Kabanata VII

3 1 0
                                    

Kabanata VII: Ang Paghatol

Kasalukuyan kong tinitingnan ang iginuhit kong mapa.

Zodiac's map look-like star shape. Sa North matatagpuan ang palasyo ng tubig, sa South ang apoy, sa East ang hangin, sa West ang earth o lupa, at sa northeast naman ang palasyo ng Ophiuchus, kung saan ako nagmula. Sa bandang northeast din matatagpuan ang Yin Empire. Pero mukhang malayo 'to sa Zodiac Land. Mukhang mga disyerto ang simbolo na nandidito bago pa makarating doon.

Kung gayon, dadaan muna sa Ophiuchus ang mga taga Yin bago makarating dito. Mukhang malayo layong lakbayin ang ginawa ng matandang iyon kanina. Aish, that cold-hearted impostor of Dos--- no, siya talaga 'yon. Kailangan ko lang talagang kumpirmahin.

Ang ilog mula dito sa kaliwang bahagi ay magiging daan papunta sa palasyo ng lupa at ang ilog naman ng lupa papuntang south ang magiging daan papunta sa ilog ng apoy. Konektado ang bawat ilog ng bawat palasyo. Kailangan kong makapunta sa kung saan ako nanggaling para makabalik ako sa totoong mundo ko. Kailangan kong makapunta sa palasyo ng apoy kahit anong mangyari.

Palihim akong umalis sa silid ko. Tumungo ako sa kubo na pinagkainan namin kanina. Parang kubo siya pero made of concrete rocks. Tiningnan ko ang malinaw na tubig. Grabe, kakayanin ko 'to.

Fighting!

Nilangoy ko ang ilog at ang pinakailalim nito. Buti nalang malakas ang baga at bihasa ako sa paglangoy. Ilang segundo pa ay nakita ko ang liwanang mula sa taas. Agad akong umahon at nakita ko ang paligid. Nasa palasyo na ako ng lupa.

Tumingin tingin muna ako sa paligid bago tumayo. Diretso lang ang ilog dito at may isang tulay na nagsisilbing daan sa kabilang dako.

Wow, para talaga akong nasa isang historical fantasy Chinese drama dahil sa mga scenery na nakikita ko. Tsk, ang galing ko talaga sa mga world building. Kung dadalhin ko rito ang editor na iyon ay malamang, mamamangha rin siya rito.

Nilakad ko ang ilog hanggang sa makarating ako sa bandang dulo hanggang sa nakita ko ang ilang taong mukhang nagkakasiyahan sa isang silid.

"Sino ka?" boses ng isang lalaki mula sa likod ko.

Hindi agad ako nakaharap. Tatalon na sana ako sa tubig nang hawakan niya ako sa balikat.

"Hindi ka imbitado sa pagdiriwang na 'to."

Humarap ako sa kaniya at nakita ko ang kahawig ni Cinco. Wait, nagkita na ba kami rito?

"Oh! Ikaw yun!" saad niya habang nakaturo ang index finger niya sa mukha ko.

Omg. Naaalala ko na. Siya yung nakatunggali ni Virgo!

"A-annyeong?" pilit akong ngumiti.

"Anyong? Teka, ba't ka nandidito at mukhang basang basa ka?" aniya at tumingin sa akin mula ulo hanggang paa.

Hindi ako nakaimik. Kailangan ko nang makaalis please stop making daldal na at makiwalwal ka na sa mga nagpa-party!

"Hintayin mo ako rito. Tatawagin ko lang ang ang mga alalay para bigyan ka ng masusuot."

Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa mawala ito saka naman ako tumalon sa tubig. Sinisid kong muli ang kailaliman ng ilog. Sa sobrang haba ng nilangoy ko ay halos nawawalan na ako ng hininga. Nang makakita ako ng liwanag mula sa taas, agad akong umahon at nakita ang paligid. Dumaan ako sa isang kubo na tila katulad ng nasa palasyo ng tubig. Mayroon itong pulang kurtinang disenyo at nakita ko sa lamesa ang mga tea cup at tea pot na mukhang kakagamit lamang.

Sa oras na makita ako ni Dos, sigurado akong ipapapatay nanaman ako non!

Nagka-amnesia kaya isya nang makarating kami rito?

Tale of Ophiuchus 1 (Completed)Where stories live. Discover now