Chapter 30

5.9K 145 2
                                    

Pagpapanggap

Wala pa masyadong tao sa restaurant dahil kakabukas lang namin. Narinig ko namang bumukas ang pinto nito kaya lumingon ako para sana batiin ng ‘good morning’ ang guest ngunit laking gulat ko nang mapagsino ito.

Nakatingin lamang ito sa akin at nagsimulang maglakad papunta sa pwesto ko. Gusto kong manakbo pero nanatili akong nakapako sa kinatatayuan ko.

“Wala ka nang kawala.” Sabi nito sa akin nang makalapit ito.

Umakto akong nagtataka. “Ha? Ano pinagsasabi mo, Max?” Oo! Si Max nga ang nasa harap ko ngayon.

“Don’t even deny it, Bianca! You’ve been avoiding me for two days now and I won’t let you do it for the third time. Come with me.” Hinawakan niya ang braso ko at hinila ako.

Nagpumiglas ako. “Max! Adik ka ba? Anong ‘come with me’ ang pinagsasabi mo dyan? Hindi ako sasama sayo. May trabaho pa ako!” sabi ko dito at pilit pa ding inaalis ang kamay niyang nakahawak sa akin ngunit lalo lamang itong humigpit.

Para kaming tanga na naghihilahan dito sa dining area. Ang mangilan-ngilan na guest ay nakatingin na rin sa amin.

Hinarap niya ako at seryosong tinignan. “Sasama ka sa akin o kakaladkarin kita? Baka naman gusto mo pang magpabuhat?” anito sa nagbabantang tinig.

Sinamaan ko ito ng tingin. “Hello?! Ano naman klaseng choices yun? Hindi mo ba maintindihan na may trabaho ako at hindi ako pwedeng basta na lamang umalis habang nakaduty?! Gusto mo ba akong masisante? Ha?” inis na anas ko dito.

“Ipinaalam na kita sa supervisor niyo kaya okay lang na sumama ka. Now, let’s go!” At hinila ulit ako nito palabas.

Sa sobrang windang ko dahil halatang planado talaga ang pangaambush niya sa akin ngayon ay nahila niya ako hanggang sa may kotse nito. Pinagbuksan din ako nito ng pinto sa passenger’s seat at pinasakay sa loob. Nakabawi ako ng nasa loob na ako ng sasakyan kaya binuksan ko ang pinto at lumabas sakto namang paglabas ko ay ang pagbukas niya sana ng pinto sa driver’s seat para sumakay.

Nakita kong nagsalubong ang kilay niya ng makita akong bumaba. “Get in!” utos nito sa akin.

“No! Babalik ako sa loob at magtatrabaho.” Pagmamatigas ko at nagsimula na akong maglakad pabalik sa loob ng restaurant. Nakita ko na nakatingin na ang mga katrabaho ko pati na din ang supervisor ko sa amin through the glass, maging ang ilan naming customers ay nakatingin din. Oh, great! We’re creating a scene.

“You leave me with no choice!” sabi nito at namalayan ko nalang na nakalutang na ako. Binuhat niya ako nang parang sako at ipinasok ulit sa kotse. Bago nito isinara ang pinto ay pinagbantaan muna ako nito. “Don’t test my patience, woman! Huwag na huwag kang bababa ulit at tatakas sa akin kung ayaw mong talian kita. And, I’m serious as fuck so stick your ass on that seat.”

The Greatest PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon