CHAPTER 24 - Pagkalito

49.5K 1K 71
                                    

CHAPTER 24
Pagkalito

BEATRICE

HELLO, TIYA OLIVE?" aniya habang kausap ang Tita Olive niya sa kabilang linya.

    Oh, Aurora. Tinatawagan kita pero nakapatay pala ang phone mo.

    "Kasi, Tiya, nakauwi na po ako sa Pilipinas," nag-aalangan niyang sabi at pumikit.

    What? Bakit hindi mo man lang kami sinabihan? Nag-aalala na si Papa dahil gusto niya kayong makausap ni Duke. Nahimigan niya ang pagtatampo sa boses nito.

    Napahinga siya nang malalim at dumilat. "Pasensya na, Tiya. Biglaan po kasi ang lahat. Pero promise po, dadalaw po kami ni Duke d'yan bukas." Narinig niya ang paghinga nito nang malalim.

    Mabuting dumalaw agad kayo, Aurora. Hindi na kasi maayos ang pakiramdam ni Papa. Kinabahan naman siya sa binalita nito.

    "Bakit, Tiya? Ano ba ang lagay ni Lolo? Noong nakaraan parang ayos lang siya, ah?"

    Inatake na naman kasi siya ng heart stroke. Noong tumawag siya sa inyo ay ayos pa siya, pero kinabukasan ay inatake na siya dahil nagpumilit na namang lumabas. Alam mo namang hindi sanay 'yon sanay nang napipirmi sa bahay.

    Napahawak naman siya sa kanyang ulo dahil tila sumakit iyon. Wala pa siyang pahinga dahil nag-ayos pa siya ng gamit nila habang si Dimitri ay umalis kasama sandali ang mga tauhan nito. Pero hindi niya alam kung saan pumunta ang mga ito.

    "Sige po, Tiya. Bukas na bukas ay pupunta kami d'yan. Nag-aalala na ako kay Lolo," sabi niya rito.

    Sige, aasahan ko 'yan. Tiyak na matutuwa si Papa kapag nakita kayo uli sa personal. Napangiti siya sa sinabi nito.

    "Sige po. Good night, Tiya," paalam niya rito at binaba na ang tawag.

    Napayakap siya sa katawan nang umihip ang hangin. Manipis lang ang suot niya, isang night dress na pinatungan ng silk robe na kulay black. Dito niya piniling magpahangin dahil napakasarap sa pakiramdam. Kitang-kita rin niya ang pond dahil tumatama ang liwanag ng buwan doon.

    Napalingon siya sa harap ng bahay nang makarinig siya ng parating na sasakyan. Tumingala na lamang siya sa langit at tiningnan ang ganda ng gabi. Pumikit siya at humiling sa itaas na sana ay maging maayos na ang lagay ng kanyang lolo.

    Napadilat siya nang may biglang yumakap sa kanya mula sa likod. At alam niyang si Dimitri iyon. Humalik-halik ito sa leeg niya. Lumayo siya rito dahil amoy alak ito. Humarap siya rito at napansing lukot ang polong suot nito at maging ang buhok ay magulo rin. Namumula ang mukha nito hudyat na marami itong nainom. Ngumisi ito at hinapit uli siya sa baywang palapit sa katawan nito.

    "Bakit ba uminom ka pa?" tanong niya rito at pinigil ito sa paghalik.

    "I love you, Babe. Alam mo 'yan," sabi nito at hinawakan siya sa mukha at mapusok na hinalikan sa labi. Umiwas naman siya sa halik nito dahil naguguluhan siya sa kinikilos nito.

    "A-ano ba, Dimitri?! Lasing ka lang. Matulog na tayo," pigil niya rito.

    "H-hindi ako lasing. Nakikita ko pa ang maganda mong mukha, Babe. Kaya hindi pa ako lasing," natatawa nitong sabi at hinapit na naman siya.

    "Ewan ko sa 'yo. Bahala ka d'yan," naiinis niyang sabi rito pero ramdam niya ang pamumula ng mukha niya. Tumalikod na siya at iniwan ito. Mukha ngang hindi pa ito lasing dahil nakapagbibiro pa ito.

    Pumasok siya sa kusina at balak na ipagtimpla muna ito ng kape para mahimasmasan. Hindi niya alam kung ano bang pumasok sa utak nito at naglasing. Inisip na lang niyang siguro ay inaya nina Oscar. Napaiiling na lang siya dahil ayaw niya talaga sa mga lalaking mabisyo. Pero anong magagawa niya kung ganoon si Dimtri?

Mafia Brother Owned Her (SELF PUB)Where stories live. Discover now