SIMULA

111K 2.4K 146
                                    

SIMULA
   
   
    
    MARAMING TAO ANG dumalo sa mansyon ng pamilyang Ford upang saksihan ang ipakikilalang anak na babae ng mag-asawang Ford.
 
   Sa nakalipas na labing walong taon ay naging mailap sa mga tao ang babaeng ampon ng mga Ford. At para na rin sa seguridad nito ay pinatiling pribado ito upang walang magtangka nang masama sa babae. Dahil kung tatanungin, ang Ford ay kilalang mayamang pamilya sa kanilang lugar. Kaya hindi rin maiwasan na marami ang nagtatangkang kalabanin sila gamit ang dahas.

    At dahil gusto na rin nilang malaman ng ibang tao na may meron silang isang prinsesa sa bahay ay napagpasyahan ng mag-asawa na ipakilala ito sa lahat. Hindi sila nag-imbita ng media upang maging pribado pa rin ang kanilang anak.

    Sa harap ng salamin ay masayang nakangiti si Beatrice. Maganda, elegante, at tiyak na mabibighani ka sa kanyang ayos. Gawa pa ng isang sikat na fashion designer na galing sa France ang kanyang suot. Isa itong strapless cube balloon gown na kulay puti at may nakapalibot pang diamond sa bawat tela nito. May suot din siyang mahabang kulay puting gloves sa kanyang dalawang kamay, na gawa pa sa malambot at madulas na tela.

    Kinulot din ang dulo ng kanyang blonde na buhok habang nakapusod ang kalahati nito na nilagyan pa ng koronang maliit sa tuktok. Hindi makapal at hindi rin manipis ang kanyang make-up, sakto lamang ito sa maputi at makinis nitong kutis. Ang manipis niyang mga labi ay pinahiran ng pulang lipstick na lalong nagpatingkad sa kanyang kutis.

    "I'm so excited." Hindi matawaran ang kanyang saya hindi dahil kaarawan na niya, kung hindi dahil maaari na siyang makalabas ng mansyon at makisalamuha sa ibang tao.

    Dati kasi ay hindi siya pinayagan ng mga taong kumupkop sa kanya na lumabas ng mansyon. Kaya lumaki siyang walang kaibigan, laging libro lang ang kaharap upang maiwasan ang pagkabagot, home schooled din siya at graduate na ng high school.

    Napagkasunduan kasi nilang dapat siyang sumunod sa mga ito at mananatili lamang siya sa bahay para na rin sa kanyang kaligtasan.

    Nauunawaan niya iyon. Ngunit may hiniling siya sa mga ito na kapalit. Na sa pagtungtong niya ng disi-otso ay maaari na niyang gawin ang lahat ng kanyang gustong gawin.

    At ngayon nga ang araw na kanyang pinakahihintay. Kinakabahan siya sa maaaring mangyari, lalo na sa gagawin niyang pagharap sa mga tao mamaya.

    "Oh! You're so gorgeous, Darling." Napabaling ng tingin si Beatrice nang may magsalita mula sa pintuan. Napangiti siya nang makita ang kanyang ama na si Anthonio.

    "Thanks, Dad. You look great with your suit, mas lalo kayong bumata," papuri niya na kinahalakhak nito kaya lumabas ang wrinkles. Pero hindi rin maitatanggi na may kagwapuhan itong tinataglay kahit na matanda na.

    "Alam na alam mo talaga kung paano ako pangingitiin, Darling. Manang-mana ka talaga sa ina mo," nakangiti nitong sabi at lumapit sa kanya. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa upuan at yumakap sa ama pagkalapit nito sa kanya.

    "Naku, Dad, hindi ko po kayo binobola. Ang gwapo n'yo pa rin kaya nga po nagseselos pa rin si Mommy kapag may babaeng umaaligid sa inyo." Bumitiw siya ng yakap dito at inaya itong maupo sa kama.

    "Talaga nga naman ang mommy mo. Nagseselos pa rin kahit na sa kanya lang naman ako nagpapapansin. Well, totoo naman ang sinabi mong gwapo ang daddy mo kaya hindi ko siya masisisi." Napailing siya sa kalokohan ng ama at humilig na lang siya sa balikat nito.

    "Dad," aniya at yumakap sa baywang nito.

    "Yes, Darling?" tugon nito at hinaplos ang kanyang buhok sa maingat na paghaplos upang hindi magusot.

Mafia Brother Owned Her (SELF PUB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon