EPILOGUE

89.8K 1.8K 272
                                    

EPILOGUE

Ten Years Later
   
ISANG FAMILY PICTURE ang pinipinta ni Beatrice. Nasa isang kwarto siya ng kanilang bahay. Dito kasi nakalagay ang lahat ng gamit na pampinta niya. Matatapos na niya iyon at maaari na niyang ilagay sa living room nila upang i-display.

    "Huhuhu! Mommy!" Natigil siya sa pagpipinta nang marinig ang iyak ng anak niya.

    Agad niyang nilapag ang brush at nagpunas sa basahan ng kamay. Lumabas siya ng kwarto at tinungo ang kwarto ni Bettina Serina, ang nag-iisa nilang anak na babae, ang pinakabunso sa pitong anak nila. Three years old pa lang ito.

    "Bakit umiiyak ang baby girl ko?" paglalambing niyang tanong dito at naupo sa Barbie bed nito.

    Tumayo ito at yumakap sa leeg niya. Pinunasan niya ang luha nito na tila nanaginip na naman. Napahinga siya nang malalim dahil tila na-trauma na ito sa muntik nang pag-kidnap ng mga kakumpitensya ni Dimitri sa business world noong nakaraang taon lang. Kaarawan pa ng kapatid nito.

    It was Drake, Diesel, Deo's tenth birthday. Yes, they are triplets. Hindi nga siya makapaniwalang tatlo pala ang ilalabas niya noong makalipas lang silang ikasal ni Dimitri. Halos himatayin siya dahil hindi niya alam kung kaya ba niyang ilabas iyon. Pagkatapos ay isang taon pa lang ang nakalilipas nang mabuntis uli siya. Si Seige na nine years old na ngayon, ang sumunod ay si Samuel na eight years old, at ang huli nga ay si Bettina, na salamat sa Diyos ay malayo-layo ang agwat.

    Ayaw na sana niyang manganak at gusto na niyang magpatali. Kaso ang asawa niya ang may ayaw. Hanggang kaya raw ay gawa lang nang gawa. Jusko! Gusto niyang batukan ito! Akala naman nito ay napakadaling manganak.

    "Mommy, panaginip ko po ang bad guy. Palo niya po ako," humihikbi nitong sumbong. Inupo niya ito sa kandungan niya at hinawi ang malago nitong buhok na tumatakip sa mukha nito.

    "Shhh . . . hindi ka na uli papaluin ng bad guy na 'yon dahil hindi hahayaan ni Mommy na masaktan ka uli," mariin niyang sabi at hinagod niya ang likod nito habang nakayakap ito sa kanya.

    Galit ang nararamdaman niya sa lalaking may galit kay Dimitri. Hindi niya akalaing idadamay pa nito si Bettina para gawing pain sa asawa niya at sirain ang masayang kaarawan ng triplets niya.

HANDS ON KASI siya sa pag-aayos ng party at sa mga bisitang dumarating ay iniwan niya muna saglit si Bettina sa mga kalaro nito. Nang makitang ayos naman ang lahat at walang problema sa birthday party ng triplets ay hinanap niya na si Bettina.

    "Hey, cutie. Nasaan si Bettina?" tanong niya sa mga cute na babaeng kalaro kanina ng anak niya.

    "May old man pong lumapit kay Tina. Doon po sila nagpunta," turo nito sa maliit na gate nila.

    Agad niyang tinungo iyon at binundol siya ng kaba. Paglabas niya ng gate ay nakita niya ang isang lalaking bitbit-bitbit si Bettina na umiiyak na.

    "Hayop ka! Bitiwan mo ang anak ko!" sigaw niya rito at dali-dali niyang inagaw ang anak.

    Nilagay niya si Bettina sa likod niya at matapang na hinarap ito. Sinampal niya ito nang malakas na kinapaling ng mukha nito.

    "Balak mo pang kidnapin ang anak ko, ha?! Ipakukulong kita!" galit niyang sabi.
 
  "Bago mo magawa 'yon, papatayin ko muna kayo ng anak mo! Pati ang asawa mo!" nakangising sabi nito at naglabas ng baril na kinakaba niya.

    "Ibaba mo 'yan! Tatawag ako ng pulis, subukan mo lang!" mariin niyang sabi kahit na kinakabahan na siya.

    Natawa ang kidnapper.

    "Kahit magsumbong ka pa, hindi nila ako mahuhuli. Hindi mo alam na kaya kong paikutin ang mga pulis," nauuyam nitong sabi.

    "Hayop 'yang asawa mo! Dahil sa kanya, bumagsak ang company ko!" galit nitong sabi.

Mafia Brother Owned Her (SELF PUB)Where stories live. Discover now