CHAPTER 7 - I Want You

74.6K 1.6K 69
                                    

CHAPTER 7
I want you

BEATRICE
   
PADAUSDOS SIYANG NAPAUPO sa tabi ng pinto habang patuloy na umiiyak. Pero hindi pa rin siya tumitigil sa pagpalo sa pinto.

    “Kuya! Please! Open the door!” nagmamakaawa niyang sigaw. Hindi niya alam kung nasa labas pa ba ito, pero sinubukan niya pa ring pilitin itong palabasin siya.

    Hindi niya inaasahang magagawa siya nitong kidnapin at dalhin sa malayong lugar. Walang saysay ang lahat ng ginawa niya. Ang plano niyang paglayo rito ay parang bula na lang na nawala.

    Pinagdikit niya ang dalawang binti at yumakap doon. Pinatong niya ang baba sa kanyang tuhod habang walang tigil sa paghagulgol.

    Dahan-dahan niyang dinilat ang mga mata ngunit napahawak pa siya sa noo nang sumakit iyon. Nilibot niya ang paningin sa kabuuan ng pinaglalagyan niya. Hindi siya pamilyar sa kanyang nakikita. Puting-puti ang bawat dingding sa buong kwarto. May malaking television sa paanan ng kama at may katabi itong maliit na bookshelf sa gilid. Lumingon siya sa bintana na gawa sa salamin. Bigla kasing hinangin ang kurtina dahil nakabukas iyon. Dahan-dahan siyang bumaba sa kama at lumakad palapit doon. Hinawi niya ang kurtina para malaman kung nasaan ba siya.

    Isang madilim, tahimik, at tunog ng paghampas ng alon ang bumungad sa kanya. Tingin niya ay malapit siya sa dagat. Pumasok siyang uli sa loob at nagmamadaling lumabas. Kailangan niyang makaalis kahit na anong mangyari. Tiyak na nag-aalala na ang kanyang mga magulang, maging si Xander.

    Bumaba siya sa hagdanan habang tahimik na pinagmamasdan ang paligid. Maaliwalas at maganda ang buong bahay. Parang isang full house style ang tema.

    Nagmamadali siya sa paglalakad palapit sa pinaka-pinto ng bahay. Nakahinga siya nang maluwag nang wala siyang makitang ni isang tao. Paglabas niya sa gate ay may biglang humintong sasakyan sa harap niya. Kinabahan siya kaya naisipan niyang tumakbo. Nakayapak lang ang paa niya dahil hindi niya mahagilap ang suot niyang doll shoes.

    “BEATRICE!” Napahinto siya nang marinig ang boses ng kuya niya. Nilingon niya ito sandali at humarap uli sa daan upang takasan ito. Ngunit may humintong itim na kotse sa kanyang harapan. Bumaba roon ang limang lalaking naka-black uniform formal suit. Lumapit ang mga ito sa kanya at pinalibutan siya.

    Kinabahan siya at napalunok. Pinilit niyang tumakas, pero may pumigil sa kanya. Kinaladkad siya nito habang mahigpit na nakahawak sa braso niya. Nagwawala siya para makawala sa mahigpit nitong pagkakahawak.

    “Kuya! Please, uuwi na ako! Pakawalan mo na ako!”

    Hindi siya pinansin nito. Dere-deretso lang ito habang hatak-hatak siya paakyat sa taas kung saan siya galing.

    “Kuya! Ano ba?! Ayoko rito!” Nangingilid na ang luha niya habang patuloy sa pagwawala. Binuksan nito ang pinto nang makarating sila sa kwartong pinanggalingan niya. Hinatak siya nito sa loob at doon lang siya binitiwan. Nabigla siya kaya napaupo siya sa sahig.

    “Mabuti at naabutan kita. Balak mo pa akong takasan uli?!” galit nitong sabi. “Dito ka lang! Dahil pagbalik ko ay sisiguraduhin kong hindi ka na makaaalis pa!” banta nito. Tumalikod ito na kinabahala niya. Dali-dali siyang tumayo para habulin ito, ngunit huli na dahil pabalibag nitong sinara ang pinto at ni-lock sa labas.

   
XANDER
   
HINDI MAPAKALI SI Xander habang paulit-ulit na dina-dial ang numero ni Beatrice. Nalaman nilang hindi ito natuloy sa pag-alis nito.

    “Please, sagutin mo.”

    “Anak, calm down. Tinawagan na ng daddy mo ang airport office, kaya maupo ka muna rito at hintayin natin ang daddy mo,” pagpapakalma sa kanya ng kanyang ina. Humugot siya ng malalim na hininga at napasabunot.

Mafia Brother Owned Her (SELF PUB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon