Kabanata XVI

2 1 0
                                    

Kabanata XVI: Parusa

Kinabukasan ay 'di na ako muling pinabalik sa lugar ng mga tagapagsilbi. Sa ngayon ay nandidito na ako sa isang chamber katabi ng silid aklatan ng palasyo. Medyo malapit ito sa chamber ni Leo.

Hindi pala siya tulad ng iniisip ko. Pero 'DDdi ko pa rin maiwasan dahil nga sa mga misteryosong mata at mga kilos na pinapakita niya. Lalo na ang mga sinabi ni Ling sa akin noong nagkaroon ng karera sa gubat.

NO WAY, KIERRA. Kinukuha niya lang ang loob mo. Dahil may kailangan siya. Yun 'yon. Tuldok walang kasunod.

Pinatawag kami ni Capricorn para tanggapin ang parusa. Mukhang ako lang ang nagulat sa binigay na parusa ni Leo. Isipin mo, magpapasign ka ng halos limang libong pangalan na nakatira sa buong sodyak para lang sa isang bagong batas at sa loob ng dalawang araw pa iyon ha?

Nagsimula na kaming maglibot ni Capricorn sa bawat bayan pero ni-isa ay wala pang pumipirma sa papel. Nag suggest ako sa kanya na pekeen na lang ang pirma pero malalaman daw agad ito dahil may basehan ng dating pirma ang bawat nakatira dito.

"Halos limang oras na tayong nakatunganga rito. Ano pa bang pwedeng gawin?" saad ko pero abala lang siya sa pagkain ng mansanas.

Napailing nalang ako at huminga ng malalim. Kailangan ko ng umisip ng ibang paraan. Napatingin ako sa ilang babaeng dumadaan at mukhang kinikilig sa lalaking nasa tabi ko ngayon. Nginitian sila ni Capricorn at kinindatan. Geez, magkakapatid talaga sila. Chic magnet huh.

Lumipas ang isang araw at may sampong tao ang nagsign sa papel. Nakatitig lang ako sa mga bituin at patuloy na nagiisip ng ideya kung paano namin matatapos iyon bukas. Kapag 'di namin nagawa iyon, mawawala sa pwesto si Gemini.

Hindi ko alam kung ano ang kinalaman ni Gemini sa bagong batas na 'to pero may kutob ako na may kinalaman pa rin 'to sa pangangalap ng impormasyon ko sa mapa. Gusto ko lang naman makabalik e!

"Sa bagay, mas nageenjoy ako dito at 'di hassle. Ngayon lang ulit ako nakakita ng maraming bituin," bulong ko sa aking sarili.

Habulin nga lang ng kamatayan.

Napabangon ako nang may marinig akong hakbang papalapit sa akin.

"Abala ka sa pagtingin sa bituin sa halip na problemahin mo ang parusa," aniya habang nakatingin sa kalangitan habang ang dalawa naman niyang kamay ay nasa likod.

Here comes the demon.

"Nagiisip ako kung ano pang gagawin ko bukas! Kung makapagsalita ka parang nababasa mo kung ano ang nasa isip ko ah?" pasigaw kong sabi.

Umupo siya sa tabi ko at tumingin sa taas. Ilang minuto kaming naging tahimik hanggang sa basagin ng tanong niya ang katahimikan.

"Bakit ba gustong-gusto niyong tumingin sa bituin?"

Mukhang seryoso siya kaya iniiwas ko muna ang galit.

"Nakakaramdam ako ng kapayapaan. Sa tuwing magkakaproblema ako at hinuhusgahan ako ng mga nasa paligid ko, tumitingin lang ako sa taas para kausapin yung mga bituin. Sa ganoong paraan ay nababawasan yung mabigat na nararamdaman ko," nakangiting saad ko habang nakatingin pa rin sa taas.

Ramdam ko ang titig niya kaya napalunok ako ng laway. Hindi ko na lang pinansin ang titig na iyon pero nang marinig ko ang mahina niyang ngisi ay hindi ko maiwasan ang mapatingin.

"Magkatulad talaga kayo ng paguugali," saad niya at napangiti.

He looks good with that boxing smile. Tsk tsk, minsan lang ata sa isang taon 'to ngumiti.

"Sino naman yung tinutukoy mo?"

"Isang babaeng hindi ko naligtas sa kamatayan."

Nawala ang mga ngiti sa labi niya. Si Chang Fei kaya ang tinutukoy niya? Naalala ko na may painting siya ng larawan ng babaeng iyon sa secret volt niya. Hindi din malayo na ang tinutukoy ni Gemini na babae noong pinarusahan ako ay si Chang Fei.

"May paniniwala na kapag namatay ang isang tao, nagiging butuin siya. Siguro ngayon malungkot siya dahil sa lungkot sa mukha mo."

"Hindi na ako bata para maniwala sa mga kwentong kalokohan, Jia Chen."

Ngayon ko lang narinig sa mga labi niya ang pangalan ko ng malumanay at walang galit.

"Paano kung sabihin ko sa'yong buhay pa siya, maniniwala ka?"

"Kung totoo, magbabakasakali siguro."

"Kapag sinabi ko sa'yo kung nasaan siya... hindi mo na ba ako papatayin?" pilit akong ngumiti pero marahan lang siyang umiling.

Hindi na niya ako sinagot at humiga sa damuhan.

"Alam mo ba ang hugis ng bawat konstelasyon sa mga butuin?" pagbabago ko sa usapan.

Napatingin siya sa akin at umiling. Hindi pala nageexist dito ang astronomy subject. Humiga na rin ako at nagsimulang magturo ng shapes ng bawat konstelasyon.

Nagising ako nang hindi pa sumisikat ang araw. Napatingin ako sa paligid ko at sa kumot na nakabalot sa katawan ko. Paano akong nakabalik dito sa silid ko? Nakatulog ba ako kagabi? Hindi ko naman matandaan na bumalik ako rito.

De bale hindi ito ang problema ko ngayon.

Maaga akong umalis sa palasyo kasama si Capricorn at Mei Ren. Mukhang inaantok pa sila sa mga oras na ito. Sana naman gumana ang plano kong 'to. Hindi ko hahayaang malagay na naman sa panganib si Gemini. He made too many sacrifices for me and I think, it's the time to pay those sacrifices.

Hehe salamat pala at pumayag dito si Mei Ren.

Nagtungo muna kami sa palasyo ng tubig at kinausap si Aries sa plano. Sumama sila sa amin at nagrenta naman ako ng isang kubo sa gitna ng bayan.

"Ano ba namang plano 'to at isinama mo pa ang lalaking iyan? Hindi mo ba alam na maaari pa silang makagulo sa parusang ito?" reklamo ni Capricorn.

Nakita ko ang mga nanlilisik na mata nina Aries sa kaniya. Napatikom na lang ng bibig si Capricorn at tumikhim.

"Anong plano?" aniya.

"Uso ba dito ang free hugs and kisses?" saad ko na tila ba naguguluhan ang tatlo sa mga words na binabanggit ko sa kanila.

Ipinaliwanag ko sa kanila ang gagawin. Ang signing paper para sa mga kalalakihan ay nasa tapat ni Mei Ren at sa mga babae naman ay sa dalawang gwapong binata. Tutal, chick magnet naman sila kaya ngayon ay mukhang magkakaroon ng silbi ang mga magagandang mukha nila.

Ilang babae ang nakapila na isa isang yumayakap at humahalik sa kanilang dalawa. Kita ko ang pilit na pagngiti nila sa tuwing may mga matatandang humahalik sa kanila sa pisngi.

Sa kabilang banda naman ay si Mei Ren na nakikipag kamay lang sa mga lalaking nakapila. Sino ba naman ang 'di mahuhulog sa kagandahan niya? Aaminin ko namang maganda talaga si Chu Xia. Madami siyang manliligaw sa school but she always dumped those boys. And I know, she was smart enough para patulan ang fuck boys.

Halos limang oras ang lumipas sa pagpapapirma. We made it!

Inirolyo ko ang mga papel na naglalaman ng mga pirma. Samantala naman sila ay nagpupunas ng mukha at kamay.

"Dahil nagawa na natin 'to, libre ko kayo ng pagkain!" sabi ko saka sinabit ang nakarolyong pirma sa aking likod.

Napangiti naman sila at tila nawala ang pagod sa maghapong ito. Tumungo kami sa isang kainan. Mukhang gutom na gutom sila sa lagay ngayon. Isa pa, para silang hindi galing sa mataas na ranggo sa mga kinikilos nila ngayon. Dala na rin siguro ng gutom. Hays, sorry guys but I'm thankful dahil sa pagtulong na ginawa niyo. Napatingin ako sa nakarolyong papel na nakapatong sa lamesa. Bumaba ang tingin ko sa kamay kong may ilang bahid ng ink. Ito lang ang tanging magagawa ko para kay Gemini. 

Tale of Ophiuchus 1 (Completed)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें