Chapter 11

4.9K 92 0
                                    

Bullseye

Tahimik lamang akong nakikinig sa usapan nila. Sina Kath at Alcy ay mukhang nakakasundo na ni Carly, pati na rin si Krizzy. Ang bakla! Akala ko ba loyal sa akin ito? Hmmmp! Parang nawala tuloy ako sa mood pero kailangan kong magkunwari kaya naman, sisimulan ko na ang pag-arte para matapos na din ‘to.

“Maxi, I want to eat desserts.” Malambing kong sabi kay Max.  

Natigil sila sa pagkkwentuhan at napatingin sa akin. Lumingon naman si Max sa akin. “Okay, babe. What do you want for dessert? I’ll get it for you.” He calmly said like he is talking to a kid. Kung nainis man ito sa pag-epal ko sa usapan nila at pag-utos sakanya ay hindi naman halata tsaka no choice naman sya.

Sinabi ko naman agad yung gusto kong kainin. Okay pala ‘to eh! I may have a fake boyfriend mayroon naman akong instant alalay! Di na lugi. Then…

He gave me a peck on the lips before standing.

Shit! Damn! Shit! Damn! Fucking damn shit!

 

Muntik nang tuluyang malaglag ang panga ko mabuti na lamang ay napigilan ko at ngumiti na lamang ng pagkatamis tamis. Di na nga ako lugi, may alalay na ako may libre pa akong kiss from a monkey.

“Ay kaloka! Ang sweet nyo talagang dalawa! Kukuha lang ng dessert kailangan may kiss pa sa lips?” panunudyo ni Krizzy sa amin na sinang-ayunan naman ng iba. Tumawa lamang ako ng mahina dahil alam ko na parte ito ng plano. Pupunahin nila ang bawat kasweetan namin ni Max na parang tuwang-tuwa sila at naiinggit para naman mahawa sa inggit si Carly.

Palihim kong tinignan ang reaksyon ni Carly. Kagaya kanina hindi ko pa din mabasa ang reaksyon ng mukha nito. Ano ba naman itong babaeng ito! Magaling ako umarte at mag-inarte kaya naman alam ko din kung kalian umaarte lang ang isang tao, pero hindi ko talaga sya mabasa. Poker face din ang lola nyo gaya ng lolo nyo. Bagay nga silang dalawa!

Dumating na si Max bitbit ang mga pinakuha kong desserts.

“Thanks, Maxi!” I smiled widely and kissed him on the cheeks. Chansing! Hahaha!

“Max naman eh! Ano ba naman yan!” naiinis na sabi ni Jake. Napakunot ang noo ni Max maging ang akin.

“Bakit? Inaano ba kita?” takang tanong ni Max.

“Pinakuha ka lang ng dessert, pagbalik mo nagsama ka pa ng mga langgam! Ayan! Sa sobrang kasweetan ninyo ay hindi nyo na napansin yung mga langgam.” at tumawa ito ng tumawa. Natawa na din kaming lahat. Walang hiya! Yun lang pala. Akala ko kung ano na!

“Dude, ang sabihin mo ay inggit ka lang!” asar naman dito ni Max.

“Hindi ako naiinggit sainyo no! Bakit ako maiinggit eh andito naman ang honey ko? Ang dapat na mainggit ay yung alone at single dyan.” Nakangising sabi naman ni Jake na kunwari ay tinutukoy si Krizzy pero alam naming lahat kung sino talaga ang gusto nyang patamaan.

The Greatest PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon