Kabanata XIX

5 0 0
                                    

Kabanata XIX: Anino ng pinuno

Nabalik ako sa reyalidad nang bigla niya akong itulak dahilan para tumalsik ako sa gilid. Inis akong bumangon at pinagpagan ang aking palad. Kahit kailan talaga ay napakawalang modo ng lalaking ito.

Muli naman akong napatingin sa malaking asong may puting balahibo at pulang mata. Kita ko rin ang tulis ng pangil nito at tila gusto akong kainin ng buhay. Halos ma-out of balance ako sa pagtayo para pumunta sa likuran ni Leo.

"Kierra," mahinang sabi niya.

Nanlaki ang mga mata ako at napaharap sa kaniya pero sa malaking aso pa rin siya nakatingin. Bumaling ang tingin ko sa alaga niya. Kapangalan ko ang nilalang na 'to?

Ah, isang beses palang pinakelman ni Chuxia ang script ko. Na-tripan siguro ang pangalan nito. Kainis talaga ang babaeng iyon.

Nakita ko ang biglang pag amo ng alaga nito at ang pag alis sa harapan namin na tila walang nangyari. Napahawak ako sa aking dibdib at nakahinga ako ng maluwag.

Bigla naman siyang humarap sa akin dahilan para makita ko nanaman ng malapitan ang mukha niya. Medyo umatras ako pero hinawakan niya ng mahigpit ang mga balikat ko at mariin akong tinitigan. Kita ko kung paano maging seryoso at kung paano magtagis ang kaniyang panga.

"Bakit mo ako sinundan dito?" malupit niyang sabi.

Napalunok ako dahil sa seryosong atmosphere na namamagitan sa amin. Hindi ko alam kung makakaramdam ako ng takot ngayon o hindi dahil sa mga naririnig ko tungkol sa nagawa niya. Kung nagawa niya iyon sa taong pinakamamahal niya, hindi malayo na magawa niya rin sa akin iyon ng walang pagaalinlangan.

Isa pa, balak na niya talaga akong patayin sa oras na makuha na niya ang gusto sa akin.

"A-akala ko ay espiya ka. Nasa kalagitnaan ng gabi ay sinundan kita hanggang dito 'di ko inaasahang ikaw pala..." pagsisinungaling ko, pahina nang pahina ang aking boses at 'di makatingin sa mga titig niya.

Dahan-dahan niyang binitawan ang balikat ko at agad akong humakbang paatras. Nakahinga muli ako ng maluwag. Iniiwas niya ang mga mata niya sa akin at inilagay ang dalawang kamay sa kaniyang likod.

"Umalis ka dito ng tila walang nangyari. Walang ibang makakaalam ng tungkol sa hardin na ito. Halos ilang taong inilihim ito ng aming pamilya at ayokong masayang iyon ng dahil lang sa isang tulad mo," pagbabanta niya.

"Kahit sa magiging konsorte--"

"Isa sa tradisyon ng pamilya namin ay ang ipakita ang hardin na ito sa magiging konsorte pero sinira mo," putol niya sa akin at muling humarap. Tumingin muna siya sa akin mula ulo hanggang paa bago muling tumingin sa taas, "Gusto mo ako hindi ba? Ipagpaumanhin mo pero hindi tulad mo ang tipo ko."

Napaawang ako ng labi at kumuyom ang aking mga kamao sa inis.

"Sa oras na may ibang makaalam nito, agad kong ipapakitil ang buhay mo, Jia Chen."

Mukhang seryoso siya sa sinabi niya. Humakbang na ako palayo sa kan'ya nang bigla niya akong pigilan. Napapikit ako dahil sa oras na 'to, sa lugar na 'to... pwede na niyang kitilin ang buhay ko.

"Sandali."

Humarap ako sa kanya at inilagay niya ang dalawang kamay niya sa likod.

"Natuklasan mo ang tungkol dito. Dahil sa nangyari, tatanggalin ko ang responsibilidad mo sa bahay ng mga tagapagsilbi."

Napangiti naman ako at tila nakalimutan ko ang pagkatao niya. Nilapitan ko siya at hinawakan ang magkabilang kamay.

"Talaga?"

"Labis ka bang natutuwa?" nakangiting saad niya at tumango naman ako.

Sa wakas, makakalayo na rin ako sayo. Ayoko nang mapalapit sa kamatayan na 'to. Ibalik mo na lang ako sa palasyo ng tubig please?

"Ikaw ang magiging aninong bantay ko simula ngayon. Para kitang magiging anino at kahit saan man ako pumunta, responsibilidad mo ang protektahan ang Huangding."

Napanganga ako sa sinabi niya. Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ko at agad niyang inalis ang mga kamay ko sa kamay niya.

No way.

"Makakaalis ka na."

Nakasimangot ko siyang tinalukaran pero nang hahakbang akong muli ay pinigilan pa niya ako.

"Sandali."

Inis akong humarap sa kaniya, "ANO?"

Tumaas ang kaniyang kanang kilay dahil sa naging pagsigaw ko. Umiwas ako ng tingin sa kaniya at tumikhim.

"A-anong kailangan pa," halos pabulong kong sabi.

"Noong naparusahan ka. Nabanggit mo ang tungkol kay Chai Fei at sinabi mong buhay pa siya. Sabihin na nating buhay nga siya... may proweba ka ba at alam mo ba kung saan ko siya matatagpuan?"

Bakit bigla naman siyang nagkainteres doon? Isa pa, magkikita't magkikita rin naman sila kaya 'di ko na kailangang sabihin.

"Hindi ko alam. Gusto ko lang guluhin ang isip mo noon. Bakit hindi ka ba nakatulog? Effective ba pagsisinungaling ko?"

"Sinasabi ko nga ba," aniya na mukhang nadismaya ang mukha. "Layas."

Tahimik akong lumabas ng tagong hardin na iyon. Ramdam ko rin ang titig niya sa akin mula sa likod habang naglalakad ako palayo.

Hindi pa rin ako makaget-over sa mga narinig ko. Ang akala ko ay ibabalik na niya ako sa palasyo ng tubig at tuluyang mapapalayo sa kan'ya na gusto kong mangyari. Pero mukhang baliktad ang nangyari. Gusto kong mapalayo pero mukhang nangyayari na ang tadhana na mapalapit ako sa kamatayan.

Kinabukasan, may dumating na tagapagsilbi sa silid ko. Nakita kong may dala siyang kahon na may lamang kasuotan. Pinagpalit niya ako at sinabing magaganap ang seremonya ng pagaanunsyo. Isang anunsyo na magpapakilala at manunumpa ako bilang kanang kamay o tinatawag nilang anino ng pinuno.

Bakit ba sa daming lalaki dito na mas applicable sa posisyon na ito ay ako pa ang napili niya?

Nakita ko sa salamin ang sarili kong nakasuot ng tila panlalaking kasuotan. Kulay pula ito na sumisimbolo sa palasyo ng apoy. Nakataas naman ang mahaba kong buhok. It was drawn back into tight coil at the back of my head.

Tumungo na ako sa nasabing lugar. Napatingin naman ako sa harap ng silid kung saan nagaganap ang paguusap ng apat. Nandodoon sina Mei Ren, Libra, Scorpio at Leo.

Nakita ko din ang mga nakahelerang ibang mga bantay at tauhan ng palasyo. Huminga muna ako ng malalim bago umakyat papunta sa direksyon nila. Tumayo silang apat mula sa pagkakaupo at nag bow naman ako. Kinuha ni Leo ang isang espada mula sa dumating na kawal.

"Simulan mo na ang panunumpa," saad ni Leo habang hawak pa rin ang espada gamit ang dalawa niyang kamay.

Tale of Ophiuchus 1 (Completed)Where stories live. Discover now