Kabanata XIII

3 1 0
                                    


Kabanata XIII: Labanan ng apat na lipi

Nagising ako ng maaga. Naglakad lakad ako sa palasyo at nilasap ang sariwang hangin.

Napatingin ako sa araw na sisikat palang nang biglang may humila sa akin mula sa likod ko. Nagpumiglas ako at hinawakan ang braso niya saka ibinato paharap. Napaupo siya sa lupa dahil sa malakas na pagkakatulak ko.

Nakita ko ang simbolo ng Scorpio sa leeg niya. Tinanggal ko ang itim na nakatabong tela at nakita ko ang mukha ng isa pang gwapong binata. Nakapulupot ang kaniyang mahabang buhok.

Inalalayan ko siyang makatayo at napahawak siya sa braso niya.

"Paano ako makakalaro ngayon?!" singhal niya habang hawak hawak ang kaliwang braso niya.

"Bakit ka ba biglang manghihila at suot pa ang itim na kasuotang iyan?!" sagot ko sa kanya at tiningnan siya mula paa hanggang ulo. Self defense lang naman ang ginawa ko e.

"Para mapatawad kita sa ginawa mo, may plano ako," aniya at tumikhim.

Ngumisi pa siya at tinaas-taas ang mga kilay niya. Creepy. Buti na lang gwapo 'to hehe.

Ipinasuot niya sa akin ang puting armor at ibinigay sa akin ang isang sword. May simbolo ito ng Scorpio sa grip. He place it to my right side. Itinaas at ipinulupot niya rin ang mahaba kong buhok at nilagyan ito ng pin na pagmamayari niya.

"Kailangan bang ako talaga ang pumalit sayo sa tunggalian niyo?!" naiiritang saad ko.

"Oo! At ako muna ang tatayo sa katauhan mo," saad niya at inilugay niya ang mahaba niyang buhok at nagflip ng hair sa harap ko.

Baklang 'to.

Isinuot niya ang mask sa akin at nagsuot din siya ng mask. Mukhang hindi ko magugustuhan ang mangyayari ngayon.

Inihatid niya ako sa gubat kung saan gaganapin ang nasabing laban na magaganap.

Nakita ko ang kampon nina Leo.

"Ang apoy at hangin ang magkakampi sa labang ito. Kalaban niyo naman ang tubig at lupa. Huwag kang magalala, 'di ka naman mamamatay riyan."

"A-anong hindi... Ano ba tong laban na ito--"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang itulak niya ako sa likod ni Leo. Inayos ko ang mask ko at humarap naman siya.

"Kahit kailan talaga ay huli ka sa lahat ng bagay," umiiling iling na saad ni Libra.

Umayos ako ng pagkakatindig hanggang sa magsimula na sila. Sa lipi ng apoy: Leo, Libra, at ako, na dapat ay si Scorpio; tubig: Gemini, Aries, at Aquarius; hangin: Taurus at Capricorn; at lupa: Cancer at Tarius.

Ang akala ko ay patayan ang magaganap pero tila isang laro lang ang nangyayari. Sa 'di kalayuan, nakita ko ang pagtingin sa direksyon ko ni Gemini kaya naman ginawa kong harang si Leo.

Namukhaan niya kaya ako? Halata na siguro dahil sa height at payat ng katawan ko ay malayong-malayo kay Scorpio.

Hays kahimanawari.

Sa unang dalawang laro ay tie lamang sila. Ang unang tunggalian ay ang maglaban gamit ang espada. Magaling dito ang grupo ng apoy at hangin kaya sila ang nanalo pero sa pangalawang tunggalian ng paggamit ng pana ay asintadong asintado ang kabilang kupunan. Bull's eye kumbaga. Galing talaga ni Gemini.

Mukhang nagtataka na si Leo sa mga ikinikilos ko. Dahil ata sa akin natalo kami sa pangalawang tunggalian. Magaling ba si Scorpio sa ganitong bagay?

Sa pangatlong tunggalian ay ang karera naman ng mga kabayo. Mukhang mahihirapan ako nito. Ang magiging representative sa grupo ng apoy ay si Leo at ako, sa tubig ay si Gemini at Aquarius.

Nanginginig ang mga kamay kong nakahawak sa tali at 'di alam kung paano patatakbuhin. Hindi naman kasi ako naturuan kung paano magpatakbo ng kabayo. Siguro kung kotse pa ay kaya ko. Hays. Napatingin naman ako kay Leo na nakatitig na pala sa akin.

"Tanggalin mo ang telang nakatabon sa mukha mo," nanlilisik ang mga mata niya.

Itinuro ko ang sarili ko bago tumingin sa likod ko. Napakagat labi ako at tumango-tango siya.

Umiling ako at inalis ang mga mata ko sa kan'ya pero bigla niyang hinablot ang telang nasa bibig ko.

"Gusto mo na naman bang mamatay?"

Napalunok ako ng laway at marahang umiling. Napatingin ako sa ibang grupo na busy sa pagsakay sa kabayo. Buti na lang hindi pa ako nakikita.

Bakit kasi ako pa ang napili ng mokong na 'yon! Sigurado naman akong hindi ganoon kalakas ang impact ng braso niya sa lupa e! Hindi kaya sinadya nya lang iyon para 'di siya makasali dito? Grrr.

Kinuha ko sa kan'ya ang tela at itinabon muli sa bibig ko. Nag shh sign nalang ako sa kan'ya.

"Sa pagputok ng baril ay handa na ang lahat sa karera!" rinig kong anunsyo ni Tarius.

Isa...

Dalawa...

Tatlo!

Hiyyyyaaaaa!

Hinila ko ang tali ng kabayo pero mukhang hindi pa rin ako nakakaalis sa pwesto ko habang sila ay nasa 'di kalayuan na.

I suddenly hear the crickets sound.

Paano ba 'to?

"Kailangan mo ba ng tulong ko?" rinig kong saad sa gilid ko. Nakita ko ang naka pambabaeng damit.

"Caprico-"

Magsasalita pa sana ako nang bigla niyang paluin sa pwet ang kabayo at mabilis itong tumakbo.

Mahigpit akong napahawak sa tali at nakayuko habang sumisigaw. Hindi ko alam kung saang direksyon ito pupunta dahil nakapikit ako sa sobrang takot.

"CAPRICORN! Lagot ka sa akin pag balik kooo!"

"Walang anuman!" rinig ko pang sigaw niya.

Paano ba 'to. Binuksan ko ang kaliwang mata ko para tingnan ang paligid. Patuloy pa rin sa pagtakbo ang kabayo at halos lumundag ako sa sobrang bilis nito.

Huminga ako ng malalim at umupo ng maayos. Ang mga nakapikit na mata ko ay unti unti kong iminulat. Parang tila unti-unti din akong nakakarinig ako ng tugtog sa tenga ko. That familiar rhythm.

"O--ooppa gangnam style! Hiyaaa! O-o-o-oppa gangnam style!" sigaw ko habang patuloy ang pagtakbo ng kabayo hanggang sa makontrol ko ito.

Hinila ko ang tali at tumigil naman ito. Napatingin ako sa paligid at natigil ang mga mata ko sa isang kahoy na may mga Chinese characters na 'di ko masyadong maintindihan. May arrow ito sa kaliwang bahagi. Bumaba ako ng kabayo at nilakad ang bahaging iyon.

Ang lugar na 'to...

Halos ilang minuto na akong naglalakad hanggang sa makita ko ang isang banderang may sign ng Ophiuchus.

Nasa bayan ba ako ng Ophiuchus? Kung saan nagmula ang karakter kong si Jia.

Naramdaman kong may kumirot sa dibdib ko. Sinilip ko ito at nakita kong namumula ang birth mark ko. Kung ganoon ay... imposibleng si Jia ang nagmamay-ari ng konstelasyon ng Ophiuchus. 

Tale of Ophiuchus 1 (Completed)Where stories live. Discover now