Kabanata XIV

3 1 0
                                    

Kabanata XIV: Babala

Bakit kasi nakalimutan ko ang nakasulat sa script!

"Sino ka at bakit ka naparito?" tanong ng isang matandang babaeng may hawak na tungkod

"N-naligaw lang po ako," pahina nang pahina ang sabi ko.

Hindi niya ba ako namumukhaan?

"Ang simbolo ng Ophiuchus sa dibdib mo."

Paano niya nakita yun?

Napangiti siya. Napatingin naman ako sa isang lalaki sa 'di kalayuang nakatingin sa amin at naghahasa ng pana. Mukhang magkasing edad lang kami sa hitsura niya.

"Ikaw ang nagmamay ari ng konstelasyon ng Ophiuchus. Salamat at nandidito ka na. Malilinis mo na rin ang pangalan natin sa buong Sidyak," nakangiting hinawakan niya ang mga kamay ko.

"N-nagkakamali po yata kayo ng akala," saad ko at tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa akin.

"Hindi ako nagkakamali. Alam mo na ba ang kakayahan mo? Ang tanging kakayahan mo ay makapagpagaling at makontrol ang ibang abilidad."

Napaisip ako sa mga sinabi niya. Kaya ba madaling gumaling ang mga sugat ko at kaya ba tila may kakaiba akong nararamdaman sa tuwing lalapit ako sa mga pinuno? Kaya ba kapag ipapakita nila ang abilidad nila ay biglang nawawala sa tuwing nandodoon ang presensya ko?

Ganoon ko ba sinulat ang libro kong ito?

Imposible. Ang birth mark ko ay ang birth mark lang at hindi simbolo ng kapangyarihan.

"Makakakaalis na ho ako."

Tanging nasabi ko nalang. Nakita ko ang ilang taong nakamasid lang sakin habang naglalakad ako palayo. Napatigil ako at muling lumingon sa kanila pero biglang nawala sa paningin ko ang bayan.

Pagbalik ko sa pwesto kung saan ko iniiwan ang kabayo ay wala na ito dito. Napatingin ako sa paligid pero walang anumang bakas akong nakita kung saan nagtungo ang kabayo. Hays. I have no choice. Lalakarin ko nalang 'to.

Makailang hakbang pa ay may biglang pumana sa binti ko dahilan para mapaluhod ako. Iniikot ko ang mga mata ko hanggang sa nakita ko ang lalaking nakita ko kanina sa bayan ng Ophiuchus. Nang pakawalan niya ang arrow sa bow ay agad kong nahugot ang espada ko para maisangga sa pana. Nahati ito sa dalawa. Agad kong hinabol ang lalaking iyon hanggang sa maabutan ko siya at itinutok ang espada sa leeg.

"Anong kailangan mo?"

"Pumunta ka ba sa bayan namin para sabihin na may mga Ophiuchus pang nabubuhay?" kita ko sa mga mata niya ang galit.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Pinapatay nila ang lahat ng Ophiuchus. Lahat ng pinuno ng Sodyak ay halimaw! Sila ang dahilan kung bakit nawalan ako ng pamilya. Pinaratangan niya ang dating pinuno namin sa isang krimeng 'di namin ginawa!"

Halos malaglag ang espada sa kamay ko dahil sa mga sinabi niya.

"Sigurado akong kapag nalaman 'to ng pinaka-pinuno na si Leo ay hindi siya magdadalawang isip na ipapatay kami tulad ng ginawa niya noon."

"Pero alam ng mga pinuno na taga-Ophiuchus ako. Hindi nila ako pinatay,"

Almost... killed.

"Dahil malaki ang magiging pakinabang mo sa kanila. Pwede mo pang palakasin ang abilidad nila o pahinain," aniya at napatingin sa likod ko. "Sa oras na makuha nila ang gusto nila, papatayin ka rin nila. Mag-ingat ka, Jia."

Kilala niya ba ako? Alam niya ang pangalan ko? Hays, kailangan ko na talagang mag-brainstorming para malaman ko ang mga susunod na mangyayari.

"Alam ba nilang ako ang---"

Umiling siya.

"Ang alam nila ay isang binata rin ang nagma-may-ari ng konstelasyong Ophiuchus."

Napalingon ako nang may marinig kaming boses sa 'di kalayuan. Nakita ko ang mukha nina Leo at Gemini. Muli akong napalingon sa bata at nakita ko sa mukha ng batang ito ang takot.

Tumago kami sa likod ng mga halaman.

"Anong pangalan mo?"

Saglit siyang natigilan bago magsalita.

"Ling."

"Ling, huwag kang magalala. H-hindi ko sasabihin sa kanila ang nakita ko. Tumakas kana." saad ko at ibinalik ang espada sa gilid ko.

"Pangako?"

Tumango ako at ngumiti naman siya. Nakita ko ang pagtakbo niya hanggang sa mawala sa paningin ko. Sakto naman ang pagdating nina Leo.

Dali-dali silang lumapit sa akin nang makita ako. Inalalayan akong makatayo ni Gemini.

"Anong nangyari sa'yo?"

"Natamaan lang ng kahoy ang binti ko dahil sa kabayo. N-nakatakas yung kabayo." pagsisinungaling ko.

"Ano ang ibig sabihin nito?" saad ni Leo at itinaas ang pana na may bahid pa ng dugo at may tela ng suot ko.

Inis niyang ibinato iyon at biglang lumapit sa akin. Napapikit naman ako na akala ko ay sasaktan niya ako pero naramdaman ko nalang ang mga kamay niya sa binti ko kasabay ang pagangat ko sa lupa. Binuhat pangkasal niya ako at tiningnan ko ang ekspresyon sa mukha niya. Feeling ko tuloy namumula mukha ko dahil sa ginawa niya.

"Dadalhin ko na siya sa palasyo. Ako pa rin ang nanalo sa huli. Dito na natatapos ang laro." seryosong saad ni Leo.

"Ako na ang--"

"Baka naalala mong ibinigay mo na ang babaeng 'to sa palasyo ng apoy kapalit ng sariling buhay niya. Tauhan ko na ang babaeng ito. Responsibilidad ko kung ano ang nangyari sa kan'ya. Makakabalik ka na."

Pagtango nalang ang naging sagot ni Gemini at bigong tumingin sa akin. Ngumiti siya pero alam kong pilit iyon.

Isinakay ako ni Leo sa kabayo habang siya naman ay nasa likod ko para magpatakbo. Sa huling pagkakataon, nakita ko lang si Gemini na nakayukom ang mga kamay at kitang kita ko sa mga mata niya ang pagaalala pero wala siyang magawa kung hindi ang tumingin nalang sa pag-alis namin.

Tale of Ophiuchus 1 (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora