Kabanata I

24 6 0
                                    

Kabanata I: The Concert

Alas-cinco palang ng hapon ay naghanda na ako para sa concert. Nai-imagine ko tuloy si Dos na lalapit sa direksyon ko tapos! Tapos hahawakan niya ang kamay ko at dadalhin sa stage. Tapos sasabihin niyang...

"Hello everyone, meet my girlfriend who saved me. Kierra Chen soon to be Kierra Viglianco!" saad ko habang nakapikit sa harap ng salamin.

Naglaho ang lahat nang may biglang bumato sa akin ng unan.

"Okay, stop daydreaming Kierra!" natatawang sabi ng kaibigan kong si Chuxia.

"Tsk. Minsan lang naman to e," sabi ko habang nakahawak sa parte ng ulo ko na natamaan ng unan na binato niya.

Tinitigan pa niya ako at tiningnan mula ulo hanggang paa.

"Yes, you have small face, flat chest, flat butt then your height... Okay never mind," aniya at umirap pa siya.

"CHUXIA!"

Natawa siya dahil sa naging reaksyon ko. Lagi talaga panira 'to sa mga gagawin ko. Lumapit siya sa akin at tingingnan ang repleksyon ko sa salamin.

"Alam mo namang mahal na mahal kita Kie. Kaya nagiging honest lang ako," bulong nito sa akin at niyakap ako.

"Yan! D'yan ka magaling! Sa loob ng halos sampong taon kitang kasama , hindi ka pa rin talaga nagbabago."

Nagtawanan lang kami pareho. Sayang , may duty pala siya ngayon kaya hindi siya makakapanood ng concert. Bias pa naman nya si Fifth. Sayang talaga. Mas mae-enjoy ko sana 'to kung kasama ko siya. Parehas kaming magiging baliw sa kalagitnaan ng concert.

"Alis na 'ko!" nag-wave ako sa kaniya at pumara ng taxi.

Habang nakatingin ako sa labas ng bintana ay narinig ko ang balita sa radio tungkol sa meteor shower na magaganap mamayang gabi. Either iyon ang panonoorin ko o concert ng Number Unit. Gustong gusto ko pa naman masaksihan iyon. Hays, debale sila ang star ko ngayong gabi.

I'm so excited!

Nang makarating ako sa loob ng arena ay isang malakas na hiyawan ang sumalubong sa akin. Grabe, wala pa sila sa stage pero ang lalakas at hyper nila. Inayos ko ang bagpack ko at kinuha sa loob ang light stick at banners.

Saglit na natahimik ang lahat nang biglang magdilim ang buong arena. Ilang segundo pa ang lumipas ay biglang bumukas ang ilaw kasabay nito ang pagkanta ng pitong lalaki sa stage.

Masigla kong itinaas ang banner ko at nakisabay sa fanchant.

ONE!

TWO!

THREE!

FOUR!

FIVE!

SIX!

SEVEN!

NUM-BER-YU-NIT!

"WOOOOHHHHHH~"

Nawala ang sigla ang ngiti ko sa labi nang makita kong may red spot na nakatutok sa bandang kanang dibdib niya. Ako lang ba ang nakapansin nito? Sinundan ko kung saan ito nanggaling.

Agad akong umalis sa kinauupuan ko at pilit na pumunta sa stage pero 'di ako pinayagan ng mga guard. Inayos ko ang pagkakatindig ko at hinarap sila. Medyo dumistansya ako ng konti at tumalon talon bago ko tumama ang nagaalab kong paa sa dibdib ng guard. Agad itong natumba at nakatulog dahil tumama ang ulo nito sa bakal. Sana hindi naman siya mamatay dahil lang sa super duper power side kick ko na iyon.

Umakyat ako sa stage at napatingin sa taas. Iniharang ko ang sarili ko bago pa man makarinig ng putok na ikinagulo ng lahat. Napatingin ako sa gulat na gulat na expression ni Dos. Agad akong napabitaw sa kaniya nang hilahin siya ng guard palayo sa akin. Sa pagbagsak ko, para akong nahulog sa malalim na balon hanggang sa magblack out ang lahat.

Isang malamig na tubig ang naramdaman ko. Sa pagmulat ko, nakita ko ang mga bulang nagmumula sa bibig ko. Nanlaki ang mga mata ko at agad na umahon sa tubig. Ipinadyak-padyak ko pa ang paa ko dahil sa lalim ng tubig.

Napaubo ako at napatingin sa isang lalaking nasa harap ko. Topless siya at may telang nakabalot sa noo nya. Kita ko kung paanong kumunot ang mga noo niya nang makita ako.

But his face is familiar. Medyo nag-iba nga lang kasi mahaba ang buhok niya pero nakatali pataas. Mayroon siyang parang tattoo sa kaniyang kaliwang dibdib.

"Dos!" magiliw kong sabi.

Dali-dali akong lumangoy papalapit sa kaniya. Lalo pa siyang nagulat sa paglapit ko na bahagyang napaatras. Tiningnan ko ang dibdib niya at walang galos. Napatingin din naman ako sa dibdib ko at wala ring tama ng baril. Huminga ako ng malalim at masayang yinakap siya.

"You're not hurt. Thank God. You're alive," bulong ko.

Umalis ako sa pagkakayap niya at gulat na gulat pa rin ang expression niya.

What?

Napatingin ako sa paligid at ilang mga lalaki ang nanonood sa amin. Wait, Number Unit members?

Medyo weird suot nila ah? Isa pa, ang hahaba ng buhok nila. Nagshoshoot ba sila ng Chinese or Korean historical drama?

Muli akong napatingin sa paligid at kay Dos. Omg, nagawa ko ba yung lucid dreaming? Patay na ba ako? Nasa langit na ba ako?

Ngumiti ako ng todo at lumapit pa kay Dos. Chance ko na 'to. Omg. Ibinaba ko ang kamay ko at hinawakan ang abs nya.

For real?! Oh my George.

"Dos, sana dito na lang ako sa panaginip ko," nakapikit kong sabi at ipinatong ang ulo ko sa dibdib niya.

"Sino ka? Bitawan mo ako kung ayaw mong masaktan," maawtoridad niyang sabi.

Buti na lang nagtatagalog s'ya sa panaginip ko. Bahagya akong napangiti at muling humarap sa kaniya.

"Ano ba namang panaginip to, may amnesia ka--"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang bigla n'ya akong hawakan sa braso. Halos mabalian ako ng buto at lumipad sa ere tsaka tuluyan akong lumubog sa tubig at 'di nakita ang sunod na nangyari.

Napaka-aggressive naman ng lalaking ito!

Tale of Ophiuchus 1 (Completed)Where stories live. Discover now