CHAPTER 15 - Mang-aagaw

54.4K 1.2K 97
                                    

CHAPTER 15
Mang-aagaw

BEATRICE
   
NAPAHINGA SIYA NANG malalim habang pinagsiklop ang kamay na nanlalamig. Hindi niya alam kung kaya ba niya. High school pa lang ang natapos niya tapos homeschooled pa siya. Pangarap niya kasing maging guro, at gusto rin niya ang mga bata. Natutuwa nga siya nang malamang pinapayagan siya ng kuya niya na lumabas at bonus pa dahil may chance na magturo siya sa mga batang ulila at hindi masyadong nakapag-aaral.

    Napatingin siya rito nang pagsiklopin nito ang kamay nila. Agad naman siyang napatingin kay Charlene na sumama sa kanila. May katawagan ito sa cellphone kaya hindi nito nakikita ang pagsiklop ng mga kamay nila. Agad siyang bumitiw sa pagkakahawak ng kuya niya dahil bigla siyang kinabahang baka makita ni Charlene iyon. Kukunin sana uli ng kuya niya ang kanyang kamay nang lumabas ang madre.

    “Magandang araw sa inyo, hijo, hija. Tama ba ang nakarating sa amin na gusto n’yong mag-volunteer na turuan ang mga bata?” nakangiting tanong ng madre. Tumayo siya mula sa pagkakaupo at malugod na ngumiti sa madre.

    “Opo, Sister. Pangarap ko po kasing ma-experience na magturo ng arts sa mga bata. High school pa lang po ang natapos ko, pero tingin ko naman po ay sapat na rin ang hilig ko para turuan sila,” sabi niya rito. Naramdaman niya ang pagtayo ng kuya niya at paglapat ng kamay nito sa kanyang baywang. Napalunok siya nang mapadako ang tingin sa madre.

    “Naku! Napakabuti n’yong mga kabataan. Maraming salamat at kami ang napili n’yo. Oo nga pala. Ako si Sister Mercy,” pakilala nito. Ngumiti siya at nagmano.

    “Ako po si Beatrice, Sister,” pakilala niya sa sarili. Ngumiti ang madre at napatingin sa kuya niya. Siniko niya ito na kinatingin nito. Nakatungo lang kasi ito habang nasa tabi niya. Nag-angat ito ng tingin kaya pinandilatan niya ito, pagkaraan ay humarap siya kay Sister Mercy na nangingiti.

    “Dimitri Sergio Ford, Sister,” pakilala ng kuya niya.

    “Nakakatuwa naman kayo. Mag-boyfriend at girlfriend ba kayo?” sabi nito na kinawala ng ngiti niya. Napatingin siya sa kuya niyang nakatitig pala sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya.

    “Naku, Sister, magkapatid po sila,” biglang singit ni Charlene at gumitna sa kanila kaya nawala ang distansya nila.

    “Gano’n ba? Nakakatuwa naman at talagang close kayong magkapatid.” Ngumiti na lang siya rito. “Halika na kayo. Tiyak na naghihintay na ang mga bata,” aya ng madre.

    Tumango siya at kinuha ang bag sa upuan, maging ang gamit niyang mga papel. Naunang naglakad ang madre habang kasunod siya. Nakita niya ang mga tauhan ng kuya niya na pinapasok ang mga kahon-kahong coloring book at iba pang pangkulay at papel sa loob. Napatingin siya uli sa kuya niya na inagaw ang bitbit niyang papel at ito na ang nagdala nito.

    Hindi na siya nagreklamo at hinayaan na lang ito. Naramdaman niya ang pagsunod sa kanila ni Charlene. Hindi niya nga alam kung bakit ito sumama. Nang malaman nitong kasama ang kuya niya ay sumama na rin ito. Talagang malalim ang pagtingin nito sa kuya niya.

    Nakita niya si Sister Mercy na pumasok sa isang room. Nilukuban siya uli ng kaba dahil hindi niya alam kung makakaya niyang i-handle ang mga bata, pero susubukan pa rin niya. Hindi siya susuko.

    “Mga bata, may ipakikilala ako sa inyo,” sabi nito sa mga batang nakaupo sa mga plastic armchair. May mga sariling mundo ang mga ito nang pumasok sila. “Siya si Teacher Beatrice. Alam n’yo bang may suprise siya sa inyo?” nakangiting sabi ni Sister Mercy. Nagtatalon sa tuwa ang mga bata kaya napangiti siya.

    “Talaga po, Sister? Yehey! Gusto ko po ng surprise!” sabi ng isang batang babae na may kaiklian ang buhok. Ang cute nito lalo na at may dimples ito na napakalalim.

Mafia Brother Owned Her (SELF PUB)Where stories live. Discover now