CHAPTER 28 - Necklace

47.9K 1K 65
                                    

CHAPTER 28
Necklace

DIMITRI
   
NASA HIDEOUT SIYA sa isang room na may two-way window mirror na kita ang buong arena sa labas ngunit hindi ang loob kung saan siya nakaupo ngayon. Nakatingin lang siya sa labas habang sumisimsim ng alak at kalmado lamang na nakaupo sa isang swivel chair. Bumukas ang pinto na hudyat na may pumasok.

    "Boss, nandito na si Buenavista," balita ni Joaquin, isa sa mga pinakamagaling na fighter at shooter sa grupo niya.

    "Papuntahin mo rito," utos niya habang pinipindot ang remote kaya naging blurred ang window mirror.

    Ilang saglit lang ay bumukas uli ang pinto kaya tinigil na niya ang pag-alog ng basong may alak.

    "Hijo . . ." tawag ni Buenavista kaya hinarap niya ang swivel chair at napilitang ngumiti.

    "Thank you, Sir, for accepting my invitation. Have a seat," kalmado niyang sabi at minuwestra ang sofa.

    Prente naman itong naupo habang nililibot ang tingin sa buong room. Charlie Buenavista, isang mataas na heneral ng kapulisan. Nasa mid-50s na ito at makikita na rin ang puting buhok at sign ng katandaan nito sa mukha. Bilugan ang tiyan at may bigote, at talagang pormal pa ang suot nito. Ibig niyang humalakhak. Oo nga naman, para diretso kabaong na lang ito sa oras na kitilin niya ang buhay nito.

   "Nice place. Hindi ko akalaing malaki pala ang hideout mo, hijo," komento nito. "Well, wala namang imposible sa isang Ford, right?" nakangiti nitong sabi.

    "Sige, ngumiti ka lang. Dahil hindi ka na makakangiti sa oras na matikman moa ng ganti ko," aniya sa isip.

    "Yes, Sir. Wala talagang imposible sa dugo ng mga Ford. Kaya nga hirap na hirap ang mga kalaban ni Daddy na pabagsakin siya," sarkastikong sabi niya. Nakita niyang hindi na ito naging komportable sa kinauupuan nito, hudyat na tinamaan ito sa sinabi niya. So its true?

    "Well . . . how about your relationship with my daughter? Have you decided to marry her?" pag-iiba nito sa usapan.

    "Oh! About that. I'm sorry to burst your bubbles, Sir. But I don't want to marry your daughter. She's just a friend, nothing else," aniya. Ibig niyang humalakhak nang makita ang galit sa mga mata nito at pagkuyom ng kamao nito. Gusto niyang makita ang tunay na kulay nito kaya gusto niya pa itong inisin.

    "Kailangan mong pakasalan ang anak ko, hijo. She's pregnant to your child. Kaya hindi ako makapapayag na hindi mo siya pananagutan. Baka naman gusto mong makulong uli?" giit nito habang kuyom pa rin ang kamao.

    "Hmm . . . I'll think about that, Sir. But first, I want you to see this," nakangiti niyang sabi.

    Kinuha niya ang remote at binuhay ang TV, pero agad din niyang pinatay na kinakunot ng noo nito.

    "Ops! Nakalimutan ko na kailangan nga palang nandito si Charlene," sabi niya at may pinindot siya sa lamesa, hudyat na pinapapasok niya sina Oscar.

    Bumukas ang pinto at pumasok si Oscar na hatak-hatak si Charlene.

    "Anong ibig sabihin nito, Dimitri?" napatayo at galit na tanong ni Buenavista pagkakita sa anak nito na sapilitang hinahatak.

    Sinenyasan niya si Oscar na iupo si Charlene sa tabi ng ama nito.

    "Dimitri, naniniwala ka na ba sa akin?" parang wala sa sariling sabi ni Charlene. Akmang tatayo sana ito mula sa pagkakaupo nang pinigilan niya ito.

    "Stay. Naniniwala na ako sa 'yo," sabi niya na kinaluwang ng ngiti nito. Nakita niya ang pagngiti ni Buenavista dahil sa sinabi niya. Naupo uli ito at tila nabunutan ng tinik. "Pero may gusto lang akong ipapanood sa inyo na siguradong ikatutuwa n'yo," nakangiti niyang sabi ngunit ibig niyang ngisihan ang mga ito.

Mafia Brother Owned Her (SELF PUB)Where stories live. Discover now