CHAPTER 20 - Unexpected

56.8K 1.3K 37
                                    

CHAPTER 20
Unexpected

BEACTRICE/AURORA
   
NAPAHAGIKGIK SIYA HABANG nakapikit ang mga mata. May naramdaman kasi siyang humahalik sa pisngi niya. At alam niya kung sino iyon. Nagtulug-tulugan siya para inisin ito.

    "Mommy, gising na!" gising nito sa kanya habang hinahalikan siya sa pisngi. Niyakap niya ito at kiniliti. Tawa ito nang tawa na napakasarap sa kanyang pandinig. Kapag sila lamang dalawa ng baby niya ay tumatawa ito. Pero kapag may ibang tao ay napakasuplado nito.

    Dumilat siya at napatingin kay Duke na hinihingal dahil sa pagkiliti niya.

    "Good morning, baby," bati niya rito at hinalikan sa pisngi.

    "Mom, you promised me," sabi nito. Ngumiti siya at pinisil ang pisngi nito. "Mom!" nabuburyong suway nito sa kanya kaya natatawang binitiwan niya ang pisngi nito.

    "Yes, baby. Hindi makakalimutan ni Mommy ang promise niya. Kaya ang dapat mong gawin ngayon ay magpaligo kay Yaya habang nagluluto ako ng breakfast natin," sabi niya rito habang bumabangon siya sa kama.

    "Ayoko kay Yaya. Kaya ko na ang sarili ko, Mommy. I'm a big boy na," sabi nito. Natawa na lang siya dahil nagfi-feeling binata na ito.

    "Okay. Ako na lang ang magpapaligo sa 'yo, baby. Baka madulas ka pa." Kumuha siya ng damit sa closet nito, pati towel. Nakita niyang pumasok na nakabusangot ang baby niya sa banyo. Napaiiling siya habang pinupusod ang buhok niya. Tutungo na sana siya sa banyo nang mag-ring ang cellphone niya. Lumapit siya sa side table at kinuha iyon. Napakunot-noo siya dahil hindi naka-register ang number nito sa contact list niya. Napahinga siya nang malalim at sinagot ang tawag.

    "Hello? Who's this?" sagot niya sa tawag. Nagtataka siya kung bakit tahimik lang at walang sumasagot sa kanya. "Hello? Sino ba 'to? Alam mo, sinasayang mo lang ang oras ko! Kung ayaw mong magsalita, ibababa ko na ito!" inis niyang sabi. Aalisin na sana niya sa tainga niya ang phone nang magsalita ito. Para siyang natuklaw ng ahas dahil sa narinig na boses.

    "Time is up, Babe. Maghanda ka, dahil ano mang oras ay baka sumulpot na lang ako sa harap mo. At sisiguraduhin kong hindi mo na ako matatakasan pa," mariin nitong sabi. Nanginginig ang kamay niya at napaupo siya sa sahig. Kinabahan siya sa sinabi nito.

    "No! No! Get out of my life!" sigaw niya rito. Narinig niya ang halakhak nito kaya pinatay na niya ang tawag. Napaiiling siya at binitiwan ang cellphone sa sahig.

    Napasabunot siya sa buhok niya dahil paulit-ulit na nagre-replay sa utak niya ang sinabi nito. Hindi maaaring guluhin uli nito ang tahimik niyang buhay. Okay na siya, lalo at kasama niya ang anak niya. Nangangamba siyang makita at makilala nito si Duke. Kahit hindi niya sabihin ay iisipin nitong anak nito iyon dahil magkahawig na magkahawig ang mag-ama. Natatakot siyang kunin nito sa kanya si Duke. Ito ang buhay niya. Hindi niya kayang isiping may kukuha sa baby niya. Sa kanya lamang ito. Siya ang nagpalaki at nag-alaga rito. Kahit wala itong ama ay hindi ito nagtangkang magtanong sa kanya. Hindi nito hinahanap kung may ama ba ito. Hindi niya alam ang gagawin kapag nalaman ni Duke na meron pa siyang ama. Baka sumama ito kay Dimitri at iwan siya. Natatakot siyang mangyari iyon. Hindi niya kaya. Hinding-hindi.

    "Mommy, I'm done," sabi ni Duke. Agad siyang nagpahid ng luha nang hindi niya namamalayang tumulo na pala iyon. Ngumiti siya sa anak niya nang humarap siya sa direksyon nito. Naka-robe ito ng blue na napaka-cute tingnan.

    "Paamoy nga ng baby ko. Paamoy kung mabango," nakangiti niyang sabi habang naka-open ang dalawa niyang kamay para mayakap ito. Nakalimutan niyang dapat siya ang magpapaligo rito, pero tila nainip ito kaya nagkusa na itong maligong mag-isa.

Mafia Brother Owned Her (SELF PUB)Where stories live. Discover now