Chapter 24

4.7K 123 3
                                    

Bakit

Gabi na naman at excited na akong umuwi. Pagkalabas ko ng restaurant ay nagpalinga-linga ako dahil wala akong mahagilap na Max na naghihintay sa akin sa usual place nito. Nasaan na kaya yun? Tinignan ko ang relo ko at nakitang 8PM na ng gabi. Dati-rati naman ay nandito na ito ng ganitong oras at ni minsan sa tatlong gabi na sinundo ako nito ay hindi ito na-late. Sinilip ko din ang cellphone ko kung nagtext ito o pero wala naman akong na-received na message o missed call man lang galing dito o kahit kaninuman. Ang lonely ng phone ko ah. Wala man lang nagtetext. Kawawa naman!

“Hoooy!” napatalon ako ng gulatin ako ni Kath.

Pauwi palang sila dahil kakatapos palang ata mag-ayos ng gamit. Nauna na kasi ako kanina.

“Bakit andito ka pa? Wala pa ang sundo mo?” nagtatakang tanong sa akin ni Alcy.

“Ay hindi girl. Dumating na si Max kanina pa kaya nga andito pa din ako. Nagtataguan lang kami kaya hindi niyo siya makita.” Pilosopong sagot ko dito. Obvious naman kasi, itatanong pa!

“Ang tino mo kausap forever!” ingos nito sa akin.

“Ba’t wala pa sundo mo?” tanong naman ni Kath.

“Oh, heto cellphone.” Inabot ko ito sakanya. “Tawagan mo at itanong mo sakanya, wag sa akin dahil wala din akong alam.”

“Leche! Pilosopa mo talaga! Sabunutan kita dyan eh!” pinandilatan ako nito ng mata.

Inirapan ko ito. Hindi man lang nagets ang gusto kong iparating. Slow lang. Actually, talagang seryoso ako na ito ang tumawag dito para alamin kung bakit wala pa ito. Ayoko naman na ako ang magtanong, nakakahiya baka isipin pa nun eh atat nga ako makita siya. Eh hindi naman gaano, slight lang naman! Mas atat ako sa goodnight kiss. Chos lang pero mej totoo. Hahaha.

Pero, ang tanong…

Ano na kayang nangyari doon? Itext ko kaya? Psh. Maghihintay muna ako ng mga ilang minuto bago ko  itext para hindi ako masyadong halata.

“Mauna na ako. Pagod na ako eh.” Sabi ni Kath.

“Uwi ka na? Sabay na ako sayo. Pagod na din ako.” Sabi naman dito ni Alcy. “Ikaw ba, girl? Di ka pa uwi? Hintayin mo pa si Max?” baling naman nito sakin.

“Uh, sige na mauna na kayo. Nagtext siya sa akin kanina na malalate talaga siya sa pagsundo sa akin.” Pagsisinungaling ko sa mga ito. I want to wait for Max at hindi ko sasabihin sa kanila yun dahil aasarin lang nila ako baka makahalata pa sila na may HD ako kay Max.

“Okay. See you tomorrow, then. Goodnight! Let’s go Kath!” Paalam ni Alcy at nagbeso sa akin. Ganun din ang ginawa ni Kath at umalis na ang dalawa.

I sat on the gutter in front of the parking space where Max always park.

The Greatest PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon