? Tinamad ka lang pumasok at gusto mo lang gumala! Sana naman ay nagtext ka at ini-inform mo kami. Ano ba kasing drama mo at naka-off yung phone mo?” inis na inis na sabi nito sa akin.

“Salamat nalang talaga sa con— pag-aalala niyo pero okay lang talaga ako. Hindi ako nagkasakit at may pinuntahan lang ako kahapon.” Sincere na sabi ko sa mga ito. I still can’t say THAT word. “Nakalimutan ko kasi i-charge phone ko the other night kaya ayun hindi ko na dinala nung pag-alis ko.” Pagdadahilan ko sa mga ito kahit na talagang sinadya kong i-off ang phone ko.

  

“Next time girl, charge charge din ng phone ha? Ano pang silbi niyan kung walang battery? Tulad nalang kahapon lahat kami nag-alala sayo.” Ani Alcy sa akin.

“Ha? Lahat?” nagtataka kong tanong dito. Don’t tell me LAHAT sila pati na si Max? Ano ito? Hopia talaga ang almusal ko ngayong umaga?

“Oo! Kaming lahat! Nagpunta kaming lahat sa unit mo para dalawin ka nga tapos malaman laman namin lumabas ka! Naisip namin na magkasama kayo ni Krizzy dahil isa ding hindi sumasagot ng phone niya.” Sagot sa akin ni Alcy na ikinatawa ko. Alam ko. Tumatawag nga sila sabi sa akin ni Krizzy kahapon pero hindi niya sinagot.

“Tawa pa! Baliw ka na! Ay teh! May chika kami sayo! Di ba nga magkakasama kami kagabi? Alam mo bang hindi nagpapansinan sina Carly at Max? Eh madalas mo yung pagsabayin pauwi di ba? Pero kagabi tumanggi si Carly tapos si Max naman ay wala ding imik at umalis ng wala man lang sinabi. Si Carly naman umalis din agad after umalis ni Max. Weird no? Ano kayang nangyari sa dalawa? Alam mo ba?” Curious na tanong sa akin ni Kath.

The Greatest PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon