Kabanata VIII

3 2 0
                                    

Kabanata VIII: Tulong

Nilapitan ako ng mga gwardya at inalis ang pagkakatali ko upuan. Pinaluhod nila ako habang nakatali pa rin ang magkabilang pulso ko.

Grabe pala talaga ang ginawa ko sa karakter ko.

"Simulan niyo na."

Sinumulan na akong bugbugin at hampasin ng latigo sa buong katawan ko. Namimilipit na ako sa sakit at tila pakiramdam ko ay magkakahiwa-hiwalay ang iba't ibang parte ng katawan ko sa ginawa nila.

Kung kamatayan ang magdadala sa akin sa reyalidad, sige na! Pumapayag na ako!

"ITIGIL NIYO ANG GINAGAWA NIYO!"

Napatingin ang lahat sa likod. Habang hinang hina akong nakahiga sa lupa ay naaaninag ko pa rin ang mukha ng taong nagligtas sa akin sa simula palang ng pagpasok ko sa mundong 'to.

"Gemini," mahina kong sabi habang nakatingin pa rin sa direksyon niya.

Napatungo ang mga gwardya. Pilit akong bumangon at nakita ko ang paglapit niya sa direksyon ko. Kasama niya rin pala sina Aries at Aquarius. Inalalayan niya ako at kitang kita ko ang mata niyang naga-apoy sa galit. Nakatingin siya ngayon sa unahan, kung saan nakaupo si Leo. Narinig ko ang mga yabag ng paa papalapit sa amin.

"Anong ginagawa mo rito? Hayaan mong tanggapin ng babaeng iyan ang parusa sa ginawa niya," maawtoridad niyang sabi.

"Hindi pwede. Kahit anong gawin ninyo ay isa pa rin siya sa tauhan ng palasyo ng tubig at sa akin siya inihabilin ng mga taga Ophiuchus. Kung hindi dahil sa kanila at kakayahan nilang manggamot, wala ako ngayon sa harapan ninyo," aniya at bumaba ng tingin sa akin.

"At ano ang gusto mong gawin ko? Palayain siya? Kung gayon, buhay mo ang kapalit dito."

Magsasalita pa sana si Gemini pero pinigilan ko siya. Hindi ko alam na ganito pala kasakim ang tauhang ginawa ko. Hindi ko pa sila lubusang kilala. Hindi ko rin sila makontrol.

"Ano bang ginawa kong mali at gustong gusto mong kitilin ang buhay ko sa una palang?"

Ramdam ko ang pagtitig ng lahat sa akin. Naramdaman ko nalang ang pagtulo ng mga luha ko at naalala ang sinapit ng pamilya ko noon.

"Siguro nga tama sila. Malas ako kahit kailan. Ako ang naging dahilan kung bakit namatay ang mga magulang ko. Kung bakit kailangang mapahamak ang mga taong nasa paligid ko. Kasalanan ko ba kung bakit nandidito ako sa lugar ninyo? Oo! Ako ang pumasok sa silid mo para silipin ang mapa na ang akala ko , makakaalis ako sa weirdong mundong 'to! Gusto kong mabuhay pero hindi sa paraang ganito. Ang mabuhay ba... ay isang krimen sa kahit anong mundo?"

Saglit siyang hindi nakaimik sa sinabi ko. Nakita ko ang pagyukom ng kaniyang kamao at ang pag-iwas ng kaniyang mata sa direksyon ko.

"Ginawa mo ba ito dahil naaalala mo sa kaniya si Chai Fei?"

Nakita ko ang pagbabago ng emosyon ni Leo. Sa pangalang iyon, tila napayanig nito ang buong sistema niya.

Naalala ko na. Iyon ang babaeng nilikha ko--- ibig sabihin hindi si Mei Ren ang makakatauluyan niya sa huli kung hindi si Chai Fei. Ang nakatatandang kapatid ng karakter ko. Iyon nga lang ay walang nakakaalam na magkapatid kami dahil bata pa lang ay pinaghiwalay na kami.

"Huwag na huwag mong babanggitin ang pangalan ng babaeng iyan."

"Iba si Jia sa babaeng pinagtaksilan ka. Ang babaeng ito, ay pagaari ko at hindi sa'yo. Kaya ako ang magdedesisyon kung ano ang dapat na gawin sa kanya."

Hindi na siya muling nakaimik.

"Si Chai Fei... buhay siya..." nanghihina ko pa ring sabi saka ko siya tinalikuran.

Hindi ko alam ang ekspresyon ang mukha na mayroon siya ngayon. Pero sigurado akong naguguluhan o nagulat siya sa binunyag ko. Either... he believes me or not. Pagkakatiwalaan niya pa ba ako pagkatapos ng mga nangyari? No one knows.

Inalalayan nila ako palabas ng palasyo. Isinakay nila ako sa isang palanquin at nilisan ang palasyo ng apoy. Nakatulog ako sa sobrang pagod at panghihina ng katawan ko. Ramdam ko na lang ang kamay ni Gemini sa akin balikat at isinandal ako sa kaniyang dibdib.

Tale of Ophiuchus 1 (Completed)Where stories live. Discover now