CHAPTER 22 - Sinamantala

Start bij het begin
                                    

    "C'mon, Dude. Alam kong kaya mong tanggalin ang galit ni Aurora, I mean, ni Beatrice."

    "I'll try."

    "Aasahan ko 'yan," sabi nito habang nakangisi nang nakakaloko. "So . . . aalis na ako para magawa mo na."

    Babatukan sana niya ito nang kumaripas na ito ng takbo. Napabuntong-hininga siya at napailing.

    "Actually, it's a good idea," aniya habang nakangisi.
   
   
BEATRICE
   
HUHUBARIN NA SANA ni Beatrice ang suot na dress nang biglang bumukas ang pinto, kaya agad niyang binalik ang strap ng dress niya at agad na humarap doon.

    "Ano ba?! Hindi ka ba marunong kumatok?" mahina ngunit galit niyang tanong kay Dimitri. Nagulat siya nang isarado nito ang pinto bago siya hinarap.

    "Hindi ka ba marunong mag-lock?" He's mocking her while grinning.

    "Get out of this room! Magbibihis ako." Naiirita siya. Alam na alam nito kung paano siya gagalitin. Tumawa ito sa nakikitang inis sa mukha niya.

    "Anong problema kung magpalit ka ng dress sa harap ko?" pilyong tanong niya.

    Umirap siya rito. "Get out of here! Bago ko ibato sa 'yo ang flower vase," aniya, pagkatapos ay kinuha ang flower vase na nasa side table.

    Umiling-iling ito at unti-unting lumapit sa kanya. Hinarang niya ang flower vase para hindi ito makalapit. Pero kinabahan na siya nang hindi ito natinag. Umatras siya sa kabilang side para makalayo agad dito.

    "Ano ba?! Bakit ka ba l-lumalapit?" Gusto niyang batukan ang sarili nang mautal siya. Lalo naman itong nagpursigeng lumapit dahil sa reaksyon niya.

    Napasinghap siya nang mapasandal siya sa dingding. Aalis na sana siya sa pagkakasandal nang makarating na agad si Dimitri sa harap niya. Hinawakan siya nito sa kamay bago kinuha sa kanya ang flower vase at binalik sa side table. Aalis sana siya dahil bigla siyang kinabahan dahil masyado itong malapit, pero kinulong siya nito sa dalawang braso nito. Ang isa ay sa ulunan niya habang ang isa ay nakapirmi sa baywang niya.

    Napalunok siya habang nakatingin dito na nakatitig sa kanya nang malalim. Hinaplos nito ang mukha niya, pababa sa labi niya. Napahawak siya sa dibdib nito para sana itulak ito. Pero hindi niya alam kung bakit nanghihina ang mga kamay niya. Imbes na maitulak ito ay nakapirmi lang ito sa dibdib nito.

    Hinaplos nito nang marahan ang labi niya habang nakatitig ito sa kanyang mga mata.

    "Alam mo ba ang unang naisip ko pagtungtong ko rito sa New York?" masuyo nitong tanong habang hinahaplos ang kanyang labi.

    Umiling siya nang dahan-dahan habang nahihirapang huminga dahil sa sitwasyon niya.

    "Gusto kong matikman uli ang labing ito," sabi nito habang nakatingin sa labi niya at patuloy na hinahaplos. Tinulak niya ito sa dibdib para makaalis siya pero napasinghap siya nang hapitin nito ang baywang niya palapit sa katawan nito. Mas humigpit ang pagkakahawak nito sa baywang niya na tila ayaw nitong maalis ang pagkakadikit ng katawan nila.

    Napahawak siya sa dibdib nito nang ibalik uli siya nito sa pagkakasandal.

    "Mas magandang binyagan muna natin itong unit mo bago tayo umalis, right, Babe?" mapang-akit nitong sabi.

    "P-pwede ba? Tigilan mo ako. Hindi na ako bibigay sa 'yo." Kahit nautal ay tinapangan niya ang boses. Ngumisi lang ito na tila hinahamon siya.

    "Let's see," wika nito at binaba ang mukha palapit sa kanya. Patak-patak ang binibigay nitong halik sa kanya, habang siya ay nanginginig ang kamay na nakakapit sa damit nito. Nakapikit ito habang ninanamnam ang itaas na bahagi ng kanyang labi.

Mafia Brother Owned Her (SELF PUB)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu