CHAPTER 32 - Honeymoon

61.1K 1.1K 18
                                    

CHAPTER 32
Honeymoon

DIMITRI
   
NOW I PRONOUNCED you, husband and wife. You may kiss the bride," sabi ng priest na nagkasal sa kanila. Tumingin siya ngayon sa asawa na niya, si Beatrice. Hindi matawaran ang saya nang matawag itong asawa niya. Para siyang tanga kung makangiti, pero wala siyang pakialam. Walang ibang makapapawi ng ngiti niya habang tinitingnan ang maganda nitong mukha. Suot nito ang pinagawa niya pa sa kilalang sikat na designer ng wedding gown sa Paris na si Venice Santillan.

    Tinaas niya ang belo nito at pinakatitigan ang mukha nito.

    "Finally, Mrs. Ford," he said while looking at her intently. Nagkatitigan sila at hinapit niya ito sa baywang. Binaba niya ang mukha at buong puso niya itong hinalikan.

    Napuno ng palakpakan at hiyawan ang buong garden kung saan sila kinasal. Garden wedding ang tema ng kanilang kasal. Dito sa isla na mismong pera niya ang pinambili. Hindi iyon galing sa illegal na gawin. Lahat ng nakuha niyang pera sa illegal ay na-donate na niya sa ampunan na dating pinagturuan ni Beatrice.

    Humiwalay ng halik sa kanya si Beatrice dahil ayaw niya pang tumigil. Humalakhak siya dahil halatang nahihiya ito.

    Napatili ito nang buhatin niya ito ng pa-bridal style. Pinalo siya nito sa dibdib pero napangiti na lang siya.

    "Get ready, Babe. Hindi kita tatantanan sa honeymoon natin," bulong niya rito habang dumadaan sila sa kahabaan ng aisle palabas ng garden.

    Napalunok ito at namula ang pisngi kaya natawa siya. Lalo itong gumaganda kapag pinagmumulahan ng mukha. Lalo na dahil sa puti ng kutis nito ay halata mo ang pagkamula ng mukha nito.

   Sinakay niya ito sa kotse para makapunta sila sa speed boat patungo sa kalapit na isla. Gusto niyang masolo ang misis niya kaya doon muna sila sa kabila.

    Nang maisakay niya ito ay binalingan muna niya ang pamilya nila, lalo na si Duke.

    "Come here, Son," tawag niya rito. Naupo siya pagkalapit nito para mapantayan ito. "Iiwan ka muna namin kina Lolo at Lola, ha?" sabi niya rito habang nakahawak sa balikat nito.

    "Okay," malungkot nitong tugon.

    "Don't be sad. Promise, babawi ako sa 'yo pagbalik namin," pangako niya rito.

    "Promise?" anas nito.

    "Oo nga. Saka hindi ba big boy ka na?" Tumango ito kaya hinigpitan niya ang hawak dito. "Dapat ay kaya mo na kahit pa umaalis kami. Dapat matapang ka dahil kapag naging kuya ka na ay ikaw na ang magbabantay sa mga kapatid mo," paalala niya rito. Hinalikan muna niya ito sa noo at tumayo.

    Tumingin siya sa daddy niyang katabi nito ang tunay niya palang ina na ilang taon niyang kinasuklaman dahil lamang sa mali niyang pagkakakilala rito.

    Bago siya magpakita sa mag-ina niya ay sinadya niya munang makipagkita sa mga magulang niya. Hindi niya alam kung paano uumpisahan nang magkita sila sa isang restaurant. Halata sa mga mukha ng mga ito ang pagkagulat. Sino ba namang hindi magugulat kung siya mismo ang nakikipagkita?

"HAVE A SEAT," aniya sa mga ito. Kahit na pormal pa siyang makipag-usap sa mga ito ay hindi maipagkakaila na naiilang pa siya. Hindi siya sanay, at lalong hindi siya mahinahong makipag-usap sa mga ito.

    Sinenyasan niya ang waiter na dalhan sila ng maiinom, pagkaraan ay bumaling na siya sa mga ito.

    "Mabuti at nakaligtas ka. Nasabi mo na ba ito kay Beatrice?" panimula ng daddy niya.

    "First, I want to say sorry, Dad and . . . Mom," aniya at nakita niya ang gulat at saya sa mukha ng mommy niya, "to all the worst thing and hateful words I've done to you. Hindi ko alam kung paano bang dapat kong gawin para makabawi."

Mafia Brother Owned Her (SELF PUB)Where stories live. Discover now