CHAPTER 29 - Buhay Siya

49.5K 1.1K 18
                                    

CHAPTER 29
Buhay Siya

BEATRICE
   
NANLALATANG BUMANGON SA kama si Beatrice dahil nakaramdam na naman siya ng sign ng morning sickness. Tumakbo siya sa banyo habang sapu-sapo ang bibig. Akala mo ay mapapawi noon ang pagsusuka niya.

    Matapos mailabas ang halos tubig lamang na suka niya ay pinindot niya ang flush ng toilet at sandaling namahinga. Halos dalawang linggo na nakalipas. Pero hanggang ngayon ay wala pa ring lead kung nasaan na si Dimitri. Halos wala siyang naitulog kaiisip kung nasaan ito, kung nakaligtas ba ito, kung kumakain kaya ito.

    Ang daming 'kung' na lumalabas sa isip niya dahil sa sobrang pag-aalala kay Dimitri. Hindi niya rin malaman kung paano ipaliliwanag iyon kay Duke na walang kaalam-alam sa nangyayari.

    Nakarinig siya ng malakas na katok sa pintuan ng kwarto niya kaya nagmamadali siyang tumayo at naglakad patungo ng pinto.

    "Ma'am, may bisita po kayo," sabi ng isang kasambahay na kinuha ng mommy niya parasa kanila. Para daw hindi siya mahirapan lalo na at buntis siya.

    "Sino raw siya?" tanong niya at sinara ang pinto para puntahan ang sinasabi nito.

    "Friend n'yo raw po," sabi nito. Napaisip naman siya sa sinabi nitong 'friend' daw niya dahil wala naman siyang ibang kaibigan. Si Cathy lang naman ang naiisip niyang kaibigan kaya nag-assume siyang ito ang nasa baba.

    Bumaba siya ng hagdan at tinungo nila ang living room. Pagdating niya roon ay nagtaka pa siya dahil isang matangkad na lalaki na nakatalikod sa gawi nila ang bumungad sa kanya. Tumingin siya sa kanilang kasambahay na nagkibit-balikat lang.

    Tumikhim siya para kunin ang atensyon nito na busy sa pagtingin ng picture frame nila. Napansin niyang binaba na nito ang hawak na litrato at dahan-dahang humarap sa kanya.

    Nang tuluyan na itong nakaharap sa gawi niya ay napamaang siya sa pagkabigla. Kaya pala parang may kahawig ito kapag nakatalikod. Ang tagal na ng panahon nang makilala niya ito, at hindi niya inaasahang magpupunta ito sa bahay nila at nahanap kung saan siya nakatira.

    Napansin niyang mas nag-built ang katawan nito at clean cut ang buhok. Ganoon pa rin naman ang kulay ng balat nito, maputi. Nakangiti ito sa kanya kaya lumabas ang maputi nitong mga ngipin na halatang alaga sa dentista.

    "Long time no see, Beatrice," bati nito. Hindi naman niya alam kung paano ito patutunguhan dahil hindi naman sila masyadong naging close noon. Pero ngumiti rin siya rito dahil naging mabait naman ito sa kanya noon.

    "Ikaw pala 'yan, Diego. Hindi ko inaasahan ang pagtungo mo rito," aniya at tinuro ang sofa. "Have a seat," sabi pa niya.

    Binalingan niya ang kanilang kasambahay na nakatingin lamang sa kanila.

    "Ate, paki dalan na lang kami ng juice at cake. Salamat," pakiusap niya na agad naman nitong sinunod.

    Humarap uli siya kay Diego na nililibot ang buong tingin sa bahay nila. "Ang ganda ng bahay n'yo. Very artistic ang pagkakagawa," komento nito sa bahay.

    "Salamat," sabi niya. "Oo nga pala, paano mo nalaman kung saan ako nakatira?"

    Tumingin naman ito sa kanya at napakamot ng batok, animo ay nahihiya.

    "Well, nagkita kasi ang mom ko at mom mo sa isang event. Nagkukwentuhan sila habang nasa sulok lamang ako at ine-enjoy ang event. At sinabi nga ng mom mo na may isa siyang anak na babae. And it's you, Beatrice. So I took the apportunity to ask about you."

    "I see. Naku, si Mommy talaga napakahilig sa kwentuhan," natatawa niyang sabi.

    "At nagpapasalamat ako sa kanya dahil nakita kita," sabi nito na kinailang niya.

Mafia Brother Owned Her (SELF PUB)Where stories live. Discover now