Chapter 1

13.5K 203 0
                                    

Malungkot na Mata

Another day of work. And as usual, late na naman ako. 8 AM ang pasok ko, 8:10 na naglalakad pa din ako at medyo malayo pa ang lalakarin ko. Lagot na naman ako nito sa boss ko! So no choice, kahit di ako mahilig magexercise kasi pinanganak na akong sexy eh tatakbuhin ko na.

“Babaita! Late ka na naman! Hingal na hingal ka pa, tumakbo ka no? Di ka na sana tumakbo pa kasi kahit anong gawin mo forever late ka talaga! At kung nakakalimutan mo, running shoes ang ginagamit sa pagtakbo hindi 3-inches na heels!” talak ng co-waiter at kaibigan kong si Kath sa akin habang tawa ng tawa din dahil sa hitsura ko pagdating ko sa locker room namin. Inirapan ko nga.

“Inggit ka lang dahil 2-in-1 tong sapatos ko!” ganti ko sakanya sabay irap ulit.

“2-in-1 nga puno naman ng kalyo yang paa mo. No thanks!” sabi naman ni Alcy, isa ko pang kaibigan at co-waiter, at nagtawanan na naman yung dalawa pati na din ang iba pa naming kasama.

“Umagang-umaga ako na naman ang nakita nyo!” sabi ko naman ng napipikon na sa pambabaluhura nang dalawa. Tumigil na din naman yung dalawa sa kakaasar sa akin at nagsimula na magtrabaho.

Uwian na at mabuti nalang ay walang pasok bukas dahil day-off naming tatlo.

“Ahhh, nakahinga na din ang aking paa! TGIF! This is life!” sigaw ni Kath nung nag-aayos na kami sa locker room para makapag good time na.

“Gaga! Anong TGIF pinagsasabi mo? Eh sabado ngayon!” pambabara ko sakanya.

“Pareho na din yun no!” depensa ni Kath.

“Ay gaga nga! Kelan pa naging pareho ang Friday and Saturday, aber?” sabat naman ni Alcy.

“Isipin nyo na nga lang Friday ngayon. Papahirapan nyo pa ko sa pag-explain. At, magbabar tayo! I’m so excited na para magboy hunting!” sabi ni Kath habang mukhang tanga sa lapad ng ngiti. Napailing nalang kami ni Alcy pero excited din naman ako magboy hunting eh. Di ko nga lang pinapahalata.

“Uhh girls, pwede bang sa Lights Club nalang tayo magpunta? Nagpaalam kasi ako kay Greg na we’ll go out but he said na dun nalang tayo kasi andun din sila ng barkada nya.” Biglang sabi ni Alcy at mas lumapad ang ngiti ni Kath.

“Sure! No problemo!” agad naman na sang-ayon ni Kath.

“Teka nga! Eh ang layo nun! Akala ko ba Kath gusto mo sa malapit lang, ikaw na din nagsabi na mas safe yun kasi nga baka di na tayo makauwi pagka nalasing tayo if sa malayo tayo magbabar.” Tutol ko agad sa pagsang-ayon ni Kath. Eh kasi naman ang layo nung Lights Club tsaka mahal dun kasi pangmayaman ang club na yun. Wala pa akong pera ngayon. Gastos pa sa pamasahe kasi nga malayo tapos baka di ko maafford ang inumin dun. Feel ko pa naman uminom ngayon.

“Sus! Ang sabihin mo, nagtitipid ka!” Kilala talaga ako nitong babaeng to. “Pero isipin mo ha, Biancs! Malay mo may manlibre satin dun! Eh sa ganda nating ito di sila makakaligtas sa alindog natin! At tsaka ayaw mo bang ma-meet yung friends ni Greg? I bet they are all handsome and rich too!” Aba! May use din pala utak nitong si Kath minsan. Oo nga no? Baka ilibre na kami ni Greg. Mabait naman yun. Makakainom na ko ng marami, di pa ko napagastos tapos nakapunta pa ko sa ganon na klase ng lugar. Pero…

“Bebenta na sana yung pangcoconvince mo Kath eh! Kaya nga lang laglag dun sa ganda NATIN at alindog NATIN! Maka-natin ka ah. Kapal ng mukha! Di ka kasali dun. Kami lang ni Alcy ang may angking ganda at alindog, di ba girl?” sabi ko ng nagtataray habang pinipigilan matawa dahil sa sama ng tingin ni Kath sa akin. Si Alcy naman ay tawa na ng tawa.

Sasagot pa sana si Kath sa pang-aasar ko pero nauna na akong maglakad palabas ng restaurant. Pagkarating naming dun sa club ay maingay na ang music. 10 na din naman ng gabi kaya siguradong medyo wild na sa loob. Sinundo kami ni Greg sa labas kasi pila pala yun bago makapasok sa loob at kailangan ay may kakilala ka o sikat ka para wag kana pumila. Buti nalang mayaman ang boyfriend nitong si Alcy kaya feeling VIP kaming tatlo. Nakakatuwa pala yung ganitong feeling tapos makikita mo yung inggit sa mga mata nung kanina pang nakapila. Ang sarap lang tumawa ng pang-asar.

Pagkapasok namin sa loob ay dumiretso kami sa taas. Wala masyadong tao dito sa taas at hindi masyadong maingay. Alam ko pag ganito para sa mga VIP lang eh. Waaah! Another dream come true! Buti nalang sumama ako dito at hindi nagsolo flight doon sa malapit lang na bar.

“Guys, this is my girlfriend, Alcy, remember her?” Nagsitanguan naman yung mga kaibigan nya at napansin kong may mga babae din pala silang kasama. Siguro girlfriends din nung iba. “And these are her friends, Bianca and Kath. They were the ones I told you who’ll be joining us tonight.” Sabay turo samin ni Kath. Nagsitanguan lang din samin yung mga lalake. Wow! I feel so welcomed here.  *sarcasm alert* Umupo na kaming tatlo.

Dumating din yung waiter at sabi naman ni Greg eh libre daw kaya knowing the three of us, umorder na kami ng madami. May balak din kasi talaga kami ni Yan magboy hunting kaya kailangan ng pampalakas loob. Si Alcy naman, no need na, may Greg na eh.

 “Hi!” sabay na sabi nung dalawang babae dun sa table nila. “I’m Destiny but you can call me Des and this is Yan. By the way, it’s nice to see you again Alcy.” Sabi nung magandang babae na may maikling buhok.  Ang ganda nya kahit boy cut yung buhok nya, ako kaya, maganda pa din ba ako pag boy cut ang buhok ko? Hmm, syempre oo! Kumaway naman yung tinukoy nyang Yan daw ang pangalan. Maganda din sya at shoulder length naman yung buhok nya. Pareho silang maganda at sexy kaya naman tingin ko eh magkakasundo kami nito.

“Hi Des! Hi Yan! It’s nice to see you too!” sagot naman ni Alcy sa dalawa ng nakangiti.

“Hi!” ganting bati din naman ni Kath, ako, ngumiti lang at kumaway. “I’m Kath and this is Bianca.” Pakilala ulit ni Kath samin dun sa dalawang babae. Nagsimula na rin kaming magkwentuhan na mga babae.

“Ang gugwapo ng friends ni Greg no? Sayang nga lang di tayo pinapansin. Type ko pa naman yung isa sakanila.” Bulong sakin ni Kath.

“Sabi ko naman sayo eh wala kang alindog!” asar ko sakanya.

“At ikaw meron? Kita mo nga di ka din naman nila pinapansin ah? Pareho lang tayo si Alcy lang ata ang may alindog eh” tumawa nalang kami pareho. Ayoko na makipagtalo medyo totoo naman kasi na di kami pinapansin nung guys.

“Tara! Sayaw nalang tayo sa baba! Baka dun may boylet na.” aya nya saken. Siguro ay bored na din ito kasi kami lang din ang nagkkwentuhan di na kasi kami makarelate sa pinagkkwentuhan nina Alcy, Des at Yan.

“Maya nang konti. Wala pa kong tama eh.” Sagot ko naman.

Nakuha ang atensyon naming lahat nung magsalit yung lalakeng katabi ni Des. “Hi, sorry we forgot to introduce ourselves. I’m Rob.” Gwapo sya ah pero taken na ni Des.

 “And I am Hansel but you can call me Hans.” Sabi naman nung lalaking katabi ni Yan. Gwapo din sya pero gaya nung Rob eh mukhang taken na sya ni Yan. Nakayakap kasi sya sa waist ni Yan. Shet! Nakakainggit ah.

“Hi! I’m Jake and you can call me yours, that’s if, I can call you mine.” Sabi nung mukhang bad boy na lalake sa katabi ni Hans sabay kindat pa kay Kath! Binatukan naman sya agad nung Hans pero tatawa tawa lang yung lalake.

ASDFGHJKL! Kay Kath talaga kumindat!? Hindi sakin? Seryoso sya? Takte! Kumukupas na ba ang alindog ko?

“I’m Max.” yun lang yung sinabi nung lalake pero kinilabutan ako. Kung makipag eye to eye naman kasi samin ni Kath. Speaking of eyes, ang ganda ng mata nya base na din sa nakikita ko kahit na madilim ang paligid. Pano na kaya pag maliwanag? Kaya lang bakit ganon? Bakit parang malungkot yung mata nya? O baka lasing na sya kaya ganyan.

“Biancs, samahan mo naman ako sa restroom.” Biglang sabi sa akin ni Kath. Dun ko lang din namalayan na nakatitig pala ako kay Max.

The Greatest PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon