Kabanata XII

8 1 0
                                    

Kabanata XII: Romeo and Juliet

Pagdating ko sa silid ng mga tagapagsilbi ay nakita kong nakahilera ang lahat.

"Sinong nagsabing ikaw ang magdala ng tsaa sa mga pinuno?" halos magsalubong na naman ang dalawang kilay ni Bao Ri sa irita.

Nagtama ang mata namin ni Quiyi at agad niyang iniiwas ang tingin niya.

"B-binigay sa akin ito ni Quiyi," saad ko naman habang nakatingin kay Quiyi.

"Totoo ba ang sinasabi niya?" baling ni Bao Ri kay Quiyi.

Hindi agad siya nakaimik at tumingin muna sa mga mata ko bago tumugon, "Hindi totoo ang sinabi niya. Pwersahan niyang kinuha sa akin ang tsaa para makita ang pinuno ng apoy."

Napaawang ang mga labi ko sa sinabi niya. Ang lahat ngayo'y nakatingin sa akin ng masama.

"Ganoon ka na ba talaga kadesperada para lang mapalapit sa kan'ya? Isang kahibangan," natatawang saad niya. Nakita kong may inabot na pamalo ang isang tagapagsilbi sa kan'ya. May inilagay din siyang mga tila tinik sa lupa.

"Lumuhod ka dyan at ilahad mo ang mga palad mo."

Ginawa ko ang sinabi niya at itinaas ang mahabang kasuotan ko saka lumuhod sa mga tinik sa lupa. Itinaas ko ang aking palad. Isang malakas na palo sa aking palad ang ginawa niya dahilan para mamula ito.

Nararamdaman ko rin ang kirot mula sa tuhod ko at ang pagtusok ng mga tinik sa balat ko. Hinanap ko kung nasaan si Quiyi pero kahit anino niya ay wala di ko mahagilap.

Hanggang sa sunod sunod na palo at magkaroon ito ng sugat. Natigilan siya sa pagpalo nang mapatingin siya sa likuran ko, pati ang ilang mga tagapagsilbi ay halos 'di makagalaw na animo'y nakakita ng multo.

Naramdaman ko ang mga kamay sa braso ko at dahan-dahan akong iniangat sa lupa. Humarap siya sa akin at nakita ko ang sign ng Scorpio sa leeg niya.

"G-ginoong Scorp," nanginginig ang boses ni Bao Ri at saka yumuko ang lahat.

"Lumayas kayo dito ngayon din!" sigaw niya at agad namang umalis ang lahat hanggang sa kami nalang ang natira. Pinaupo niya ako at ilang minuto pa ang lumipas, nakita kong papunta sa direksyon namin si Quiyi na may dalang mga dahon at pulbos.

"Si Quiyi ang tumawag sa akin dito. Alalang alala ang mga mata niya nang lumapit siya sa akin. Hindi ko akalaing sa pagiwas niya ay sa akin pa siya humingi ng tulong," nakangiting saad niya

So, siya pala ang iniiwasan niya. Walang imik si Quiyi at pansin ko rin ang pamumula ng mata niya. Nang matapos siya sa pagbebenda ng sugat ko at agad siyang umalis nang hindi tumitingin sa mga mata ko. Ano bang dahilan at bakit niya ginawa iyon?

"Ilang taon na kayong magkakilala ni Quiyi? Ano sa tingin mo ang dahilan kung bakit niya ginawa iyon?"

Huminga muna siya ng malalim bago magsalita, "Simula pagkabata ay magkakilala na kami at nabihag niya ang puso ko."

Luh.

Kita ko ang guhit sa mga labi niya habang ikinukwento ang masasayang pangyayari nila noon. Nakakatakot tuloy ma-inlove. Baka kung anong mga cheesy thoughts and lines ang masabi ko and I found it gross. Pero kung tinamaan ka talaga ng lintek ay wala ka na ring magagawa.

"Hanggang sa magkaroon ng alitan ang mga pamilya namin at tuluyan kaming nagkahiwalay ng landas. Palihim kaming nagkikita noon hanggang sa hindi na siya sumisipot sa tagpuan namin. Noong gabing din iyon ay binalaan ako ni ama na sa oras na makipagkita pa ako sa kaniya ay ipapapatay na siya," saglit siyang napahinto at kita ko ang pagpatak ng luha niya. Agad niya itong pinunasan.

"Isang araw habang namimili ako ay kasama ko ang babaeng ipinagkasundo sa akin ni ina. 'Di ko akalaing makikita ko muli siya at nagmakaawa siya sa akin. Nagbitaw ako ng masasakit na salita sa kan'ya na labis kong pinagsisihan. Sa huli, hindi ako pumayag sa babaeng pinagkasundo sa akin at mas piniling hasain pa ang abilidad ko. Nabalitaan ko nalang na nagsisilbi na siya dito pero kahit minsan hindi siya tumingin ng direkta sa mata ko."

"Bakit hindi niyo ipaglaban diba? Ang pagibig, yan ang pinakamalakas na bagay dito sa mundo. Isa pa, gusto mo siya at mukhang gusto ka rin niya. Wala naman kayong alam sa pagaaway ng mga magulang niyo at labas kayo do'n!"

Medyo nakaramdam din ako ng guilt. Kung sana hindi ko ito sinulat. Don't worry, I'll give you a happy ending. Nakakatakot tuloy ang mga mangyayari sa huling pahina. Madugo.

Napangiti siya pero may halong lungkot sa likod ng mga ngiting iyon.

"Sana nga ganoon kadali. Pero may mga bagay na dapat mong isakripisyo para sa kaligtasan ng isang tao. Mas pipiliin ko pa na ganito kami kaysa sa makita ko siyang naghihirap sa tabi ko. Hindi mo alam ang kayang gawin ng pamilya ko sa kan'ya."

"Para kayong si Romeo at Juliet."

"Sino naman ang mga taong 'yon?"

"Kaibigan ko! Si pareng Romeo at mareng Juliet. Parang tulad din kasi ng kwento niyo ang kwento nila. Gusto mo malaman?"

Napatango nalang siya at nakinig siya sa kwento ko. Halos umabot ako ng thirty minutes sa pagkukwento. Buti na lang at tanda ko pa. Sa kanila ko rin kasi ibinase ang buhay nila. So sa huli, pinatay ko rin sila. Nakakainis lang kasi nakakalimutan ko na 'yung mga plot na ginawa ko. Epekto rin siguro dahil nandito ako mismo sa libro.

"Anong nangyari sa kanila sa huli? Naipaglaban ba nila?" nakangiting saad niya.

Namatay sila.

Gusto kong sabihin yon sa kanya pero ayaw ko namang sirain ang mood niya. Kahit papaano ay mabibigyan ko siya ng pagasa.

"Oo naman. Masaya silang namuhay at nagkaroon ng mga anak. Nagkasundo ang Capulet at Montague sa huli," pagsisinungaling ko at dumampot ng isang bato bago ibato sa tabi.

"Sana mangyari din sa amin ang nangyari sa kaibigan mo. Posible kaya 'yun? Kung kami talaga siguro ang nakatadhana ay posible talaga 'yun."

I don't wish. Ayoko namang matulad kayo sa totoong sinapit nila.

"Alam mo magkaiba ang istorya ng bawat isa. Isulat mo ang sarili mong tadhana. Huwag kang umasa sa tadhana at maniwala sa pagkakataon dahil sa simula palang ay tayo na ang gumuhuhit ng tadhana natin. Gusto kong maiguhit mo nang walang bahid ng dugo ang pagmamahalan niyong dalawa. Okay ba?" saad ko habang naka okay sign.

Inexplain ko sa kanya yung okay sign at tuwang tuwa siya sa sinabi ko.

Ilang araw ang lumipas at halos 'di ko marinig ang pagtataray ni Bao Ri sa akin. Ilang araw na din simula nang 'di ako imikan ni Quiyi kaya nilapitan ko na siya ngayon. Mukhang gulat na gulat siya sa paglapit ko.

"Quiyi. Iniiwasan mo ba ako?"

Napatayo naman siya pero agad na iniiwas ang mata sa akin, "H-hindi."

"Kung ano man ang dahilan mo kung bakit mo nagawa 'yon... pinapatawad na kita. Alam ko rin na ikaw ang nagpatawag kay Scorp para tulungan ako."

Nakita ko ang pagtulo ng luha niya tsaka lumapit sa akin at hinawakan ang mga kamay ko. Tumingin siya sa mga mata ko.

"N-nagawa ko lang naman 'yun dahil sa pinunong tagapagsilbi. Iniutos niya sa akin na magsinungaling dahil kung hindi, ipapatalsik niya ako dito sa palasyo. Wala na akong ibang mapupuntahan dahil itinakwil ako ng sarili kong pamilya."

"Bakit ka naman itinakwil ng sarili mong pamilya?"

Ikinuwento niya sa akin ang nangyari. Ayon sa kanya, sinubukan niyang tumakas sa oras ng napagkasunduan nila ni Scorp pero napigilan siya ng kanyang ina. Binalaan siya na sa oras na makipagkita at umalis siya ay itatakwil siya bilang anak ng Lee. Sa huli, tumakas siya pero huli na ang lahat dahil tuluyan na siyang tinalikuran ni Scorp.

Wala akong karapatang manghimasok sa buhay nila at kahit na gustong gusto kong sabihin sa kanya ang side ni Scorp kung bakit niya nagawa iyon ay nanatiling nakatikom ang mga labi ko.

Hindi ko akalaing nakapasok ako sa mundong 'to ang masasaksihan ng mga mata ko mismo ang ganitong pangyayari. I feel pity for them. But I was amazed to those sacrifices they made.

Their life was made by me but seems their emotions... it's beyond my boundary. They already have it. Wala akong kontrol sa mga nararamdaman nila.

Tale of Ophiuchus 1 (Completed)Where stories live. Discover now