CHAPTER 2 - Pagsasamantala

74.9K 2K 81
                                    

CHAPTER 2
Pagsasamantala

DIMITRI

ISANG SUNTOK ANG bumungad kay Dimitri sa pagpasok niya sa opisina ng ama. Dahil na rin sa pagkabigla ay bumagsak siya sa sahig.

"Talaga palang hanggang ngayon ay hindi ka pa tumitino, Dimitri? Simula nang binuo mo ang illegal na mafia na 'yan, nag-iba na rin ang ugali mo!" galit na sabi nito sa kanya.

Pinahid niya ang dugo sa gilid ng kanyang labi, ngunit nagawa pa rin niyang ngumisi sa harap ng ama na hindi na makontrol ang paghinga sa sobrang galit. Tumayo siya at malamig itong sinalubong ng tingin.

"Don't pretend to be a good father, because you will never be. Never," mariin niyang sabi rito. Hindi naman nakaimik ang ama. "Sa school program ko, kahit kalian ay hindi kayo um-attend. Bakit? Dahil lulong kayo sa alak. Kahit ni isang beses ay hindi ko man lang naranasan ang pagiging ama mo. Simula nang mamatay si Mama, nagbago na rin kayo. Kaya huwag kayong magmalinis. Parehas lang tayo. Like father, like son." Tumalikod siya rito upang hindi niya makita ang pag-iyak ng ama. Lumakad siya palapit sa pinto pero huminto rin agad.

"Huwag n'yong gawin ang hiling ni Bea. Dahil oras na makalabas siya ng pamamahay na ito, sisiguraduhin kong hindi n'yo na siya makikita pa," pahabol niyang banta at lumabas na siya.

Sa kanyang paglabas ay nakasalubong niya ang ina ni Xander. Hindi na niya ito pinag-abalahang pansinin dahil tiyak na makatatanggap lang ito ng masamang salita mula sa kanya.

"Sandali, Dimitri. Pwede ba tayong mag-usap?" pigil sa kanya nito habang nakahawak sa braso niya. Hinawi niya ang kamay nito, dahilan kung bakit nakabitiw ito sa kanyang braso.

"Hindi ako nakikipag-usap sa bitch na kagaya mo." Natigilan ang kausap dahil sa kanyang sinabi pero hinayaan na lamang niya at iniwan na ito.

HELEN

ANTHONIO, BAKIT KASI hindi mo pa sabihin sa kanya ang totoo? Para mawala na rin ang galit niya sa atin," mahinang sabi ni Helen nang makapasok siya sa opisina nito. Naabutan niya itong umiiyak at nagpapakalasing.

"Paano natin masasabi kung sarado ang isip niya? Hindi naman niya tayo pinakinggan kahit isang beses," madamdamin nitong wika. Kaya lumapit siya rito at nagtungo sa likod nito para haplusin ang likod.

"Helen, meron nga pala tayong malaking problema."

"What it is?"

"Tungkol sa kalayaan ni Beatrice." Nabitin naman siya sa sinabi nito.

"Oh, ano naman ang tungkol sa paglabas ng anak natin? Sabihin mo na, nabibitin ako sa sinasabi mo," naiinip niyang tanong. Nakita niya sa mukha nito ang paghihirap, ngunit hindi niya maunawaan kung bakit.

"Baka kapag hinayaan nating makalabas si Beatrice ay gumawa ng hakbang si Dimitri. Sinabi niyang oras na hinayaan nating makalabas si Beatrice ay kukunin niya ito sa atin at hindi na uli natin makikita pa. Alam mo naman si Dimitri, kung ano ang gusto, nais niya ring makuha. At ang katulad niyang leader ng mafia ay isang delikadong tao. Delikado sa katulad ni Beatrice," nababahala nitong sabi sa kanya. Bigla siyang natuliro. Umalis siya sa likod nito at lumakad-lakad, hindi mapakali.

"Pero, Anthonio, magagalit sa atin ang anak nating babae. Nangako tayo sa kanya, tapos hindi naman natin tutuparin? What if, we hired a bodyguard for her? Sa tingin ko ay hindi na makakalapit pa si Dimitri kung merong bodyguard si Beatrice," suhesyon niya sa asawa.

"Well, it's better kaysa magalit sa atin si Beatrice. Thank you, Honey." Nakangiti na ngayon ito sa kanya na kinangiti niya rin. Lumapit siya uli rito at pumunta uli sa likod nito para hilutin ang balikat.

Mafia Brother Owned Her (SELF PUB)Where stories live. Discover now