1 : KSANALM

79K 1.6K 79
                                    


Kung sana ako nalang ang liligawan mo - Jules

-----

Kaetlyn Julianne

" Sandali!" Pagod na ako sa paglalakad. Kanina pa ako lakad ng lakad dahil sa kasusunod kay Miggy.

" Buhatin na nga kita!" Shocks! Huwag! Ang bigat ko kaya. Masbinilisan ko na tuloy maglakad kahit hinihingal na ako. Alang alang lang sa date daw kuno ni Miggy.

" Sino pala date mo ngayon?" Hinihingal kong wika sa kanya. Pumasok kami sa isang mamahaling department store ng sikat na brand ng tshirt.

" Pili ka na para sa akin, Jules" Hikayat niya ngunit ngumiwi ako.

" Ikaw na, baka ayaw mo yung pipiliin ko" Totoo naman kase. Minsan nahahalata kong nababaduyan siya sa akin. Kaya ayaw ko ng bumili ng mga damit niya. Siya nalang ang pumili para yung talagang gusto niya ang bibilhin niya. Baka kase kung ano pa ang mapili ko at mapilitan lang ulit siyang magsuot non.

Buti nalang at may lumapit sa amin na sales lady.

" Ahm goodmorning sir. Ano pong gustong niyong bilhin?" Magalang na wika nung babae kay Miggy na halata kong kinikilig. E normal na lang sa akin iyun. Sobrang guwapo na naman kase ng kasama ko. Hindi manlang ako pinansin nung babae.

Helloooo! Andito kaya ako. Sa taba kong 'to hindi mo ako makita.

Hindi nakaligtas sa mga mata ko yung mga tingin sa akin nung mga sales lady.

First time their faces. So first time nilang makakita ng mataba ganon.

" Jules, tara na" Tawag sa akin ni Miggy na halata kong kanina pa nakatingin sa akin.

Ngumiti ako bago ko tinignan yung magandang babae na nakatingin sa akin na para bang hindi makapaniwala na kasama nga talaga ako ni Miguel.

Napatingin muna ako sa mga babaeng patago na patingin tingin sa akin.

" Magjowa ba sila? Grabe hindi sila bagay" Rinig kong bulungan nila.

Naiinis na ako ha. Porket mataba ako. Kung hindi sila bulag, malamang makikita nilang sobra pa sa sobra ang kagandahan ko, iyun nga lang at malusog ako.

Hanggang sa matapos kaming mamili ay nakasimangot parin ako. Pinagod niya ako eh tapos para lang pambawi niya e dadalhin niya ako sa chowking.

" Jules naman. Huy, pagod na ba ang Jules my love ko?" Kung makapambawi naman kase siya wahas din.

" Hindi ako pagod. Ba't ba kase bibili ka pa ng bago mong polo e marami ka naman na nun. Para lang sa date mo bibili ka na agad" Wika ko sabay subo ko sa kinakain ko.

Napangiti si Miggy.

" Jules my love, manliligaw na ako. Si Aya, kilala mo naman yun diba" Untag niya sa akin. Kilala ko yung si Aya na yun. Siya yung sexy na kaklase ko. Pinagpepyestahan ng mga lalaki kase nga sexy, maganda. Sa mundong ito, kung hindi ka sexy at maputi ang tingin nila sa 'yo hindi nabiyayahan.

Palibhasa, sexy ang maganda at maganda ang sexy. Paano naman kaming mataba? So kapag mataba hindi na maganda ganon?

" Astig yun, o ano na balak mo para mamayang gabi?" Tanong ko sa kanya. Kahit minsan nasasaktan ako, okay na sa akin na masaya 'tong Joaquin na 'to. Kahit na sa hinaharap ay makakakilala na siya ng isang babaeng mamahalin niya, okay na sa akin yun.

Ang natutunan ko sa buhay ay ang maging kontento sa kung anong meron ka. Maging kuntento sa kung anong kayang ibigay sa 'yo.

Lumaki man akong na may ginituang kutsara sa labi ay kailanman hindi iyun naging dahilan ng pagiging sakim ko sa kung anong gusto kong makuha.

Simple lang naman ang gusto ko. Ang maging masaya at makuntento sa kung anong meron ako.

" Inaya ko kase siyang magdate kanina. Umoo siya, kaya nagpasama ako sa 'yo ngayon para bumili ng maireregalo ko sa kanya mamaya" 'Tong kaibigan ko, mukhang nakahanap na ng katapat. Masaya ako at iyun ang totoo. Kahit na shempre, may konting selos, sakit. Pero wala lang 'to. Sanay na ako. Iyung tipong hanggang ganito nalang ang tingin niya sa akin. Yung bang hanggang kaibigan lang talaga ako. Pero tanggap ko.

" Paano kaya kung bilhan natin siya ng hikaw?" Nakangiti kong wika kay Miggy.

Ni minsan hindi niya ako binigyan ng kung ano. Kahit birthday ko, wala. Pero okay na yun sa akin, atleast present siya palagi.

Kung ako ang tatanungin niya, hikaw ang pinakagusto kong materyal na regalo.

" Ikaw mamili. Hindi ako marunong" Wika niya sabay subo din.

" Oo naman ako bahala. Chill ka lang" Shempre kahit ganito ako, parang tomboy din minsan, marunong din naman akong mamili ng hikaw.

Madaming tao dito sa mall. Halos karamihan ng mga babae napapatingin kay Miggy. Shempre, ikaw ba naman ang may kasamang guwapo. Tapos ako na kasama niya, hindi bagay para sa kanya.

Minsan nasasaktan din ako. Kase ang mama ko, sobrang ganda. Sobrang sexy ng katawan. Kulang pa nga ang salitang perfect para ilarawan siya tapos ako ganda lang, hindi ako sexy.

Kaya minsan naiintinidate ako tuwing kasama ko siya. Iniisip ko din kung may mga pagkakataon kayang ikinahiya niya ako? Wala kase akong nararamdaman sa tuwing kasama ko si Miggy.

Matapos naming kumain ay dumiretso kami sa may pamilihan ng mga kuwintas. Ang gaganda ng kuwintas. Kumikinang ang lahat dahil sa ganda. Lumaki tuloy ang mga mata ko. May nakita ako sa may pinakadulo. Square cut diamond na hikaw na nakapaloob sa ginto. Ang ganda, bagay kay Aya 'to. Wika ko sa aking sarili.

" Ito Miggy, ang ganda!" Nakangiti kong baling sa kanya. Tinignan naman niya iyon.

" Ma'am iyan po ang pinakamahal namin na hikaw dito" Saad nung babae na maganda. Napanguso ako. Baka hindi iyun bibilhin ni Miggy dahil sobrang mahal.

" How much?" Tanong ni Miggy sa babae

" Php. 49,000 po sir. Para po ba kay ma'am" Tila ba hindi makapaniwala na wika nung babae. Kainis ha. Bakit ganun?

" It's for my date tonight" Makatotohanang wika ni Miggy sa babae.

Ngumiti iyung babae

" Ganun po ba sir, akala ko po kay ma'am. Mukhang siya po kase ang magsusuot" Ouch! Napahiya ako dun.

Oo na oo na! Alam ko na! Tanggap ko na!

Binili ni Miggy iyung hikaw. Buti pa si Aya binilhan ni Miggy ng hikaw. Hindi naman niya birthday tapos ako kahit birthday ko wala manlang akong gift mula sa kanya. Puro pambubully lang ata ang ginagawa ni Miggy tuwing birthday ko.

——

Unmasked Deceit (Completed) [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon